You and I Collide (10) - Oooooh sino siya?

99 1 2
                                    

Dedicated to my good friend Lyra ♥ 

Ooooooooooh Taraaaaay ni atiiiii...Sino kaya siya? 

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hay nako nakakapagod naman ng araw na ‘to. >_____< Matagal kasi ako pinauwi ni shokey eh. Ang dami naming ginawa sa SC room at nung sinabi kong “namin” eh ako lang talaga ang gumawa lahat ng yon habang ang shokey ayun nakikipagusap sa kung sino-sinong under the sea friends niya. POWTEEK SIYAA *____*

Yan tuloy di ko na nasundo yung kambal nagtext na nga lang ako kay Mamu na siya nalang ang magsundo kina Led at Yuri. Kaasar. May rest time pa sana ako bago magtrabaho. Antae talaga nitong Kristian na ‘to >_____< Napaaga tuloy ako sa Happy Garden. Alangan namang uuwi pa ako? Sayang pamasahe kaya dumiretso na ako dito.

“Oh Nat? Napaaga ka ata. Di mo pa shift ah” –sabay tingin sa relo ni Ma’am Jinky

“Ah dumiretso na po ako dito galing sa school ma’am. Okay lang po ba sa employees lounge muna ako tatambay tutal mga 30 min pa po bago magsisimula ang shift ko mag-aaral lang po ako doon.” –Me

“Oh sige-sige magbihis ka nalang dati para pagshift mo na eh diretso ka na dito” –M.Jinky

“Opo ma’am.” –Me

Pumasok na nga ako sa employees lounge at nakita ko doon si Tammy at Mona nagaayos na si Tammy siya kasi ata ang papalit kay Mona eh. 

“Uy Nat napaaga ata ang dating mo?”-Mona

“Eh may bwiset kasi eh, natagalan ako sa school kaya ayun imbes may rest time sana ako bago ang shift ko eh dumiretso na ako dito galing school.”-Me

“Sinong bwiset?”-Mona

“Basta yung shokey na student council president ng school namin. Nakakaasar nga eh naalala mo pa yun Mona? Yung nagtanong ako sa iyo dati kung saan malapit pwedeng makabili ng kwek-kwek tsaka scramble? Yung customer na yon? Yun siya ang nagpabili sa akin nun -_________- siya din ang student council president ng school”-Me

“OMG YUNG POGI!”-Tammy :”>

“Pogi? San banda? Sa puwet? HAHAHAHAHA”-Me 

“Alam mo ang bitter mo teh, siguro type mo din si pogi no? Kilala mo ba yun? May number ka ba nun? Penge naman oh”-with matching *puppy dog eyes* si Tammy

Ibibigay ko ba? Naku huwag nalang kaya baka magalit si shokey eh? Mahilig kaya yun sa textmate? Maganda naman si Tammy eh. Pero naku huwag nalang talaga naawa ako kay Tammy. Sa ugali pa lang yon ni shokey siguradong suko na si Tammy after 5sec =__= Ganyan ka-antipatiko, halimaw, shokey, katakte at nakakaasar si Roxas. Ewan ko nga san niya nakuha yung mga kaibigan niya eh. =____=

“Wala.”-Me

“Ay sayang naman *pout*”-Tammy

“Ang hilig mo talaga sa textmate Tammy. Hahaha. Sige mauna na ako as inyo. Bye”-kaway sabay alis na ni Mona

Dumating na nga ang oras ng shift ko at nagsimula na akong magtrabaho kasama si Tammy.

•Uniform-check

•Pad and Paper-check

•Menus-Check

•SMILE- Pass muna di ko feel eh pagod ako -___-

Di joke lang naman. Wala din naman akong magagawa eh baka maka-award ako neto kay Ma’am Jinky -___-

•SMILE-Check na lang -___-

You and I Collide (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon