KABANATA 14

13 1 0
                                    

©All Rights Reserved

This story is a work of fiction. Names, places, languages and concepts used here are all my ORIGINAL work. Any similarities in real life are all coincident. DO NOT COPY!

°°°°°°°°°

Lumapit si Vanessa kay Blake.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito.

"T-tignan mo 'to!" Saad ni Blake at pinause ang video. Inizoom-in niya ito sa isang kumikinang na bagay sa video.

"Ano 'yan?"

Ini open niya ang isang app at inedit ang video. Shinarpen niya ang litrato at mas naging klaro ito.

Nanlaki ang mga mata nila nang makita si Hans na nakasuot ng itim na suit at hinahatak niya ang isang malaking bag. Isang bracelet ang kumikinang kanina.

"B-Blake! May...may kamay sa bag!" Saad ng dalaga.

"Malamang si Rose V. iyan!"

Muli nilang pinanood ang tape. Hinatak ni Hans ang bag patungo sa school garden. Nagsimula siyang maghukay at maya-maya'y inilibing ang bangkay ni Rose V. Ang susunod na bahagi ng video ay pagkatapos ng limang araw. Nagpatayo si Hans ng isang mini fountain sa mismong pinaglibingan niya kay Rose.

"Napakatuso talaga ni Sir Hans. Pinagtakpan niya lahat ng mga krimen niya." Saad ni Blake.

"Kung ganon. Nasa school garden ang bangkay ni Rose V." Ani Vanessa

Tumango naman si Blake.

"S-sandali lang! May kausap dito si Hans." Dagdag ng binata.

Sa video ay may dalawang taong nag-uusap. Isa na doon si Hans. Ang kasama niya ay nakatalikod pero siguradong kasabwat niya sa krimen. Natapos na ang video.

"Blake, kailangan nating humingi ng permiso sa dean para ipahukay ang bangkay sa garden." Suhestiyon ni Vanessa na sinang-ayunan ni Blake.

"Sino kaya yung lalaking kasama ni Hans?"

"Ewan ko pero dapat din siyang managot sa pagtulong niya kay Sir Hans."

× × ×
-Someone's POV-

Pinapanood ko sina Blake at Vanessa sa storage room. Nakita na nila ang ebidensiya laban sa akin pero hindi ko sila papayagang madiskobre ang aking pagkatao.

Inilabas ko ang isang lighter at itinapon sa mga papel. Mabilis akong umalis nang nagsimulang lumaki ang apoy.

× × ×

Umuubo si Vanessa nang magsimulang masuffocate dahil sa usok. Agad na tinaggal ni Blake ang kanyang jacket at tinakpan ang ilong ni Vanessa. Tuluyan nang lumaki ang apoy. Sinubukang buksan ni Blake ang pintuan pero nakasarado ito.

"Tulooong!!!" Paulit-ulit na sigaw nito.

Hinablot niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang mga kasama.

"B-Blake...i-iligtas mo...ang sarili mo." Nanghihinang sabi ni Vanessa.

"H-hindi! Hindi kita iiwan dito!!!" Sigaw naman ni Blake habang naghahanap ng pwedeng labasan.

Mas lalong lumaki ang apoy at nakulong sina Blake at Vanessa sa isang lugar. Hindi sila makaalis dahil sa isang kahoy na nagliliyab ang humarang sa daanan.

"Tulooong!!!" Sigaw muli ni Blake habang yakap-yakap si Vanessa na malapit nang mawalan ng malay.

Bigla namang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila si Michael at Adam.

"T-tulong!!!" Sigaw ni Blake nang makita sila.

Agad nilang tinakpan ang kanilang mga ilong. Binuhusan naman ni Michael ang kanyang sarili ng tubig at tumakbo patungo kina Blake at Vanessa.

"M-Michael! I-ilabas mo si...V-Vanessa!" Nanghihinang saad ni Blake.

Hinubad ni Michael ang kanyang basang damit at ipinulupot kay Vanessa at inilabas niya ito.

"Blake! Tara na!" Sigaw nito at inialay ang kanyang kamay para tulungan si Blake pero may bumagsak muling nagliliyab na kahoy at mas lalo pang lumaki ang apoy.

"S-sige na! Umalis na kayo dito!" Sigaw ng binata.

Masakit man sa kalooban ni Michael pero kailangan niyang ilabas si Vanessa. Tinulungan siya ni Adam.

"Tumawag ka ng abulansya at dalhin mo si Vanessa sa ospital!" Utos ni Michael na muling binasa ang sarili.

"T-teka! Saan ka pupunta?" Saad naman ni Adam.

"Babalikan ko si Blake! Sige na! Umalis na kayo dito!" Utos niya at muling pumasok sa nagliliyab na kwarto.

°°°°°°°°°°°

-Vanessa's POV-

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga nanlalabong mata at tumingin sa paligid. Nakita ko si Alona sa aking tabi na mahimbing ang tulog.

"A-alona?" Nanghihina kong sambit na gumising sa kanya.

"N-Nessa, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Nahihilo ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong sakin.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at inalala ko ang mga pangyayari.

Oo tama! Magkasama naming pinapanood ang mga tape nang nagsimulang masunog ang lugar. Tapos...tapos si Blake!

"S-si Blake? Nasaan si Blake?" Tanong ko kay Alona.

"Umm...kasi..."

"Ano?! Nasaan siya?!!" Pasigaw na saad ko.

"Hindi pa siya gumigising nang isugod siya dito kagabi. Nasugatan din si Michael sa ulo." Sagot niya.

"Si Michael?"

"Oo, sila ni Adam ang tumulong sa inyo nang makulong kayo sa loob ng room." Aniya.

Agad akong tumayo pero pilit na pinipigilan ni Alona.

"Nessa! Nessa saan ka pupunta?" Paulit-ulit na sambit niya habang pinipigilan ako.

Sunod-sunod kong binasa ang mga pangalan sa bawat kwarto hanggang sa nakita ko ang pangalan nina Blake at Michael. Pumasok ako at nakita ang dalawang binatang nakahiga sa magkahiwalay na kama.

Nagtungo ako kay Blake na maraming mga pasa sa katawan.

"B-Blake?" Mahinang salaysay ko.

Gumising naman si Michael at napaupo.

"N-Nessa? A-ayos ka lang ba?" Saad niya sakin pero hindi ko siya pinansin at nagsimula na lamang umiyak sa tabi ni Blake, ang lalaking nagligtas sa aking buhay. Lumapit naman sakin si Alona at niyakap ako.

"S-sorry Blake...k-kasalanan ko lahat 'to eh!" Pagsisisi ko sa aking sarili. Kung hindi niya sana ako tinulungan, dapat wala siya dito ngayon, dapat hindi siya magdurusa ng ganito. Dapat ako yung nasa kalagayan niya.

Mas lalo pang lumakas ang paghikbi ko.

"Ano ka ba Nessa, hindi pa naman patay si Blake." Nagawa pang magbiro ni Michael. Tinitigan ko siya ng masama at tumayo at sinampal siya sa makapal niyang mukha.

"Kasalanan mo lahat 'to!" Sigaw ko na ikinagulat naman niya.

"N-Nessa, wag mo siyang sisihin. Kasalanan ko 'tong lahat. Dapat hindi kita iniwan." Pagsingit naman ni Alona.

Pinunasan ko ang aking mga luha at bumalik muli kay Blake.

Sino ang gumawa 'non? Bakit niya sinunog ang storage room? Maliban nalang kung may kinalaman siya sa pagkamatay ni Rose V.?

× × ×

Mind to vote guys? ;)

Count_Draculess

Thy CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon