SYH 03

36 7 1
                                    


*KIANNA POV*

"Handa ka na ba sa revenge mo Anna?"tanong sakin ni Anie.

"Oo naman"naka ngiti kong sabi.

Nandito kami ngayon sa bahay nag hahanda na ako nang masusuot para sa party hindi kasi kami aattend sa simbahan, ayoko namang makita ang dalawang asong nag susumpaan sa harap ko noh like duh baka dipa ako maka pag timpi don at makapatay ako.

"Ano bang plano Kianna?"tabong ni Lily.

"Basta makikita niyo rin"naka smirk kong sabi.

"Hay nako teh wag ka ngang atat jan tingnan nalang natin kong anong gagawin nitong bruhang ito sa lintang yon"sabi ni Aly.

"Linta?"may pag kalitong tanong ni Lily kay Aly.

"Linta, isa siyang linta alam mo naman yata yong ginawa niya diba?"sabi nito sabay irap kay Lily.

"Hali na kayo baka malate pa tayo niyan"sabi ni Anie tumango lang kaming tatlo bago sumunod sa kanya.

Naka suot ako ngayon nang pulang dress na hanggang hita lang ang haba kulay pula ito hinayahan ko lang na naka lugay ang mga buhok ko nag lipstick din ako nang pula nag suot din ako nang sun glasses para bungga.

"Hay nakong bruha ka ang taray taray mo sa outfit mo ahh bagay na bagay sa pupuntahan natin, bungga!"

Natawa naman ako sa mga sinabi ni bakla, napa smirk nalang ako nang maalala ko kong anong plano kong gawin siguradong maganda to, hindi ko talaga papalampasin ang araw na ito, ito yong araw na matagal ko nang hinihintay at sawakas matutupad ko narin ang matagal ko nang gustong gawin sa pag hihiganti ko.

"Excited na ako sa mga mangyayari mamaya di nako maka pag hintay kong anong gagawin mo"naka ngiting sabi ni Anie na siyang nag mamaneho nang kotseng sinasakyan namin.

"Alam mo terno kayo nang sasakyan ni Anie, pula din"natatawang sabi ni Lily.

Napa tawa rin kami nang mapansin namin iyon hindi ko inahasahan na itong kotseng ito ang dadalhin niya napa smirk ulit ako mukhang bagay na bagay talaga.

Sina Anie at Lily ay naka suot na kulay puti at itim na dress habang si Aly naman ay simple lang ang sinuot nito dahil hindi rin daw mahalaga ang pupuntahan namin ayaw niyang pag aksayahan nang pag aayos nang bungga ang kasal nang ahas naming best friend ay este ex-best friend.

"Wait bakit ngaba sa isang kotse lang tayo?"tanong ni Lily, binatukan naman ito ni Aly at tinaasan nang kilay.

"Gaga para maka tipid nang gas ayoko namang pag aksayahan panatin siya nang gas noh, mahal kaya nang gas ngayon"sabi ni Aly, napa tango tango nalang si Lily.

Maka lipas nang 10 minuto ay na karating din kami sa destinasyon namin isa isa kaming bumaba sa kotseng sinasakyan namin, pag ka baba ko nilibot ko nang tingin ang lugar masasabi kong maganda ang lugar.

Tinanggal ko ang suot kong salamin at tiningnan ang hawak kong invitation napa smirk nalang ako, itinago ko muna ang salamin ko sa maliit na bag na dala ko kulay itim ito.

"Ready?"tanong ni Anie, ngumiti ako at tumango.

Nag lakad na kaming apat papasok sa loob pag pasok namin lahat sila ay naka tingin sa amin napa ngiti nalang ako dahil umaayon sa plano ko ang nang yayari, hinanap nang paningin ko ang kinaruruonan nilang dalawa nang makita ko ito ay agad kaming lumapit.

Save Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon