KABANATA 1

61 4 2
                                    

©All Rights Reserved

This story is a work of fiction. Names, places, languages and concepts used here are all my ORIGINAL work. Any similarities in real life are all coincident. DO NOT COPY!

°°°°°°°°°°°

-University of Persus-

Maaga palang ay nagkukumpulan na ang mga estudyante sa bulletin board.

Announcement:
All students and school facilities will have a mass tomorrow after the first period.

Approved by:
Mr. Hans Placinto

"Diba kakamass lang natin nung isang araw?"

"Oo nga eh."

"Baka minumulto na din si Dean kaya magpapa mass siya."

"Grabe naman ang sumpa ni Irish. Pati si dean idadamay."

Ilan lang 'yan sa mga bulong na narinig ni Blake Edwards habang dumadaan sa hallway. Nakakasawa na. Araw-araw niyang naririnig ang tungkol sa sumpa ni Irish.

Transferee siya sa university kaya't wala siyang pakialam sa mga rumors na 'yan. Hindi din siya interesadong pakinggan ang kwento ni Irish Damian na sobrang popular sa school nila.

"Oh! Blake, nakita mo ba yung announcement sa bulletin board?" Tanong sa kanya ng kaibigang si Adam na nakatambay sa pintuan ng classroom nila.

"Hindi." Simpleng sagot nito at pumasok.

"Ano ka ba Blake! Hindi ka ba nababagabag sa mga nangyayari? Nagiging madalas na ang pagdaraos nila ng misa para kay Irish. Baka lumalala na ang sumpa niya." Pangungulit nito kay Blake na naglagay ng earphones at nagbasa ng libro.

"Huy! Nakikinig ka ba?" Saad ni Adam na tila hindi tumitigil sa pangungulit kay Blake.

Saktong pumasok naman ang kanilang professor at agad silang nagsiupuan. Nag discuss sila hanggang sa nag ring ang bell para sa second subject. Bago umalis ang professor nila ay nagsalita muna siya.

"By the way class, don't forget to bring your class offering tomorrow."

Agad na umingay ang buong classroom at agad na itinaas ng isang dalaga ang kanyang kamay.

"Sir? Para kay Irish ba ulit ang mass bukas?" Tanong nito at agad na tumahimik ang lahat at tila hinihintay ang sagot ng professor.

"Uhmm...sa totoo lang class, para kay Irish ang misa bukas, para na rin sa papalapit niyang death anniversary. Sana maintindihan niyo kung bakit madalas tayong nagmimisa." Pagpapaliwanag niya.

Hindi pa nakuntento ang mga estudyante at patuloy sa pag-iingay.

"Sir totoo po bang minumulto na din si dean?"

"Sir totoo po ba yung sumpa ni Irish?"

"Bakit po ba siya namatay?"

"Kailan ba matatapos ang sinasabing sumpa niya?"

Sunod-sunod silang nagtatanong na mas lalong nakairita kay Blake. Hindi na din makapagsalita ang professor dahil sa sunod-sunod na tanong. Maya-maya'y pumasok ang dean nila at tumahimik ang buong klase.

Thy CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon