Notice

6 0 0
                                    


SI Hero ay isang babaeng karakter sa istoryang ito habang si Leander ay isang lalaking karakter. Maaaring mapansin niyo ang pangalan ng aso niya ay Leandro ngunit nabasa niyo sa ibang mga kabanata ang ngalan na Leandro, ay hindi ang aso ang tinutukoy ko kundi si Leander mismo. Bahagyang tawag ng ibang mga karakter kay Leander ay Leandro kahit ako ay napahilig sa pangalan na Leandro kaya naisulat ko nalang na Leandro ang tawag.

Hango sa Griyegong mitolohiya ang dalawang pangalan na karakter na sina Leander at Hero. Ang kwentong ito ay isang klaseng trahedyang kwento. Hindi ko na kayo iispoil pero hindi ko ginaya ang mismong istorya ng Griyegong mitolohiya na aking nabasa kung baga ay doon ko lang nahango ang ideya at pinalitan ang ilang bahagi. 

Masasabing cliche ang istoryang ito dahil mukhang ito'y isa sa mga tipikal na nobelang pangromansa na nilagyan ng piksyon ngunit sinubukan kong gawin itong hindi cliche na istorya. Sana may aral kayong matututunan mula sa aking sinulat na nobela. Tapos ko na ang nobelang ito ngunit hindi ko lang nauupdate dahil maaaring tinatamad ako. Salamat :)

Love Lost: Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon