Next week ay exam week na kaya ako heto nakahilata habang chimichibog ng piattos at mayonnaise. Hindi talaga ako mahilig magreview dahil minsan mas lalo lang gumugulo yung utak ko. Nalilito ako. Kaya ang technique ko, nakikinig ako ng mabuti sa lecture para hindi ko na kailangan mag-review.
----------------------------
Second day na ng exam ngayon. So far, so good. Madadali lang ang mga exam sa ibang subjects ko. Dahil irregular ako, conflict yung ibang subjects ko. Yung subject ko kay Sir Palma at Sir Mercado ay conflict at syempre uunahin ko na yung kay Sir Mercado. Hihihi!
Pagpasok ko sa examination room, nagbasa ako saglit ng notes ko. Medyo pagod narin yung utak ko dahil nakatapos na ko ng dalawang exam bago itong subject na to.
fast forward after 1 and a half hour
Mother father freakin' quirky. What is that exam? A BOARD EXAM?!
Mahigit kumulang isa at kalahating oras akong nagluksa sa exam na yun. Shuta. Sobrang hirap. Parang pinagsama sama lahat ng exam ko tapos naging isa. AT YUN ANG EXAM KO KAY MR. MERCADO! WHAT THE FREAK. ANG HIRAP SHUTANGINAMES. -_-"
Pag-uwi ko sa bahay hapong hapo ako dahil sa hirap ng exam na dinanas ko. Parang pinagsukluban ako ng langit at lupa. Nakakapanghina. Habang nagluluksa ako bigla namang tumunog ang cellphone ko.
Sabrina: Hi Holy. Pinapatanong ni Sir Mercado kung kamusta daw yung exam niyo. Okay lang daw ba? (I doubt) Hahaha.
Holy: Ako gusto mong tanungin kung okay lang ako? :(
Holy: Hahaha. Paano pagkakasabi?
Sabrina: Iupdate ko daw siya kung kamusta kayo. Mukhang concern ang mukha. Hahaha.
Holy: Sa bandang dulo madali. Yung una... Susmaryosep. :(
Sabrina: Teka sasabihin ko.
Holy: HOY! IISCREENSHOT MO?
Sabrina: Oo. Kung anong nandito yun na yun.
Holy: Siraulo ka!
Holy: Hi Sir! Patay na po ako. Madodouble dead po ako kay Sir Palma bukas. :(
Sabrina: Hahahaha! Madali lang yun wag kang mag-alala.
Fast forward ulit
Tapos na ang exam week at hello Christmas Vacation! Pero kapag minamalas malas ka nga naman, nilalagnat ako. Ang gandang pamasko. Paiba-iba kasi yung klima kaya siguro ako tinamaan ng sakit. Today is December 24, 201*, 6PM na at ang alam ko sa Pampanga kami magpapasko. Hinihintay lang namin dumating yung kuya ko galing sa trabaho. Sinundo niya rin kasi yung girlfriend niya dahil sasama daw.
Habang hinihintay ko si kuya nandito ako nakaratay sa kama habang nanonood ng TV. Starting Over Again yung palabas. Naalala ko tuloy si Sir. Posible ba talaga yun ganito? Malamang hindi. Nangangarap nga lang kasi ako. -_-"
Dahil gusto kong lubos lubusin ang pagkaalala ko sa kanya, sinubukan ko siyang isearch sa instagram. AT SHEMS! Nakita ko na. Kinakabahan ako. Gusto kong ifollow kaso baka hindi niya iaccept kasi nakaprivate. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot yung follow button at tinapon ang cellphone ko. Natatakot ako sa magiging resulta. Wala pang isang minuto biglang tumunog ang cellphone ko. Sunod sunod at ito ang lumabas sa notification bar ko.
Chad Earl Mercado (earlmercado) accepted your follow request. See what they're sharing.
Follow request: earlmercado √ X
Diyos kong mahabagin. Halos mabitawan ko ang cellphone ko at impit na napatili. Dahan dahan kong pinindot yung Check mark and Helaaa! Juskooooooo. Ang inaasahan ko lang iaccept niya, hindi magfollow back siya. Ohhhheeeemgeeee. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at nagpaikot ikot sa kama. Chineck ko naman agad yung Instagram ko dahil baka may kahiya-hiyang picture ako doon. Nung chineck ko wala naman. Tiningnan ko yung story, nandun yung isang cover ko ng James Dean. Tinignan ko yung mga nagview. SHUTANGINAMEEEES! NAKITA NA NIYA. YUNG BOSES KOOOOOOOOOO! HINDI KAGANDAHAN ANG BOSES KO! Hindi ko naman madelete dahil baka mahalata ako. Since napakinggan na niya then be it. Wala na akong magagawa. Pero ang mahalaga finollow back niya ako. May nagnotify pa na nilike niya yung post ko kaninang umaga! Pinusuan. Puso! OMG! ♥♥♥♥♥
Merry Christmas Holy! ♥
------------------------------
Wala namang nangyaring iba sa mga nakaraang araw. Bisperas na ngayon ng bagong taon. Lahat ng tao nagsasaya na sa labas. Videoke and stuffs. Yung iba nagpapaputok na pero 7PM palang naman. Ako nandito sa kwarto kasama ko si kuya nandun nagcocomputer, nagdodota. Ako kumakanta sa smule. Pati kuya ko natatawa dahil sa kabaliwang ginagawa ko.
Nung napagod naman ako binuksan ko muna yung facebook ko. Puro happy new year ang mga post. Puro pagkain na handa nila at mga family pictures. Medyo hindi pa ako nakakamove on sa nangyari sakin nung pasko. Mygoodness! Dahil naalala ko na naman siya. Tinry ko siyang isearch ngayon sa fb. ETO NA NAMAN! NANDITO NA SIYAAAAA!
CHAD EARL MERCADO
Teacher at ***** University
Lives in Quezon City
Followed by 1758 people
Ang daming followers. Tiningnan ko naman yung mga followers niya aba'y itong mga kaklase ko! It means hindi siya inaaccept? :O 2 mutual friends lang. Dalawang prof din. Palakasan na 'to ng loob! Walang mangyayari kung hindi ko siya iaadd. Malay mo diba?
friend request sent
Sa sobrang kaba pinatay ko yung wifi at itinapon ang cellphone ko. Hanggang sa nagkayayaan na lumabas at doon nagtatalon. Kumanta sa videoke, kumain, nagpicture taking, etc. Nakalimutan ko na yung cellphone ko na iniwan ko sa loob ng kwarto ko. Habang chimichibog kami dito nila kuya kaskype naman namin si mama kaya parang nakumpleto narin yung Bagong Taon namin. Nung malapit na mag-alas dose pumasok kami ng bahay para buksan lahat ng pintuan at ilaw dahil suwerte daw iyon. Niyakap ko na yung aso ko na natatakot sa paputok. Kaya pinasok ko muna siya sa kwarto ko. Doon ko naman nakita yung cellphone ko.
Binuksan ko ito pati ang wifi.
Instagram 4 notifications
Twitter 8 notifications
Facebook 18 notifications
Wala akong pakialam sa ibang notification ng social media accounts ko ang gusto kong icheck kung inaccept ba ako ni Sir ko.
Inopen ko ang facebook ko. AND AGAIN. WHAT THE FREAKIN' ASDFGHJKL!
UNANG UNA PA SA NOTIFICATION KO!
CHAD EARL MERCADO accepted your friend request. Write on Chad Earl's timeline.
8 minutes ago
TEKA ANONG ORAS NA BA?
11:55
HAPPY NEW YEAR HOLY! MY GOODNESS!!!!!!!!!!!!
Napatili nalang ako bigla maski kuya ko ay nagulat.
"Oh anong nangyari?"
"Kuya kuya kuya! Si Sir inaaccept nakooooooooo!"
"Akala ko naman kung anong importante?!"
"ANONG KUNG ANONG IMPORTANTE? THIS IS THE MOST IMPORTANT THING IN LIFE!" inirapan nalang ako ng kuya kong walang pakialam at nagtatatalon sa labas.
AGAIN! HAPPY NEW YEAR HOLY! ♥♥♥
Thank you 201* for giving me this wonderful year. ♥
BINABASA MO ANG
How Am I Gonna Tell You?
No FicciónHe is just a dream. The man of my dreams. He is too far and I can't reach him. I'm just his former student. He is just my former professor. We are now in the same field. Is there a chance that our world will bump to each other. Is t...