Idinidedecate ko ang story na 'to kay Bonaaaaaaa :) Konti lang kasi sa mga classmates ko ang nakakabasa ng story ko, di kasi ako mahilig mag-advertise sa school nahihiya ako kaya sa twitter at tumblr lang ako nagpro-promote, at etong si Bonna nabasa yung tweet ko at binasa niya 'to and natuwaaaa talaga ako sa feedback niya. I love you bon ♥ Thaaaaanks :)
Nga pala si Bebe Paolo yan :">
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
<Kristian’s POV>
*flashback*
Tsk. Andaming tao. Ang ingay. Ba’t kasi kailangan ko pang mag-speech. Sobrang hassle. Sana pala di ko nalang ginalingan sa entrance exam eh di sana ako ang mag-spepseech ngayon. Nakakaasar. Bahala na. Okay na din ‘to na compensation sa hindi ko pag-tanggap ng position bilang student council president. Nakakapagod. Sobra na nga akong busy sa current schedule ko tapos magiging student council president ako? Huwag nalang. Nakakapagod not to mention it’s soooo boooring.
“Let’s all welcome..Kristian Roxas”..
*claps. claps. claps*
Eto na tawag na ako. Umakyat na ako sa stage para simulan ang speech ko bilang representative ng mga freshmen.
“Good Morning..”
*WOOOOOOOOOOOOOOOOOO* *AAAAAAAAAAAH!!!!KRISTIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN*
*KRISTIAN BABEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEES*
*KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA*
Sabi ko na nga ba eh -.-. Grabe din ang mga lalamunan ng mga babaeng ‘to. Pano pa ba sila nakakasalita kung ganyan kalakas ang mga sigaw nila. Pero…….
MWAHAHAHA. Ang gwapo ko talaga. Kelan pa ba nawalan ng may mga tumitili sa tuwing nagsasalita ako? Kung idedefine mo ang salitang “perfect” agad agad ako ang unang maiisip ng mga babae. Ano pa ba hahanapin sa akin ng mga babae? Gwapo, Mayaman, Matalino, Athlete.. At higit sa lahat SIKAT….
“---- SINO BA YAN?”
Biglang tumahimik ang lahat at tumingin sa direksyon ng isang babae sa may bandang unahan. Mukhang nabigla siya. Pati din naman ako nabigla noh? Sino ba namang ignorante ang hindi makakakilala sa AKIN? Ako na si Kristian Roxas na isa sa mga pinakasikat dito sa Park Denver Academy. Tiningnan ko ang babaeng napasigaw kanina. Nagtama ang aming mga mata. Bigla siyang yumuko. Teka..Namumula ba siya? Ah wala akong pakialam. Ininsutlo niya ego ko ah. Pero that aside I’ll grab the chance sa katahimikang ito para ituloy ang speech ko. Grabe din naman kasi yung mga girls 2 words pa nga lang ang lumalabas sa bibig ko nagsitilian na agad. Dahan-dahang umupo na ang mga nagsitayuan kanina at itinuloy ko na ang speech. Sa peripheral vision ko tiningnan ko yung babaeng sumigaw kanina, nakayuko pa din. Halatang nahihiya sa ginawa niya. Dapat lang siyang mahiya!!!! Ako? Si Kristian Roxas di niya kilala. Insulting.
Natapos na nga ang speech at palabas na ang lahat sa gymnasium. Palabas na sana ako nung may narinig ako..
”Tumabi ka nga diyan alien!” paglingon ko nakita ko nalang napasubsob si Megaphone (yan ang tawag ko sa kanya, ang lakas kasi ng boses).
“Hmp. Serve’s you right haharang harang ka kasi.”
Kilala ko yung nagtulak sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali, si Lauren yun. Grabe din yang isang yan. Patay na patay sa akin. -_____________- Sobrang obsessed sa kagwapuhan ko yan. Tiningnan ko ulit si Megaphone.
Bakit ganun? Bakit parang gusto ko siyang tulungan. Ughhhh -______________- Kristian ininsulto ka niya. Iwan mo na ang babaeng yan. Bagay naman sa kaniya ang nangyari sa kanya eh. Yun ang sabi ng konsensya ko. At talagang narinig ko ang konsensya ko ha? Konsensya bang matatawag yun? Parang di naman konsensya eh, AAAH (>_<) Anyways, lumabas na nga ako ng gym bago pa mag-bago ang isip ko. Asar naman ng babaeng yun (>_<).
BINABASA MO ANG
You and I Collide (On-Hold)
RomanceSiya yung tinatawag na "Mr. Perfect." Gwapo. Mayaman. Matalino. Kinalolokohan ng lahat. Medyo suplado. Sikat? Hmm..Medyo malabo tayo jan. Siya yung tinatawag na "Ms. Happy-Go-Lucky". Walang pakialam sa mundo. Masayahin. Palaban. Maganda? Hmm..Tanong...