Pagka-gising ko ng umaga, may pagkain na sa desk ko.'Rise and Shine, my beautiful sunshine.'
Ang korny niya. •_•
Di na pala ako tinatablan ng mga kilig quotes hahahaha!
Sabi ni Mama, may nagdeliver daw na taga-Pancake House and sinabi na ideliver sa adress na 'to. Para daw sakin yun e.
And I think this one is a secret admirer.
Hmmm. Come think of it, High School pa ako nung huling may naglakas-loob na magpaka-Secret Admirer, which turns out to be the richest nerd of the campus. Khalil knew it. And he's not in favor of that. Ewan ko dun. Haha!
And speaking of Khalil, sabi ni Mama, maagang umalis si Khalil, papuntang probinsya to meet his grandparents. Syempre galing ng states e. Wahahahaha!
Pagkatapos ko kumain ng idineliver ay nagtoothbrush ako at umalis na. Sa office muna kami dahil aayusin namin ang paperworks and blue prints ng ibang site. Hayssst!
Nagda-drive na ako papunta dun sa office. Ng nakarating ako ay agad na akong pumunta sa 12th floor. A daily must-do.
Pero eto na naman! Katulad ng kahapon ay may sweet corny thing na naman sa desk ko pero di na kape.
STARBUCKS COFFEE NA!
Asensado 'tong secret admirer kuno na 'to ah.
Tinignan ko kung ano yun and Vanilla Latte siya. Medyo matamis yun. I enjoy it.
Ang weird lang ah? Masyado na ba akong maganda?
Nakita ko naman si Fely.
"Uy Fely! May nakita ka bang naglagay nito dito?" Tanong ko sa kanya at tinignan niya.
"Vanilla Latte? Hmmmm..." Tas nanlaki ang mata niya ng may maalala siya.
"N-nakita ko si RJ na dumaan dito e. Baka s-siya naglagay?" Namumula na siya. anyare dito?
"Bes baka may feelings pa siya sayo tas ginagawa niya yan para makabawi." She has a point. Pero the feeling? Nah.
I admit umaasa padin ako. Pero anong mangyayari kapag nag-take risk uli ako. Syempre masasaktan ulit ako.
Once it's done, it's done. And Once is enough.
Nakakatakot na umibig. Nasasaktan ka lang kung ganoon nga. Masakit umibig ng sobra. Pero what if kami ni RJ ay parang sina Daine at Peri lang?
Siguro naman hindi? Daine and Peri are happy. They'll have their baby girl. And they are one of the luckiest who found their true love. Buti pa sila.
Nakakasakit lang ng ulo ang iniisip ko. Masyado na ata akong maganda. Maganda ako! Hahaha ang ganda ko!!!
Kasi iniisip ko lang, paano kung nagpapaligsahan yung mga secret admirer ko. Yep yep yep! Iniisip ko na dalawa secret admirer ko. Base sa sinabi ni Fely na galing daw si RJ dito. Galing siya dito.. So baka siya yung isa. Pero yung isa? Yung kahapon? Kase simpleng coffee lang siya mula sa Coffee Station eh. So posibleng officemate ko?
Ay nagpapaka detective na ako. HAHAHAHAHA!
Maloloka na ako. Anyare na sa mundo ko? Ang ganda ko na ah! Hahahaha!
***
A/N: sorry ang tagal ng update tas ang short pa. Mianhamnidaaaa😭😭😭