KABANATA 11

17 1 0
                                    

©All Rights Reserved

This story is a work of fiction. Names, places, languages and concepts used here are all my ORIGINAL work. Any similarities in real life are all coincident. DO NOT COPY!

°°°°°°°°°°°

-University of Persus-

Makaraan ang ilang oras ay nagising na din ang dalaga. Naiwan si Blake sa clinic dahil wala itong klase sa mga oras na iyon.

"A-anong ginagawa ko dito?" Nanghihinang salaysay ng dalaga.

"Nasa clinic ka ngayon. Hinimatay ka kanina sa opisina namin." Paliwanag naman ni Blake.

"H-hinimatay?" Ulit nito. Tumango naman si Blake at nagsalita.

"May sinasabi ka sa amin kanina tungkol kay Irish. Ano bang nakita mo?"

"Kanina, pumunta ako sa restroom para umihi nang makakita ako ng paa sa ilalim ng cubicle tapos lumabas ako pero walang tao sa paligid. Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko si Irish sa salamin na humihingi ng tulong tapos nakita ko siyang nakabigti." Paliwanag niya at nagsimulang humikbi.

"Sigurado ka bang si Irish ang nakita mo?"

"Oo. Siguradong-sigurado ako."

Nagpasalamat naman si Blake at umalis ng clinic. Nagtungo ito sa kanyang kaibigang tagasuri ng mga DNA.

"Welcome back Blake! Buti naman gumaling ka na. Matagal nang nakatambak yung resulta ng buhok sa aking opisina." Bati nito sa kanya.

"Tamang-tama dahil kailangan ko iyon ngayon."

Ibinigay nito ang maliit na puting envelope.

Hair sample result: unknown

"Unknown ulit?" Reklamo ni Blake.

"Oo pare, sinuri na din yan ng kaibigan ko sa U.S pero parehas lang din ang lumabas na resulta." Saad nito.

"Siguro nga'y tama yung sinabi ng matanda. Mula sa mga kakaibang elemento ang sample na 'yan. Maraming salamat nga pala." Sabi ng binata tsaka umalis.

°°°°°°°°°°°

Kinabukasan, nagkita-kita ang mga taga detective club sa isang cafè dahil tinawagan sila ni Blake para sa isang experimento.

"Ano ba 'tong gagawin natin at mukhang napakaimportante yata." Saad ni Michael.

"Basta makicooperate nalang kayo." Simpleng sagot ni Blake.

-Flogwoods Compound-

Pumunta sila sa storage room nina Blake. Inilabas niya ang isang ouija board.

"Hala! Bakit may ouija board?" Tanong ni Alona.

Hindi sumagot si Blake at patuloy sa pag-aayos ng mga kandila. Tinulungan naman siya nina Adam at Vanessa. Matapos ang lahat ay isinara niya ang mga bintana at pinatay ang mga ilaw.

"Okay guys, kailangan ko ng kooperasyon ninyo. Itong gagawin natin ay mapanganib pero sana...sana talaga magtagumpay tayo." Saad ni Blake.

"Ibig mong sahihin, tatawag tayo ng isang espirito? Diba bawal yun?" Angal ni Alona.

"Oo nga. Sabi ng mga matatanda, kapag daw tumawag ka ng espirito ay mabubuksan ang lagusan sa ibang dimensyon at maaaring hindi ito maisara kapag..."

"Kakayanin natin 'to!" Pagputol ni Blake sa salaysay ni Adam.

Nagsiupo sila ng pabilog at pinaligiran ang ouija board. May nakatapat sa kanilang mga kandila. Naghawak-hawak sila ng mga kamay at nanalangin muna.

"Blake, sigurado ka ba sa gagawin mo? Paano kung..." pagdadalawang-isip ni Vanessa.

"Magtiwala lang kayo. Alam kong magagawa natin 'to. Makinig kayong lahat, alam nating hindi pa natatahimik ang kaluluwa ni Irish kaya't tatawagin natin siya para malaman ang gusto niyang iparating." Paliwanag ni Blake na punong-puno ng determinasyon.

Huminga sila ng malalim at sinimulan ang orasyon.

"Be with us here and speak through the medium of this board. Indicate your presence here by moving the planchette to 'yes'." Sabay-sabay nilang sambit.

Maya-maya'y nakaramdam sila ng matinding lamig at sumasayaw ang apoy ng mga kandila. Kamala-mala'y gumalaw ang baso at napunta ito sa salitang 'yes'.

"I-Irish...ikaw ba yan?" Nanginginig na tanong ni Alona.

Nanatili parin ang baso sa salitang yes.

"Irish, tinawag ka namin dahil gusto naming malaman ang dahilan kung bakit hindi ka parin natatahimik." Saad ni Michael.

Bigla namang huminahon ang paligid at nagsimulang gumalaw ang baso sa mga letra.

T...

U...

L...

"Tulong?" Pagbasa ni Blake.

"Bakit ka humihingi ng tulong?" Dagdag pa niya.

Muling gumalaw ang baso.

S...

O...

U...

L...

T...

R...

Malakas na hangin ang pumigil sa ritwal. Sobrang lakas nito na halos maihangin ang mga gamit. Namatay na din ang mga kandila at nagsigawan na ang mga babae dahil sa takot.
Halos mabasag na din ang mga bintana.

Maya-maya'y tumigil ang kababalaghan. Tumingin-tingin sila sa paligid na parang dinaanan ng buhawi dahil sa mga kalat.

"Irish? Irish? Nandyan ka pa ba?" Salaysay ni Blake habang iniayos ang board.

Hindi gumalaw ang baso.

"A-anong gagawin natin? H-hindi natin naisara ang pintuan ng ibang dimensyon..." pangangamba muli ni Alona na mas lalo pang napraning nang hindi sumasagot si Irish gamit ang board.

"Kung may mangyayari man satin, kasalanan lahat ni Blake." Pagsisi ni Michael kay Blake sa mga nangyari.

"Anong sinabi mo? Eh diba ginusto mo rin 'to! Ginusto natin lahat 'to!!!" Sigaw naman ni Blake.

Hinawakan siya ni Michael sa kwelyo at nanginginig sa galit. Pumagitna naman si Vanessa at pinigilan ang dalawa.

"Ano ba kayo? Hindi ito ang tamang panahon para mag-away kayo lalo na't may mas malaki pa tayong problema!" Sigaw niya.

Huminahon naman ang mga binata at lumabas muna si Michael.

"Wag kayong mag-alala...naisara ko ang portal bago pa man magulo ang paligid." Mahinahong salaysay ni Blake na ikinagulat at ikinatuwa ng mga kasama.

"T-talaga? Paano?"

"Kailangan kong maging sigurado at handa sa mga mangyayari kaya't humingi ako ng banal na tubig sa simbahan at habang kinakausap natin si Irish kanina ay nakaramdam na ako ng kakaiba kaya't pinatakan ko ang board para maiselyado ito." Paliwanag niya.

"Hanep ka din Blake! Ang talino mo talaga." pagpuri ni Adam.

"Pero hindi tayo dapat magsaya lalo na't may panibagong misyon na naman tayo." Dagdag ng binata.

Kailangan naming malaman ang dahilan ng hindi matahimik na kaluluwa ni Irish.

°°°°°°°°°°

Heeeeyyyy!!! :D

Nakakaboring po ba XD

Count_Draculess

Thy CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon