I dedicate my first chapter sa mahal kong kapatid na si Jessa, naks full support yan sa akin, pinapagamit ako ng pc agad-agad kapag sasabihin kong ieedit ko yung plot ng story na nadraft ko na XD Kaya eto na sister, thanks sa lahat :P
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Introduction:
Sabi nila ang true love daw, once in a blue moon mo lang makikita. Pero di ko alam kung pano nila nalaman na blue ang moon. Sa tingin ko kasi gray eto. Charot. Pero seryoso, marami-rami na din ang nakaranas ng “true love” na yan. Ang iba sineswerte, ang iba naman minamalas. Ang iba, nabubulag lang sa isang maling akala na mahal nila ang isang tao pero ang totoo nun, may iba’t-ibang dahilan kung bakit minahal niya ang taong yun. Magkakambal na ata ang “love at pain”. Hindi na natin ito maiiwasan. Nakataga na ata sa bato ng mga kanu-nununuan natin na kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan. Aminin natin, walang perpektong relasyon, pero kung meron man, iilan as in super IILAN as in super duper to the highest level iilan lang ang sinuswerteng binibiyayaan nito. Tadhana ba talaga ang nagtatakda kung sino ang mamahalin natin o tayo mismo ang may kagagawan nito? Marami sa atin ang may minamahal kahit di natin alam kung anong dahilan. Parang isang regalo ang pag-ibig, di mo alam kung ano ang ibibigay sa iyo,minsan sinosorpresa ka, minsan nagbibigay na ng mga hint yung nagbibigay pero patay-malisya ka pa din kunwari. Ang pag-ibig, kahit di mo pa ito nararanasan o kahit di mo pa nakikita ang taong para sa iyo eh masaya ka na sa thought na pwede kang magmahal at mahalin din ng iba? Ganyan kasi ang pag-ibig, pa-suspense talaga. Kaasar >:(
Author's Note:
Hello Guys :D Umm. Unang story ko po 'to kaya pagpasensyahan niyo na kung masyadong cliche o kaya sa tingin niyo eh medyo paulit-ulit na. Nakukuha ko lang ang ideas ko sa aking isipan. O di kaya kung ano ang aking nararamdaman. O minsan ang mga dine-daydream ko. Hahahaha (ilusyonada kasi ako :)) Pinaghirapan kong gawin ang story na 'to. Sabihin niyo mang marami ng storyang ganito eh, paghihirapan kong maiba ito at malagyan ng makulay na twists and turns ang plot ng storyang ito.
Ang pagsusulat ay ginagawa ko dahil marami-raming writers ang nagpa-inspire sa akin na ilabas ang pagka-creative side ko. Chos :)) Atsaka mahilig lang talaga ako mag-sulat pampawala stress. Nagpapasalamat po ako sa mga nagbabasa o magbabasa pa lang nito. Kung may nakita man kayong mali, gorabels sa pagcomment o di kaya ang pag-message sa akin. Para naman mahasa ko ang pagsusulat ko. Sa uulitin. Maraming maraming salamat po. And sana ma enjoy kayo sa pagsabay sa buhay ng mga characters ko.
Power Hug para sa lahat >:D<
-peipeichan
BINABASA MO ANG
You and I Collide (On-Hold)
RomanceSiya yung tinatawag na "Mr. Perfect." Gwapo. Mayaman. Matalino. Kinalolokohan ng lahat. Medyo suplado. Sikat? Hmm..Medyo malabo tayo jan. Siya yung tinatawag na "Ms. Happy-Go-Lucky". Walang pakialam sa mundo. Masayahin. Palaban. Maganda? Hmm..Tanong...