Matapos ang linggong yun naging okay naman ang linggo ko. Magaan ang buhay ko sa ibang subjects ko maliban sa subject ko kila Sir Palma at Sir Mercado. Kay Sir Palma kasi ay every week kaming may ipinapasa na paper sa kanya. Minimum of 5 pages yun. Bawal ang copy paste kaya sariling sikap ang lahat. Mayroon kasi silang website kung saan malalaman nila kung copy paste ba yung gawa mo kaya wala kang takas.
Wala naman akong assignment kay Sir Mercado kaya yung paper lang kay Sir Palma yung prinoblema ko. Natapos ko naman ito agad kaya nakapagpahinga ako nga maayos.
Nag-open ako ng facebook at sinubukang isearch si Mr. Mercado. Pero hindi ko makita. Tiningnan ko sa friends list ni Sir Palma dahil friend ko ito pero hindi ko rin makita. Bakit kaya? Hindi ba marunong mag facebook yung taong yun? Sobrang talino kasi eh.
Binaba ko na yung cellphone ko at nagsimulang gumawa ng mga walang kwentang bagay. Nanood lang ako maghapon ng Youtube videos at ilang films.
Fast forward
Araw na naman ito ng klase ko kay Mr. Mercado at as usual kinakabahan na naman ako dahil ibabalik ngayon yung mga pinasa namin last week. Isang beses lang kasi sa isang linggo ang klase namin sa kanya dahil 3 hours naman ito.
Pagpasok ko sa room puno na yung upuan sa harap kaya sa likod ako banda nakaupo. Pag dating naman ni Sir normal lang ang lahat. Hindi pa siya nagsasalita dahil inaayos niya yung mga assignment namin last week at tama ang hinala ko na ibabalik niya ito ngayon.
Kampante lang akong nakaupo at hinihintay ko lang na magsimula ang klase. Abala naman si Sir sa pagaayos nung mga paper. Mukhang ngayon lang niya chinecheck eh. Nilabas ko naman yung cellphone ko at chineck kung may nagtext ba. Habang nagcecellphone ako biglang nagsalita si Sir.
"I just want to commend Ms. Morales and Ms. Balboa for doing a great job from their last assignment." Napatingin naman ako sa kanya. Napatitig ako sa kanya. Bakit ganun? Gumagwapo si Sir habang tumatagal? At tama ba yung narinig ko na kinocommend niya ko?
"Ms. Morales, good job for having these ideas and Ms. Balboa for being specific for each activity. They deserve a round of applause." Nagpalakpakan naman lahat ng mga kaklase namin. Para namang uminit yung mukha ko. Nahihiya kasi ako at lalo na't si Sir Earl ang pumuri sakin.
Tumayo naman ako para kuhain yung papel ko at nagpasalamat kay Sir. Tumango naman siya. nagpatuloy siya sa pagdidistribute nung mga papel namin. Nang matapos iyon yung CD naman yung hinarap niya.
"By the way, regarding to these CD's, I watched this with our School Principal and she commended one work and it is the work of..." kinuha niya yung CD at tiningnan kung ano yung kinommend nung principal nila. Pagkakaalam ko sobrang sungit ng principal nila. Inirapan daw sila Chelly noon, yun ang kwento nila sa akin.
"... Ms. Balboa." Nagulat naman ako sa sinabi ni Sir at nakita kong nakatingin siya sakin. Tumayo naman ako para kuhain yung CD na hawak hawak niya.
"Great job Ma'am." ngiti sa akin ni Sir at nagpasalamat ako. Bumalik na ako sa upuan ko at tinitigan ang tumatagingting na 96% . Napangiti din ako dahil ilang araw ko itong pinagpuyatan. Worth it ang lahat.
"Kindly, prepare 1/8 index card with 1x1 picture. Write your name, student number, address, contact number, name of your guardian, contact number of your guardian. If you're done give it to me. "
Natapos naman na ako pero hindi ko pa pinapasa dahil wala pang nagpapasa. May tumabi naman sakin na babae. Pero hindi ko ito kilala. Kinausap naman niya ako. Tinanong niya kung wala daw ba si Ms. Kae sabi ko wala. Last week ko pa alam dahil nagemail naman sa amin si Ms. Kae. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya dito sa klase ni Sir Mercado, ang sabi niya sinabihan daw siya ni Sir na magstay dito sa room. Tumango nalang ako.
"Ano na? Ganun ba katagal magsulat?" Biglang sabi ni Sir Mercado kaya tumayo na ko at ipinasa ang index card ko. Tiningnan naman niya ito habang pabalik ako sa upuan ko.
"Miss Balboa, you are already 4th year?" tanong sa akin ni sir. Nakita niya siguro yung student number ko kaya nalaman niyang 4th year na ako.
"Uhm. Yes sir." sagot ko sa kanya.
"Talaga? So may subject ka kay Mr. Palma?" Bakit ganun yung tono niya? Parang amuse na amuse siya nung nalaman niyang 4th year na ko.
"Yes Sir!" patuloy na sagot ko sa kanya.
"May subject ka sa kanya tapos may subject ka pa sa akin? I'm glad buhay ka pa." tapos bigla siyang tumawa. Napapout naman ako dahil sobrang hirap talaga ng dinadanas ko. Yung mga kaklase ko naman ay biglang kumislap ang mga mata ng makitang tumawa si Sir Mercado.
"Grabe Sir." Yun nalang ang naisagot ko. Nagsimula naman na siyang magdiscuss at ng matapos siya ay pinagawan niya kami ng Lesson Plan. At gusto ko lang sabihin na ang hirap ng lesson plan niya. Hindi siya yung simpleng semi-detailed. Semi-detailed siya na mukhang detailed. Goodness! (Teachers out there will relate.)
"It will be submitted within this day, kaya simulan niyo ng gumawa." Nagsimula namang maglabasan ng yellow paper ang mga kaklase ko. Dahil mabait ako, wala akong yellow paper kaya #TeamHingi tayo ngayon.
Nang makahingi na ako ng papel ay nagsimula na akong gumawa ng lesson plan. Though may experience na ako sa paggawa ng LP ang hirap nitong pinapagawa ni Sir. May binigay lang siyang isang topic at bahala na kami kung paano namin ito maisisingit sa lesson plan namin. Mapapaisip ka talaga. Pero paano yung review? saan ako kukuha?
Habang nagiisip ako lumapit naman si Sir sakin, eh dahil nakabusangot yung mukha ko at parang may gusto akong itanong inapproach niya na ako.
"What is the problem miss?" Naglean siya ng konti at tiningnan ang ginagawa ko.
"Sir paano po yung review? Pwede po ba ako nalang magbigay?" tanong ko sa kanya.
"Yes sure. Bahala ka na kung paano mo paiikutin yang lesson plan mo." Nakuntento naman ako sa sagot niya kaya tumango na ako at nagpasalamat. Malapit ng magtime at hindi parin ako tapos. Bigla naman na siyang nagannounce at sinabing sa Monday nalang daw ipasa yung lesson plan pero kung kaya ipasa ngayon eh pwede naman daw. Since malapit na ako matapos ay sinusubukan ko itong tapusin.
Tapos na ang oras kaya lumabas na kami sa room. Umupo ako sa upuan sa hallway habang hinihintay ang klase ko kay Mr. Palma. Ginagawa ko na rin yung naudlot kong lesson plan kay Mr. Mercado. Pero kung titingnan mo yung ayos ko ngayon, eh mukha talaga akong nagcacram. Nakasabog ang buhok ko sa mukha ko at nagsusulat sa yellow paper.
Since labasan na maraming tao sa hallway pero hindi naman ganun kaingay. Katabi ko naman ngayon si Casey na kararating rating lang at naghihintay din ng oras sa klase ni Mr. Palma.
Patuloy ako sa pagsusulat ko ng biglang may huminto sa harapan ko. Pagtingala ko nakita ko si Mr. Palma at Mr. Mercado sa harapan ko.
"Hoy Carl, mamamatay na yan oh." sabi ni Mr. Mercado habang nakaturo sa akin sabay tawa. Natawa nalang din ako sa sinabi niya. Tumawa lang din si Mr. Palma at patuloy na silang naglakad papuntang elevator. Kitang kita ko naman na nakalingkis ang kamay ni Mr. Palma sa braso ni Mr. Mercado. Si Sir Palma talaga. Lagi pa niyang tinatawag na Honey bunch si Mr. Mercado. Lahat kami natatawa nalang dun. Hahaha.
BINABASA MO ANG
How Am I Gonna Tell You?
NonfiksiHe is just a dream. The man of my dreams. He is too far and I can't reach him. I'm just his former student. He is just my former professor. We are now in the same field. Is there a chance that our world will bump to each other. Is t...