KABANATA 17

17 0 0
                                    

This story is a work of fiction. Names, places,and concepts used here are all my original work/invention. Any similarities in real life is purely coincidental. Do not copy! PLAGIARISM IS A CRIME!
©All Rights Reserved

°°°°°°°°°°°°

Isang panibagong umaga na naman ang sumalubong sa buong unibersidad. Marahil normal lang sa ibang estudyante ngunit isa itong panibagong misyon para sa grupo ni Blake. Maagang natapos ang klase nina Blake at Adam at ipinagpatuloy ang pag-iimbestiga dahil wala naman na silang gagawin. Naabutan naman nila ang mga bagong kasamahan sa opisina nila na tumutulong sa pagsosort out ng mga papeles.

"Good work boys!" ani Adam na nagpabili ng chips at inumin sa kanila. Tinapik naman siya ni Blake sa likod. "Ano ka ba! Nandito sila para tumulong, hindi para utusan mo!" saad nito. kinindatan na lamang siya ni Adam at kumain.

Brrrr...

Kinuha ni Blake ang kanyang cellphone na nag vibrate at binasa ang text message mula sa isang unknown number.

New Message

Good day po, Mr. Edwards. From Hovertown Police Station po ito. Nag request po kasi si Mr. Hans Placinto na makausap ka.

Agad na umalis si Blake at nagtungo sa kulungan. Hindi na siya nagpaalam kay Adam na abala sa pagkain. Hinihintay siya ni Hans sa waiting area na tila balisa sa paggalaw. Hindi pa nakakalapit si Blake, ay tumakbo papalapit sa kanya si Hans at hinawakan siya sa balikat.

"P-pakiusap...p-patahimikin niyo n-na ako..." nanginginig na sabi niya. "S-sandali lang po, h-hindi ko po kayo maintindihan." Saad ni Blake na sinusubukang pakalmahin si Hans. Pinaupo niya ito pero balisa parin ito sa pagkilos.

Huminga ng malalim si Blake bago simulan ang pag-uusap. Pero bago pa man niya maibukas ang bunganga ay hinawakan ng mahigpit ni Hans ang kanyang kamay.

"S-si Rose...n-nasa likod siya ng unibersidad. D-doon ko s-siya inilibing. P-pakiusap...ilibing niyo siya sa m-mabuting libingan. H-hanapin niyo yung anak niya...p-pakiusap." Pagmamakaawa niya. Naguguluhan si Blake sa mga pangyayari. Bakit bigla niyang inamin ang lahat? Noong isang araw lang ay halos itanggi niya lahat.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Blake.

× × ×
-Han's POV-

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong sakin ni Blake. Magsasalita na sana ako nang makita ko si Rose sa likod niya. Nakatitig siya sakin at parang tinutusok ang puso ko sa bawat tingin niya. Binuksan ko ang aking bunganga pero walang lumalabas na salita.

"Sir Hans? Ayos lang po ba kayo?" Ulit ni Blake. Sinubukan kong sumagot pero walang ni isang tunog ang lumabas sa aking bunganga.

Biglang umalingawngaw ang nakakasindak na tawa ni Rose. Nakakabingi at nakakatakot. Tinakpan ko ang aking mga tenga at sumigaw.

Tama na! Tama na!

"Sir? Sir? Ano pong nangyayari?" Sabi ni Blake at pinapakalma ako. Tinignan ko siya pero mukha ni Rose ang nakita ko. Tumingin-tingin din ako sa paligid at lahat ng tao ay may mukha si Rose. Ibinaling kong multi ang paningin ko kay Blake...hindi...si Rose na nakahawak sa aking leeg.

"Sa tingin mo ba mapapatawad kita?! Mamamatay ka muna bago kita patawarin!!!" Sigaw niya at mas lalo pang humigpit ang pagkakasakal niya.

"T-tama na R-Rose...i-ibabalik ko ang anak mo!" Saad ko habang hinahabol ang aking hininga. Dumilim ang paligid at ang huling narinig ko ay ang nakakasindak na tawa niya.

× × ×

-Blake's POV-

Kakaiba ang ikinikilos ni Hans at parang nababaliw. Sobra ang panginginign niya at hinimatay ito. Agad siyang isinugod sa ospital habang bumalik naman ako sa paaralan at naabutan si Adam na natutulog sa sofa ng opisina namin.

Tinapik ko siya at gumising ang antuking ito.

"Gumising ka na! May kailangan tayong gawin!" Nagmamadaling sabi ko at hinatak siya palabas. Pumunta kami sa opisina ng janitor at humiram ng pala.

"T-teka, saan natin gagamitin yan?" Nagtatakang tanong ni Adam. Hindi ko siya sinagot at nagtungo sa school garden sa likod ng building. Walang mga tao doon at nasira ang mga CCTV.

"Sandali lang, wag mong sabihing huhukayin natin ang bangkay ni Rose V.?!" Salaysay ni Adam. Tumango lamang ako at sinimulan namin ang paghuhukay.

Makalipas ang ilang oras ay may natamaang matigas na bagay si Adam. Hinukay namin ito at nandoon nga ang mga labi ni Rose.

"Jusko! Sana hindi niya tayo multuhin." Saad ni Adam na natatakot hawakan lupa. Kinuha ko ang mga buto at inilagay sa isang sheet.

Riiing...

Patay! Nag ring na ang bell. Magsisilabasan ang mga estudyante at siguradong mapapraning ulit kapag nakita ito.

Dali-dali naming ibinalik ang lupa at umalis. Hindi na kami pumasok sa susunod na klase para lang dito.

"Blake, saan ba natin to dadalhin?" Tanong ni Adam. "Ililibing natin sa sementeryo. Tapos hahanapin natin yung nawawalang anak niya." Sagot ko. "Bakit naman natin hahanapin ang anak niya? Wala naman yun sa listahan ni Irish a?" Dagdag pa niya.

"Mahabang istorya. Basta't gawin mo nalang ang ipapagawa ko." Sabi ko. Maya-maya'y nakarating kami sa sementeryo. Ipinaubaya namin ang mga labi ni Rose sa caretaker. Siya na ang maglilibing sa kanya.

Noong nakaraan ay nagkaroon ako ng panaginip tungkol sa anak niya. Pero hindi ako sigurado tungkol sa nakita ko.

Hindi pwedeng maging siya...hindi si Michael.

°°°°°°°°°°°

Please vote :)

Count_Draculess

Thy CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon