KABANATA 6

21 2 0
                                    

©All Rights Reserved

This story is a work of fiction. Names, places, languages and concepts used here are all my ORIGINAL work. Any similarities in real life are all coincident. DO NOT COPY!

°°°°°°°°°°°
-University of Persus-

Muling nabulabog ang mga tao sa unibersidad nang mabalitaan ang pagkamatay ulit ng isang estudyante. Nag announce ang kanilang dean ng half-day schedule para sa imbestigasyon sa paaralan.

"Anu ba yan? Nagiging madalas na ang pagkamatay ng mga estudyante dito."

"Oo nga. Sabi nga ng mama ko, lilipat daw ako sa bagong school."

Pagpasok ni Blake ay 'yan ang mga bulong na kanyang narinig. Sinundan naman siya ni Michael na kaklase niya sa subject na iyon.

"Hi." Nakangiting bati nito kay Blake na nakikinig ng musika.

"Okay? Alam mo pinag-isipan ko talaga 'tong gagawin ko kagabi." Dagdag nito habang iniaayos ang bag sa upuan. Tumingin lamang si Blake sa kanya.

"Gusto mo bang malaman ang sinabi sakin ni Irish?"

Kumunot ang noo ni Blake at tinanggal ang earphones.

"Ano?" Saad nito.

Inilabas naman niya ang kanyang cellphone at ipinakita sa kanya ang text message.

From: Irish Damian
Hindi pa huli ang lahat. Ang taong iyon, siya ang nagtatago ng sikreto!

"Ganyan din ang natanggap ko. Pero bakit tayo? Bakit walang ganyan sa iba nating kasamahan?" Tanong ni Blake.

Bumuntong-hininga naman si Michael at umupo na lamang.

"Hindi ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan pero sasabihin ko 'to sayo. Noong isang gabi, napanaginipan ko si dean na nakahawak ng kutsilyo at tila pinatay si Irish." Saad ni Blake.

"Hmp! Panaginip lang 'yan. Diba nagbigti si Irish?" Saway naman ng binata.

"Oo pero...nevermind. Ba't ko pa sinabi sayo."

Pagkatapos ng kanilang klase ay naghiwalay ang dalawa dahil may klase pa si Blake habang free time naman ni Michael. Pumunta siya sa canteen at nakita si Vanessa na mag-isang nagmemeryenda.

"Hi Nessa! Makikiupo lang." Sabi nito at umupo sa tabi ng dalaga na halatang naiinis sa kanya.

"Oh? May nakuha ka bang bagong impormasyon?" Dagdag niya.

"Wala." Simpleng sagot ni Vanessa at akmang aalis na pero hinila ni Michael ang kanyang kamay at napaupo muli.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Oo. So just mind your own business!" Pasigaw nito at tinanggal ang pagkakahawak ni Michael sa kanyang kamay.

"Bakit? Dahil may nararamdaman ka pa sakin?" Pagbibiro ni Michael na mas lalong nagpainis kay Vanessa.

"B-bitiwan mo nga ako?!"

Riiinngg!!!

Mabilis na napuno ang canteen ng mga estudyante. Nakiupo na din si Alona sa kanila. Tinitigan niya naman ng masama si Michael na nakangiti sa kanya.

"B-bakit ka nakatingin ng ganyan?" Saad ni Alona.

"Wala lang naman. By the way, ang purpose ko talaga dito ay makakuha ng bagong impormasyon sa kaso natin." Ani Michael na napatingin kay Vanessa at tila pinaparinggan.

"Ah! Oo nga pala, may nakuha akong impormasyon tungkol kay Irish. Sabi nila hinahanap siya ng tatay niya." Paliwanag naman ni Alona.

"Talaga? O sige, mamaya nalang ulit." Sabi ni Michael at umalis.

× × ×

-Adam's POV-

Dumiretso ako sa opisina namin dahil tapos na ang aking klase. Ipinagpatuloy ko ang pagreresearch sa sinasabing asawa ni Hans, ang dean namin.

Binuksan ko ang chips at kumain habang naghahanap ng profile sa facebook. May mga nakita akong mga pangalang Rose V. pero hindi sila tugma sa asawa ni Hans.

Nabaling nalang ang atensyon ko sa cellphone nang tumunog ito.

New message
From: Unknown

Gusto mo bang malaman ang totoong nangyari? Umakyat ka sa rooftop.

Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan. Nakuwento na sakin ni Blake ang natanggap na text kay Irish pero unknown naman ang sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko pero sinunod ko na lamang ang text message.

Nanginginig ang aking tuhod habang papataas sa rooftop. Unti-unti kong binuksan ang pintuan at nasilaw sa liwanag sa labas.

"Buti naman dumating ka."

Kumunot ang aking noo nang makita ang isang matangkad na lalaki. Hawak niya ang isang babae na umiiyak sa takot. Teka? Hostage ba niya ito?

"S-sandali...s-sino ka?" Tanong ko habang papalapit sa kanila.

"Hindi mo na siya mahahanap pa!" Saad ng lalaki at ipinutok ang baril sa ulo ng babae. Unti-unti ko ding nasilayan ang mukha niya.

H-hindi maaari...s-si dean!

Nagulat ako at napaupo nang ginising ako ni Michael. Bumuntong-hininga naman ako dahil panaginip lang lahat.

× × ×

-University of Persus-

Nag ring ang bell at hudyat na uwian na kahit matarik pa ang init. Agad namang nagsialisan ang mga estudyante ngunit naiwang muli ang mga kasali sa detective club.

Nagtungo naman si Blake sa opisina at nakitang nag uusap-usap ang mga kasamahan.

"Oh? May bagong impormasyon ba?" Saad nito. Napatingin naman ang mga kasamahan niya. Umupo siya sa tabi ni Adam at ikinuwento niya ang panaginip niya kanina.

"Teka, kung si dean ang nakita mo, sino yung babaeng pinatay niya?" Tanong ng binata.

"H-hindi ko sigurado pero ang sabi ng dean sakin, hindi mo na siya mahahanap pa. At malakas ang kutob kong si Rose V. ang tinutukoy niya."

"Sandali lang, hindi pa natin sigurado 'yan dahil unang-una sa lahat, isa yang panaginip." Pagtanggi ni Michael.

Napayuko na lamang si Adam. Saktong pumasok si Alona na may dalang kape para sa kanila.

Pagkatapos nilang magkwentuhan ay sinenyasan sila ng mga pulis para makipag imbestiga sa kanila tungkol sa namatay na estudyante. Agad silang pumunta sa second floor kung saan natagpuang patay ang biktima.

-Section 27-

Isang umaalingasaw na amoy ang sumalubong sa kanila. Walang bangkay pero punong-puno ng dugo ang sahig na halos bulok na ang amoy.

Agad kumuha ng sample ng file si Blake at ibinigay sa kasamahan. Sinenyasan niya itong bumalik sa opisina at suriin. Naiwan naman sila ni Michael sa classroom at kanya-kanya silang nag-imbestiga.

Sinuri ni Blake ang upuang may marka ng katawan ng biktima. Nasa lamesa pa rin ang librong punong-puno na din ng dugo. Tumingala siya at nakita ang isang maliit na tali.

Kinuha niya ang isang upuan at pumatong para kunin ito. Hindi ito isang tali. Buhok. Mahabang buhok.

"Excuse me po sir, babae po ba ang biktima?" Tanong nito sa isang pulis.

"Hindi hijo, lalaki siya." Sagot naman nito.

Tumutugma na lahat ng mga hinala niya. Kailangan niya lamang ng iba pang ebidensiya. Isang matibay na ebidensya.

°°°°°°°°°°°

This chapter is dedicated to mugi_chan__ :)

Sana po nag eenjoy kayo hehe :)(

Count_Draculess


Thy CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon