Author's note: You and I Collide Status: On Hiatus

57 0 0
                                    

Hi guys..umm eto na.. So unang-una sa lahat. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng You and I Collide. Di niyo lang alam ang saya ko everytime na nakikita ko na nadadagdagan ang reads ng story ko. Sobraaaang saya talaga dahil alam mo na may mga taong nagbigay ng time and effort para basahin ang story mo. Kaya sa lahat, maraming-maraming salamat. 

Maraming-maraming salamat din sa mga nagcomment at nag-vote. Thank you talaga dahil kahit papaano na-aappreciate niyo ang gawa ko. Maraming maraming salamat talaga. 

Sa totoo lang, ginawa ko ang You and I Collide out of boredom. Sabi ko nga sa inyo dati, nagsusulat na ako noon pero wala lang akong guts para i-publish ang gawa ko. So ayun nga nung nagkaroon ako ng lakas ng loob para i-share sa inyo ang kwento na 'to, masaya naman ako kahit papaano na meron nakaka-appreciate neto. 

Honestly speaking, sure I LIKE writing but I LOVE reading. I am more of the reader type kasi. Kaya medyo nahihirapan ako sa pag-adapt sa pagsusulat. Kahit noon pa ako nagsusulat may mga times na wala na talagang idea ang pumapasok sa isip ko. Katulad ngayon.

Kaya ko ginawang ON HIATUS ang status ng You and I Collide kasi:

1. Gusto ko magkaroon ng maayos na timeline ang aking story. Kasi nga minsan sinusulat ko lang yung mga updates ko deretso kung may maisip man ako. Kaya gusto ko sanang ma-organize ang timeline ng storya. Yung tipong may maayos na plot ang story. Di yung ngarag na ngarag. Kasi ayoko namang madaliin or magmukhang puchu-puchu (kahit lagi kong sinasabi na puchu-puchu ang story ko eh may tiwala naman ako kahit papaano na sana ma-meet ko ang expectations niyo dear readers.) ang story ko.  Gusto ko ma-meet ang expectations niyo readers. Yung tipong sasabihin niyo na "unique" ang storya ko. Kaya I need a lot of time to organize the plot of You and I Collide. Sana maintindihan niyo.

2. Another reason is, I'm at my 4th year in college na. Kailangan ng magseryoso. Oo nga may sinasabi tayong time-management chuva-chuva pero sa totoo lang, wala akong confidence mag "time-management". I really suck at that. Madalas ngarag ako. Wala kasi akong disposition pagdating sa school activities ko or any other activities. I'm the type kasi na go-with-the-flow/carefree person. Ewan ko ba 19, na ako pero immature pa talaga ako. Di talaga ako organized. Promise. Kaya nga akalain niyo yun? Umabot ako sa 4th year na ngarag. Kaya naman gusto ko sana ng time to concentrate sa studies ko. Mahirap ang Engineering sa totoo lang. Sabaw na utak ko sa kakaaral. Di naman kasi talaga ko matalino eh kaya dapat kumayod para sa aking future (nuks). Kaya nga todo ang saya ko nung nakaabot na ako sa 4th year na regular student na ako. Sobrang dami ng major major ang pag-aaralan namin neto. Hahaha. Ang hirap kasi di ko hawak oras ko. Lahat ng oras ko napupunta sa pag-aaral sa pamilya at syempre kay Papa God. Wala talaga akong confidence na magkakaroon pa ako ng oras para sa leisure eh. Pasensya na talaga T___T

3. Last reason is. Natatakot ako na I might disappoint you readers and myself. Dahil kahit nga ako na mismo ang gumawa ng You and I Collide, I feel that there is something missing sa storya mismo. I am not connected sa story ko. Alam niyo yung feeling na author-creation-connection basta yung parang you can connect with what you created. Yun, di ko nararamdaman sa story ko. Kaya nga minsan napapaisip ako na "Itutuloy ko pa ba 'to?" o di kaya "Delete ko na lang kaya 'to?" kasi feel ko kulang pa ang experiences ko sa pagsusulat.  Kaya pagpasensyahan niyo na ako.

Maraming-maramings salamat sa lahat. Lahat-lahat talaga ng readers, fans, friends sa LAHAT ng taong sumuporta sa akin at sa You and I Collide :) Sana maintindihan niyo kung bakit pansamantalagang ititigil ko muna 'to. Sana nga lang mahanap ko na yung "substance" na sa tingin ko ay kulang sa storya na 'to at hopefully matapos ko 'to na di ko nadidisappoint kayo mga mahal kong readers. 

Sa uulitin, maraming-maraming salamat. 

-peipeichan

You and I Collide (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon