Pagkagising na pagkagising ko, napagtripan ang mukha ko, may mga drawing. Who the hell did this?!!"Good morning Denice!" Bati sakin ni.. Ni Khalil. Wait.. Siya ba 'to? Takte naman! "Khalil?" Lumapit ako sa kanya. "Yes?" Tinignan ko at kinurot siya. "Aray!" Medyo umepek naman ang sakit ng kurot ko. :D
"IKAW BA MAY GAWA NITO!!! ABAAAA!!! NAPAKA GALING MO MAGBIGAY NG PASALUBONG AH!" Si Khalil ay Kababata ko. 4 years old palang kami, close na kami. Kaya nga lang, nung mag se second year college na kami, pinapunta siya ng America. Dun na siya nagtrabaho. Akala ko nga di na siya babalik e. "Chill ka lang dude.. Ito talaga pasalubong ko." Ngumiti siya at may hinarap na supot.
Pagbukas ko ay puro Hershey chocolate bars at Kisses. May Kitkat pa.. Saka.. FERRERO ROCHER!!!!
"Shet men! I love you tol!" Niyakap ko si Khalil. Grabe lahat ng paborito ko nandito! Sheteng kalabaw talaga.
"Woof woof!" Nakarinig ako ng tahol. May sumunod na... Huskyyyyy!!!! Siberian Husky! O MY GOSH!
Binuhat ni Khalil yung Husky at ibinuhat sa akin.
"Sakin 'to?" Binatukan niya ako. "Shunga. Akin yan." Sabi niya. "Tangina mo bro. Ang sakit nun pinaasa mo ako! Pakyu Sagaaaad!" Pagmumura ko sa kanya.
"Chill ka lang kasi. Akin nga yan." Tuta pa ang Husky at ang cute talaga. Nakalimutan ko yung si.. RJ.
"Dude? Anyare nga pala sa inyo ni RJ? Naging kayo diba? Bakit kayo nagbreak?" May nakalimutan ako e.
"Bago ko ikwento, sayo muna tong aso na to. At maghihilamos ako at magtu toothbrush." Tumango siya at kinuha ang aso.
"Ano pala pangalan ng aso mo?" Tanong ko habang nagsasabon ng mukha. "Cady. Babae naman siya e." Wow! "Nice name? Saan galing?" Tanong ko.
"Khalil and Denice." Sabi niyang masigla.
"Huh bakit mo pinagsama pangalan natin? Kasi???" Tanong ko habang nagtu toothbrush.
"E kasi akin 'tong aso. Tapos naalala kita nung bibilhin ko 'to kaya Cady nalang. Ang panget naman kasi kapag KhaDe HAHAHAHAHAHA!" Tumawa siya.
"Hahahaha Oo nga no? Kasi gusto ko magka-Husky noon?" tumawa din ako.
"Bakit di mo nalang ibigay sakin?" I continued. Humarap na ako sa kanya.
"Ikaw ba ang gumastos? May chocolates ka na nga e!" Sabi niya. Kahit kelan talaga baliw 'tong lalaki na 'to.
"HOY! Tama na kayong dalawa diyan! Kumain na kayo, lalo ka na Denice! Kakagising mo palang!" Sigaw ni Mama.
"Opo mama! Pupunta na kami ni Khalil!" Sagot ko. "Mamaya ko na ikekwento sayo ah." Sabi ko naman kay Khalil. Tumango naman siya kaagad.
***
Nasa labas kami ni Khalil. Nagkwento siya ng kung ano ano tungkol sa America at yung mga kaboringan niya.
Biglang nay lumitaw na text sa phone ko.
From: RJ panget
Engr. Montañez. May isineset si Mr. Dee na meeting with the Engineers. Sa may office niya.
Ngayon ko lang ata siya makikita. Kasi si Fely lang naman ang minimeet niya para sa Hotel achuchu na yan.
To:RJ panget
K.
Ngayon ko lang naisip. Bakit pa ako nagreply kung K at dot? Bakit di nalang? -.-
From:RJ panget
6 pm. Meeting room. Heiji Hotel. 36th Floor.
Sagot niya. Galing! Ang tipid ko magreply tas siya? Business mo 'to! Business lang talaga. I curse my life because of this. Kailangan ko pa talaga imeet itong unggoy na 'to!
***
6 pm na at naghihintay na kami kay Mr. Dee. Kanina pa ako tinititigan ni Panget(RJ the Ugly). Nababalot ng katahimikan ang buong kwarto.
Siniko ko na si Fely at napatingin naman siya.
"Bakit?" Bulong niya. Umiling ako.
"Mr. Ortega? Matatagalan ba si Mr. Dee?" Tanong ko dun sa panget.
"He'll be here in a few minutes." Tss. Kanina niya pa sinasabi yun e.
"I'm sorry engineers and architects. Pinahanap ko pa kasi ang new blueprint ng building." Si Mr. Dee na pala. And what was shocking? Another new blueprint!? WTH!?
"So let's start this meeting." Aniya at pinaupo na siya.
"RJ, please get the laser." Utos niya kay RJ. Yes sir! Utus utusan mo siya!
Ngayon, ang set up ay parang kami ang board of commitee at yung Chief Engineer namin ang boss, dahil si Mr. Dee ang nageexplain sa blueprint na nasa usb, at ibinigay na din ang original copy kay Chief.
"The whole building will be made by a concrete glass. Kami na ang bahala magsupply ng mga iyon. The basement will become the diner. Dito kakain ang mga tao.." And achuchu achuchu achuchu HAHAHAHAHA! Ang boring. Lol.
The whole meeting ay ramdam kong nakatingin sakin si RJ, at ang isa pa banda sa gawi ni Hugo. Wait?
Agaran akong lumingon kay Hugo. At nakatingin nga siya. I mouthed 'what?' Then he finally stop staring me. Why so weird?
Nagulat ako ng samaan niya ng tingin si RJ na nakatingin sakin ngayon.
Siniko ko muli si Fely at bumulong.
"Tignan mo si Hugo at RJ.. Nakakatakot ang tingin ni Hugo." Bulong ko.
Natapos ang gabi ng wala akong alam sa diniscuss ni Mr. Dee.
10 na ako nakauwi at sinundo ako ni Khalil sa hotel ni Mr. Dee.
Dun na din matutulog si Khalil dahil uuwi pa siya ng probinsya para puntahan ang lolo at lola niya.
Kumatok ako sa guest room kung saan muna matutulog si Khalil.
"Khalil, baka gusto mo ng cookies na binake ko nung isang araw?" Pag aya ko.
Pumasok na ako dun.
"May utang ka pang kwento." Sabi niya at kumuha ng cookie.
Shit. Ayaw ko nang pag usapan 'to e. Pero si Khalil naman 'to e. Hays, sige na nga.
***
Next update ko ay, di ko pa alam. Siguro after ng update ng Untypical People.