Chapter 1

26 0 2
                                    


Flashback

"Ang dami ko na namang kailangang i-take na subject para makagraduate na ko ngayong March!" reklamo ko sa harap ng mga kaibigan ko habang nakapila sa registrar dahil enrollment ngayon para sa Second Semester and as usual, sobrang haba na naman ng pila. Abot na sa kabilang building. 


"Hayaan mo na. Atleast makakatapos ka na this March." ani ni Chelly. Ang dean's lister namin. She's also running for Cum Laude. 


"Buti pa kayo 4 subjects nalang samantalang ako 6 pa. Nakakaloka. Kasabay pa ng OJT natin. Hay nako. Mamamatay na ko. Ang hihirap pa ng subject na to." Patuloy na pagrereklamo ko dahil sa sobrang dami ng kailangan kong kuhain na subject. 

Irregular student kasi ako, shifter ako galing sa isang Med course at dahil sa hirap ng buhay at hindi na kinaya ng magulang ko ang mga gastusin sa course na yun ay nagprisinta na akong magshift. Gusto ko pa ngang huminto sa pag-aaral pero ayaw ng mama ko dahil baka raw tamarin na ko. Ngayon heto ako isang education student. Hindi rin naman ako nagsisi dahil mababait ang mga naging kaibigan ko at alam kong mas maganda ang mga opportunities na pwedeng dumating sa akin. Dahil sa gusto kong matapos agad, tinapos ko ng tatlong taon ang kursong ito. Laging full load ako per semester at di ko maikakaila na sobrang hirap dahil sabay sabay pa yung mahihirap na subject pero awa ng Diyos ay naipapasa ko sila ng may mataas na marka. 

"Lalo na 'tong Literary Criticism! Diba si Sir Palma yung prof dito? Jusko yung baklang yun." Naging professor ko na kasi nung nakaraang semester si Mr. Palma at susmaryosep! Sobrang pahirap sa buhay. Kulang nalang eh, hindi na kami matulog sa sobrang dami ng pinapagawa niya. talagang mauubusan kami ng English sa mga essay at kung ano ano pang paper works. 

"Oo nga eh." Sang-ayon ni Casey. Ang bestfriend ko. 

"Mukhang Lit Crit lang ang mahirap dahil yung ibang subject ko ay mababait ang prof. Hayahay na naman ako nito." Napangiti naman ako matapos kong sabihin yun. Karamihan kasi ng professor namin ay masyadong mababait. Sobrang considerate kaya nakakatuwang mag-aral. Hayahay. Hahaha.

"Ano ba pang mga naiwan mong subject, Holy?" tanong sakin ni Casey.

"Puro pang-second year eh. Teaching of Lit at Teaching of Reading." sagot ko habang nakatingin sa curriculum ko.

"Sino prof mo diyan?" Dagdag na tanong niya.

"Ah si Sir Nathan at Ma'am Lena ata. Sana!" sagot ko ng may ngiti sa labi dahil iniisip kong magiging madali ang daloy ng second semester ko.

"Ay taray! Ang swerte mo bui! ang babait ng mga yan." Tuwang tuwang sabi ni Casey.

Napangiti nalang ako at patuloy na naghintay sa pila ng bigas. I mean, pila sa registrar. 

Matapos naming mag-enroll ay nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil malayo pa ang lalakbayin ko. Malayo ang bahay namin mula dito sa University. Umaabot ng 1 and a half hour ang byahe ko araw-araw kaya hanggat maaga pa ay napagpasyahan ko ng umuwi para hindi ako gabihin sa daan. 


Pag-uwi na pag-uwi ko sa bahay ay pinicturan ko na ang registration card ko at ipinadala sa mama ko na nasa Middle East. Oo, nasa ibang bansa ang nanay ko dahil sa sobrang hirap ng buhay kailangan niya pang mangibang-bansa para lumuwag luwag. Maayos naman ang trabaho niya doon kaya kampante kami dito sa Pilipinas. 


Matapos kong isend sa mama ko yung registration card ko ay naglog-in ako sa website ng university namin para iconfirm yung enrollment na ginawa ko kanina. Makikita kasi sa website na to lahat tungkol sa school records ko. Gusto ko rin kasing kompirmahin yung mga magiging professor ko para maihanda ko ang sarili ko lalo na't next week ay pasukan na. 


Clinick ko ang log-in matapos kong i-type ang username at password ko. Pumunta ako sa Academic record at sa sobrang bigla ko inilapit ko pa ang mukha ko sa monitor ng laptop ko dahil baka nagkakamali lang ako. 


Subject: Teaching of Reading 

Units: 3.0

Professor: Mr. Chad Earl Mercado

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita ko 'to. Bakit siya ang professor ko sa Teaching of Reading? Bakit? Akala ko ba si Ma'am Lena ang hahawak sa subject na ito. Bakit biglang nag-iba? Nagsimula na akong kabahan dahil alam kong sobrang galing nito magturo. Bestfriend niya si Sir Palma na sobra kung magpahirap. Paano na ko? Kakayanin ko ba 'to? Kung kailan naman kasi last sem ngayon pa ako pinahirapan. -_-"


How Am I Gonna Tell You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon