Step 6:Siya pala.

39 3 0
                                    




"I've been thinking the last eight months thinking all love ever does is break and burn and end. But on a wednesday , in a Café, I watched it begin again."

Ang galing ng kanta no? Saktong sakto sakin. Alam kong si Taylor Swift ang kumanta pero di ko alam ang title. Di naman kasi ako fan ni Taylor eh.


"Hoy. Napatunganga ka dyan?" Sabi ni Fely habang nagaayos ng papeles.


"Sino ba yung nagpapaandar ng audio?" Tanong ko. Eh kasi nakakairita naman eh. Lahat ata ng kanta rinerelate sakin ng DJ eh.


"Aba malay ko. Pakelam ko sa ganyan?" Pabalang na sagot ni Fely.


Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung sino ang nagbigay ng mga kape. Hula ko talaga si RJ yung isa eh. Pero sino yung isa pa?




Ang hirap maging maganda.



Kung sino man ang mga lalaking yan, pakyu ang langya sila. Nagpapaka feelingera na tuloy ako!



Inayos ko nalang din ang mga papel na itinambak sakin.




Buti naman at hati hati kami sa mga blueprints. Andaming sites ang nandito? Hirap maging engineer.


---


"Musta ka na? Haggard ka na ba?" Tanong sakin ni Hugo.



"Ang laki ng ngiti mo ah?" Pansin ko lang na lagi siyang nakangiti. Napansin din pala ni Fely kaya naitanong niya.


"Wala lang to. Haha!" Ay ang saya niya ah? Hahahahahhaa!



"Uy mga baliw na mga kasama ko!" Sigaw ni Fely.



"Yung isa, Haggard tas tahimik tas yung isa sobra ang ngiti, tumatawa pa?" HAHAHAHAHAHA pinamukha pa niya.



"Hindi ako haggard. Sakit lang sa ulo magbasa ng mga blueprints." Palusot ko. Eh kasi naman andaming symbols! Though, alam ko naman kung ano yun, nakakasawa na kasi paulit ulit.


Naglalakad kami ngayon pauwi. Ihahatid daw nila ako eh.




Malapit na kami sa bahay ko ng biglang may motor na dumating. Nag door bell siya at may dala dalang bouquet of roses. Nawala ang ngiti ni Hugo sa mukha. Ano bang problema nito?



"Uhmmmm... Kuya? Bakit po?" Tanong ko.



"Dito po ba nakatira si Denice Anne Montañez? Para po sa kanya to." Napangiti ako. Kung sino man siya. Salamat.


"Ah ako po si Denice. Sino po nagpapabigay?" Kinuha ko ang bouquet at pumirma sa pinapapirma ni kuyang nagdeliver.

"Ayaw po ipasabi eh." Umalis na siya at tinukso naman ako ni Fely.


"Yiiieeeee sino yan?!!!"


"Ayaw ipasabi eh." Tinulak tulak ako ng pabiro ni Fely. Si Hugo naman, na kaninang nakangiti, ay naka busangot na.


"Oy! Hugo! Anyare sayo?" Tanong ko. Agad naman siyang tumalikod.


"Uwi na ako. Bye." Ay ganun? HAHAHAHAHAHA!



Problema nun?



Di kaya nagseselos siya?



Hala! Imposible naman yun! Di naman ako gusto ni Hugo eh.

Hays.



---

7 ways to move onWhere stories live. Discover now