Matapos ang klase ko kay Mr. Mendoza, as usual, si Mr. Palma naman ang haharapin namin.
Kahapon ay birthday ni Mr. Palma kaya napagdesisyunan naming magkaroon ng konting pagsasalo para hindi siya magdiscuss. Oo. Fourth Year na kami at ganyan ang mga galawan namin. Sa ibang prof namin ay kumagat ang mga ganyang technique. Tingnan nalang natin kung mahuhulog si Sir sa patibong namin. *evil grin
Pagpasok namin nila Casey ng room konti palang yung mga kaklase kong nandun. Pero nandun na si Ate Mae yung nagluto ng pagkain inihanda namin para kay Sir. Ang hinihintay nalang namin yung gumawa ng video presentation na hinanda din para kay Sir.
Pagpasok naman ni Sir parang wala lang. Dumating na din naman yung may dala ng video kaya, ako bilang technician kuno ng klase namin ay sinet ko na yung projector. Bigla namang nagsalita si Sir Palma.
"Ayy hindi ko naman gagamitin yung projector." mahinhin na sabi sakin ni Sir.
"Ay Sir meron pong magpepresent ng paper. Nag volunteer po." matawa tawang sabi ko. Dahil kahit isa man sa amin ay wala pang balak magpakamatay. Hahaha. Sobrang hirap gumawa ng paper na yun at kapag pinasa namin yun kay Mr. Palma ng malinis ay sobrang namumula naman ito kapag bumalik sa amin. Kaya maski si Sir Palma ay nagulat sa sinabi ko.
"Oh! Really? Let me see." At prente siyang tumayo malapit sa bintana.
Habang inaayos ko naman yung projector lumapit na sa akin yung kaklase kong may dala nung video at plinay yung video na dinedicate namin para kay sir. Kung ano ano namang beki words ang pinagsasabi niya at tawa lang kami ng tawa. After nung video #ChibogTime na. Nilabas na ni ate Mae yung mga pagkain na ikinagulat ni Sir. Hindi niya ineexpect na mageeffort kami ng ganito. At unti unti kaming natutuwa dahil akala namin hindi na siya magdidiscuss pero nawasak ang puso naming lahat ng sabihin niyang...
"Salamat sa inyo. Grabe ang effort ha. Nilait ko pa naman kayo kanina sa kabilang section. Hahaha. Anyway, mamaya sige pagsaluhan natin yan pagkatapos kong magdiscuss."
Sabay sabay na bumagsak ang mga balikat namin. Wala naman kaming nagawa kundi magpatuloy na makinig dahil wala kaming choice. Matapos nga ang mahabang discussion ay nilantakan na namin yung pagkain. Spaghetti, pancit, manok at apat na boteng softdrinks lang naman yung hinanda namin kay sir dahil konti lang naman kami dito sa section na to.
Habang nilalantakan ko naman yung pagkain ko bigla akong nilapitan ni Sir at tinanong kung kamusta daw si Mr. Mercado sa klase niya. Napatigil naman ako dahil nabanggit ang pangalan ni Sir Mercado.
"Uhm. Okay lang naman po. Ang galing po niya." Honest na sagot ko dahil likas na magaling talaga siya.
"Saan na kayo?" muli niyang tanong at nagpatuloy ang usapan namin about sa pagtuturo ni Sir Earl at literatura.
--------------------
Nagsisimula na ang OJT namin at salamat sa Diyos dahil hindi pa ganun kahirap at wala pang ginagawa dahil inoorient palang nila kami about sa mga gagawin namin habang nandito kami sa school nila.
Walang ginagawa sa OJT pero nangangarag kami sa paper na pinapagawa ni Mr. Palma sa amin. Dalawang paper, minimum of 5 pages each paper. So it means 10 pages lahat. Like what the freak!
Bukas na ang pasahan nung paper at kahit isa ay wala pa akong nagagawa. Hindi ko alam pero wala talaga akong maisulat. Habang nag-iisip ako sa kawalan ay biglang tumunog ang cellphone ko at tiningnan ko ito. Nakita kong may isang chat galing sa isang kaklase ko.
"Hoy may klase daw bukas kay Sir Mercado." sabi ng president nung klase ng second year. Napakunot naman ang noo ko dahil bakit naman magsasabing may klase, eh talaga namang may klase. Hindi naman makausap ng matino yung mga hinayupak na yun kaya chinat ko yung student teacher ni Mr. Mercado.
"Sabrina, tatanong ko lang kung bakit nag-announce si Mr. Mercado na may pasok bukas, eh talaga namng may klase kami." maya maya ay may sinend siya saking picture. Conversation ata nila ito at doon nakasaad na hindi dapat siya papasok dahil may aasikasuhing importante ang kaso ay hindi ito natuloy.
"Holy wala daw kayong klase kay Sir Mercado bukas ah." Napabalikwas naman ako dun dahil good news yun. Pero dahil napaka-indefinite nun dahil paiba iba hindi pa ako umasa agad. Masakit kaya umasa. :(
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Baka daw mainis yung mga estudyante kapag nagklase pa siya. Pero papasok siya para magannounce." Napatango naman ako at nakumbinsi.
"Magdidiscuss ba siya bukas?" makulit na tanong ko sa kanya dahil nanghihinayang ako sa oras.
"Wait wait tanong ko."
"Hahahahaha. Hirap kasi may sir Mercado na may sir Palma pa. Jusko. Mamamatay na ko. Hahahaha" Pagrereklamo ko sa kanya.
"Sabi nga ni Sir. Hahahahaha. Teka lang ha hindi pa kasi sumasagot ng matino. Ipiprint screen ko nalang para mabasa mo."
Bigla naman akong nainggit dahil kausap niya si Sir. Ako nga hindi ko pa yun friend. Nang sinend ni Sabrina yung conversation nila ni Sir nakita kong sa instagram ito. Nakasaad naman dun na papasok pa daw siya. Pero may isang screen shot dun ang nagpatigil ng mundo ko.
Sabrina: Magdidiscuss ka daw ba sir? Lalo na si Holy gumagawa siya ng paper ni Sir Palma. Kailangan niya daw ng oras. Hahaha.
Sir Mercado: Naninibago ba sila na hindi ako magdidiscuss? Hahaha. Wag na siya pumasok. Itanong nalang niya sa classmates niya yung gagawin o kaya puntahan niya ko sa faculty ng 1:00
"OMG! Talagaaaaa?" Hindi makapaniwalang sagot ko dahil sobrang sipag talaga magturo nung lalaking yun.
"Wait! There's more."
"Di talaga siya magdidiscuss? Kinakabahan ako. Baka bigla siyang magdiscuss eh. Sayang." tuloy tuloy na chat ko kay Sab.
"Sesend ko to sa kanya. hahaha" Ay peste! Traydorrrr
"Huy waaaag! Tae to."
"Wala na nasend ko na. " Hay nako. Minsan talaga... -_-" Nakakahiya. -_-
Sabrina sent a photo
Sabrina: Sige Sir sabihin ko. Wait po. Napepressure siya. Mamamatay na daw siya.
Sir: Paki sabi mas maprepressure siya kapag nalaman niya ipapagawa ko this midterm.
Sabrina: Hahaha. Wag na para surprise.
Sir: Kung si Miss Balboa wag na siyang pumasok at puntahan nalang niya ako sa faculty. Sa iba magsipasok sila.
Tama ba tong nababasa ko? Ako lang yung hindi niya pinapapasok? Why do I feel that I'm so special? ♥♥♥
BINABASA MO ANG
How Am I Gonna Tell You?
Non-FictionHe is just a dream. The man of my dreams. He is too far and I can't reach him. I'm just his former student. He is just my former professor. We are now in the same field. Is there a chance that our world will bump to each other. Is t...