SYH 04

22 5 1
                                    


*KIANNA POV*

"Nako girl kong nakita mo lang yong itsura nila matatawa ka talaga"tawang tawang sabi ni Aly.

"Ikaw na talaga girl"sabi ni Lilly habang hawak hawak ang tiyan.

Naka upo kami ngayon sa sala kanina sa byahe naming pabalik dito sa bahay eh tawa sila nang tawa di sila maka move on sa nang yari kanina di daw nila akalahin na ganon ang gagawin ko.

"Tss may pag ka sunga din naman si Rina imbatahan ba naman tayo lalong lalo na si Anna ang kapal naman nang facelak niya noh nako naman nasisira yong bangs ko sa pagka irita jan sa kay Rina ahh"sabi ni Aly habang inaayos ang bangs niya.

"Ang sarap nilang balatan anong akala ni Rina ganon ganon nalang kakalimutan lang yong ginawa niya fc siya ahh"sabi ni Lily habang kumakain nang chips.

"Napahiya tuloy, ganon talaga yong dapat gawin sa mga ahas na katulad niya"sabi ni Anie na naka tayo lang sa tabi ko habang naka close arms.

"Akala ko gagawa ka nang eksina don, yong sa drama na itigil ang kasal yong mag rarambulan, pero hindi pala ganon yong gagawin mo"sabi ni Aly.

"Hahaha. Bakit ko naman yon gagawin bakit ko naman ipatitigil ang kasal, wala naman akong paki kong mag pakasal man sila mag sama silang dalawa"sabi ko.

"Pero girl kong nakita mo lang yong itsura nila mamamatay ka sa kakatawa"sabi ni Lily.

"Tapos yong mga taong dumalo sa kasal e gulat na gulat at di maka paniwala"tawang tawang sabi ni Anie.

"Girl sa susunod na makita natin siya kakalbuhin ko yon, aba nong sinugod niyo siya di ako nakasali buti nalang talaga wala ako non kong di talagang makakalbo yon"sabi ni Aly.

"Hay nako bakla hayahan mo na yon wala na kong pake alam sakanya sapat na sakin yong nagawa ko kanina ok na yon sakin"sabi ko sabay tayo.

"Oh saan punta mo?"tanong ni Anie.

"Mag papalit lang ako"sabi ko.

"By the way sabi ni tita Maricel pumunta daw tayo sa coffee shop kailangan tayo don mamaya"sabi niya.

"Okay"sabi ko at tuluyan nang pumasok.

Pakiramdam ko ang gaan gaan nang pakiramdam ko siguro dahil nagawa ko na yong matagal ko nang hinihintay kahit na hindi ganon kasakit tulad nang naramdaman ko noon e ok lang atleast na ilabas ko.

At napatunayan ko na sa sarili ko na naka move on na ako kay Lance na kahit katiting wala na akong pag mamahal sa kanya at finally naka move on narin ako sa lahat nang ginawa nilang pasakit sakin.

Kaya ngayon sisiguraduhin kong di nako mag mamahal pa nakaka sawa narin umasa sa wala masasaktan lang ulit ako pag nag mahal ulit ako siguro kailangan ko muna nang pahinga sa relationship na yan saka nalang.

---COFFEE SHOP---

Nasa coffee shop kami ngayon tumutulong kina tita Maricel dahil sobrang dami nang customer nila ngayon siguro dahil sabado ngayon, tuwing sabado kasi madaming customer dito.

"Kianna paki kuhanin mo tong order!"sigaw ni tita.

"Opo teka lang po!"sigaw ko rin

Dali dali naman akong lumapit doon sa babae at lalaking tinuro ni tita, pagkalapit ko sakanila ngumiti ako at nag bow.

"Ma'am, Sir ano pong order niyo?"tanong ko sa kanilang dalawa.

Save Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon