KABANATA 3

27 2 0
                                    

©All Rights Reserved

This story is a work of fiction. Names, places, languages and concepts used here are all my ORIGINAL work. Any similarities in real life are all coincident. DO NOT COPY!

°°°°°°°°°°°

-University of Persus-

Muling ipinikit ni Blake ang kanyang mga mata habang nakatingin sa bintana. Wala na talaga ang babae kanina.

"Huy! Ayos ka lang ba Blake? Kanina ka pa nakatulala sa building ah." Sabi ni Adam at tinapik siya sa likod.

Natauhan naman si Blake at ngumiti sa kanila.

"W-wala, pinaglalaruan yata ako ng imahinasyon ko." Aniya.

"Guys, sa tingin ko parte tayo sa imbestigasyon. Kasali tayo sa club kaya't dapat tayong tumulong." Ani Vanessa.

Sumang-ayon naman sila at lumapit sa kanilang dean na nakikipag-usap sa pulis.

"Sir, member po kami sa school's detective club. Makikiusap lang po kami kung pwede kaming makipag imbestiga sa inyo." Paki-usap ni Vanessa.

"Hindi pwede, masyado pa kayong bata at patapos na din naman ang imbestigasyon." Tanggi ng dean.

Kinalabit naman siya ng isang pulis at may ibinulong na kung ano. Maya-maya'y tumango ang dean at tumingin sa magkakaibigan.

"O sige, pumapayag ako pero, basic investigation lang kayo. Hindi kayo pwedeng maki alam sa gamit ng mga detectives at pulis." Aniya na ikinatuwa ng magbabarkada.

Agad nilang sinimulan ang imbestigasyon sa pagpunta sa section 11. Doon, ay may nakalagay na police line at outline ng katawan ng estudyanteng namatay. Kabilaan din ang flash ng mga camera sa pag picture sa paligid. Nagulat nalang sila sa nakitang mga kataga sa blackboard.

Mortem est

"Diba death is near ang ibig sabihin niyan?" Saad ni Blake.

"Oo." Sagot naman ni Adam.

Lumapit si Blake sa isang imbestigador at nagtanong tungkol sa biktima at ang nangyari sa kanya.

"Hijo, ang pangalan niya ay Alex Luman. Twenty-one years old at nakatira sa Waterside street. Sa palagay namin, isa itong suicide dahil may hawak ang biktimang bubog ng salamin at pinagsasaksak ang kanyang sarili" Paliwanag nito.

Tumango lamang si Blake at lumapit sa blackboard pero agad siyang pinigilan ng mga kasama.

"Blake! Bawal tayo jan." Saad ni Alona na may hawak na maliit na puting envelope.

"Ano 'yang hawak mo?"

"Ah...sample ng mga pictures dito. Humingi ako ng kopya sa kanila." Aniya. Agad namang kinuha ni Blake ang envelope at hinati ang grupo sa dalawa.

Magka partner sila Blake at Vanessa habang si Adam at Alona naman ang magkasama. Nag imbestiga sina Adam at Alona sa classroom samantala, umalis naman sina Blake at Vanessa para hanapin ang mga kaibigan ng biktima.

Inisa-isa nila ang mga address nito at may nakuha naman silang impormasyon tungkol kay Alex. Sunod nilang pinuntahan ang kasintahan nito na hindi kalayuan sa university.

"Oo, mag ma-monthsary na sana kami ngayong susunod na araw pero...ito ang nangyari sa kanya." Paghikbi ng dalagang si Cristal.

"Nagkita ba kayo noong araw bago siya mamatay?" Tanong ni Blake habang nag te-take note si Vanessa.

"Oo. Nagkita kami sa canteen tapos umalis siya dahil sabi niya cleaners daw sila. Yun ang huli naming pag uusap tapos...tapos..." mas lalo pang lumakas ang hikbi at pag-iyak nito.

Thy CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon