42: Kookie

2K 134 98
                                    

Anna's POV

"Hoy Kookie!"

Tumakbo ako papalapit sakanya.

"Anong ginagawa mo dito!?"

"Bakit mo sinusuntok yung pader ha!? Tignan mo dumudugo na yang kamay mo oh!" Lumapit siya saakin na masama yung tingin. Omo! Baka ako naman yung suntukin niya!? Mama! Ayoko pa mamatay! Huhu! T_T

"Nag aalala ka ba sakin?" Tinatanong pa ba yun? -_-

"Syempre oo!" Abnormal talaga neto. Tsk

"Bakit naman?"

"..........Kasi bestfriend kita!"

"Aww! Na friendzoned si koya! Masaket! Tsk tsk." Tumingin ako sa likod ni Xander tapos nakita ko dun si Andrei.

"Sige na Anna punta ka na sa class mo. Ako na bahala kay Kie."

"Okay." Tinignan ko muna si Kie bago ako umalis.

Two minutes nalang bago magstart yung class ko. Pambihira naman kasing lalaki yun eh! Na late pa tuloy ako. -_-

Saktong pagkadating ko sa tapat ng room may Nakabangga akong babae.

"Sorry." Tinignan ko siya sabay ng pagka gulat ko. Si Cassandra. Tinignan niya lang din ako tska siya umalis. Nag sorry ba siya sakin? Tska parang hindi niya ako tinarayan ngayon ah.. May nakain kaya siya?

"Hi Anna!" Sabi ni Kyle. Pumasok na din ako tapos umupo.

Wala si Kie at si Andrei. Panigurado pumunta sila ng clinic para ipagamot yung kamay ni Kie. Teka nga, bakit nga ba kasi sinusuntok ni Kie yung pader? Natuluyan na ba yung pagka abnormal niya? Tsk. Yung Pikachu talaga na yun..

Dumating na din yung prof namin. Hayss! Literature nanaman. Tsk ang boring eh! Buti nalang natapos na din after 1 hour.

*Beep*

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko tska may nakita akong text galing kay Andrei.

From: Cute at poging Andrei:
Dito ka na maglunch kasabay namin. :)

Nagreply nalang ako ng okay. Sabagay wala lang din naman akong mapupuntahan. Pumunta nalang ako sa canteen at buti nalang nakita ko agad sila duon.

Sila Selina, Sheena, Ara, Jamille, Kuya tanda, Kaize at si Andrei.

Asan si Kookie? Asan nanaman kaya yung tinapay na yun? Ah alam ko na, nasa clinic. Tama! Abnormal naman kasi, sino ba naman kasing ponsyong pilato yung susuntok ng pader ng walang dahilan? Teka, may dahilan ba siya?

Umupo ako sa tabi ni Liam. Si kuya Andrew busy sa iPad niya. Si Kaize at Ara naman ayun as usual nag-aasaran. Si Selina at Sheena pinag-aagawan yung burger, tsk itong magkapatid talaga na 'to. Si Jamille andun kumakain lang.

Inaya ako ni Liam ng tuna sandwich. "Salamat."

Lumapit ako kay Andrei at may binulong. "Asan si Kie?"

"Hinahanap mo?" Nakangisi siya sakin. Tsk binatukan ko nga. "Haha! Andun sa clinic, nagpapagamot."

Tumango ako. Ah pustahan nagrerelax yun dun. Chill chill lang, nakahiga. Tsk.

After namin maglunch pumunta na kami sa kanya kanyang class namin.

Nung natapos na yung dalawa naming subjects, sinabi ng prof namin na may listahan at registration daw ng mga clubs kaya tuwang tuwa yung mga kaklase ko kasi walang last subject.

From: Kuya Andrew:
Punta ka sa open feild. Mamili ka ng sasalihan mong clubs.

Naks! Ano kayang pwedeng salihan? Ah glee club nalang, kumanta lang naman ang alam ko eh.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon