SYH 06

41 2 0
                                    



*KIANNA POV*

Ilang minuto rin kaming nagkatitigan nginitian niya ako bago tumayo at humarap sa apat na lalaki inayos niya muna ang suot niyang damit.

"Pakelamero kang lalaki ka sino ka ba?"maangas na tanong nang lalaki.

"Hindi mo na kailangan pang malaman halikana at simulan na ang dapat simulan"sabi niya at pumwesto na parang nag aayang maki pag suntukan.

"Gusto mong masaktan"naka ngising sabi nang lalaking may hawak kay Lily.

Binitawan nila ang mga kaibigan ko at hinarap yong lalaking diko kilala eh pinalibutan nila siya umatras muna kami baka madamay kami sa pag susuntukan nila.

Unang sumugod si kuyang pangit sa kanya tinadyakan niya lang ito sa tiyan isa isa na silang sumugod sakanya sipa suntok lang ang ginagawa niya at masasabi kong parang sanay na siya sa pag susuntokan dahil sa mga galaw niya.

Basagolero yata to eh pero gwapo ah, ay tanga Kianna lumalandi ka nanaman porket naka kita kalang nang gwapo dika na madala dala ilang beses ka nabang nasaktang gaga ka.

At yon na nga sipa sa kaliwa suntok sa kanan tapos boom tumba lahat nang kalaban pinagpagan niya muna ang mga dumi sa damit niya bago lumapit sa aming apat.

"Ayos lang ba kayo walabang nasaktan?"tanong niya umiling lang kami sa tanong niyang iyon.

"Salamat Mr?"

"Jacob, Jacob Mac Branson"pakilala niya sabay abot nang kamay niya.

Kinuha ko naman ito at nakipag shake hands sa kanya ngumiti siya kaya nginitian ko naman siya pa balik nabigla ako nang bigla akong banggain ni Aly muntik na nga akong mapasobsob eh sinamaan ko nga nang tingin.

"Ako naman si Aly Diguzman"malanding sabi niya at naki pag shake hands sa kanya.

"I'm Anie Dominggo"sabi ni Anie habang naka taas ang kaliwang kamay.

"Lily Suazon here"sabi ni Lily na naka taas din ang kaliwang kamay.

Ngiti at tango lang ang sinagot niya sa  kanila bago tumingin sakin tinaasan ko lang siya nang kilay, anong problema nito?.

"Ah yong kamay ko"sabi niya kay Aly.

"A-ah ay sorry"sabi ni Aly at binitawan ang kamay niya.

Lumapit siya sakin nang may ngiti sa labi pansin ko lang ah may saltik yata ang lalaking ito di kaya naka druga to palay ngiti eh wala namang nakakatuwa tss.

"Ikaw?"tanong niya

"Huh? Anong ako?"naka taas kilay na tanong ko.

"Ikaw anong pangalan mo?"tanong niya napa 'tss' nalang ako

Alam ko itong galawang ito eh noh nag papa cute sarap lang sapakin porket gwapi siya eh tss di porket tinulungan niya kami eh feeling close na mahiya naman siya tss.

"Tinatanong mo kong anong pangalan ko tapos ano isusunod mo yong cellphone number ko at pag nakuha mo na yong cellphone number ko mag se-send ka sakin nang poems pag ka tapos magiging text mate tayo mag chichikahan pag ka tapos liligawan mo ko pag niligawan mo ko sasagutin kita dahil na inlove ako sayo at pag tayo na mambababae ka pag ka tapos lolokohin mo ko sisirahin mo yong buhay ko sasaktan mo ang puso ko kaya lintek kang lalaki ka wag na wag mong matanong tanong sakin kong anong pangalan ko"inis na sabi ko sabay bigay nang malakas na sampal sa kaliwa niyang pisngi.

Save Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon