SYH 02

51 5 0
                                    


After 2 years

*Kianna POV*

Sabi nila pag nag mahal ka ibibigay mo lahat as in lahat mag papaka tanga ka at mag bubulag bulagan ka sa katotohanan dahil mahal mo siya,ayaw mong maniwala sa mga sinasabi nang mga kaibigan mo anong magagawa mo mahal mo yong tao e kaya lahat kaya mong gawin para lang sa taong yon kaya mong mag paka tanga.

Pero hindi naman pwede na araw araw oras oras mag papaka tanga ka sa taong mahal mo minsan napapagod din tayo dahil tao lang tayo napapagod hindi tayo robot na araw araw oras oras mag mamahal at mag papaka tanga sa mga gagong yon.

Hindi naman robot ang puso natin na araw araw oras oras ay gagana kailangan din natin nang pahinga, pahinga sa lahat nang mga masasakit at katangahan na ginagawa natin minsan kasi nakaka pagod din tao tayo napapagod puso pa kaya?.

Pag kasi nag mahal ka dapat handa ka sa anong mang pweding mang yari, maraming pusibilidad na mang yari pag mag mamahal ka tulad nang pwede kang masaktan, pwede kang iwan sa ere at lalong lalo na pwede kang ipag palit sa iba.

Isa lang ang natutunan ko sa lahat nang mga heart broken na nang yari sakin yon ay wag masyadong ipag katiwala ang puso mo dahil baka masaktan ka lang sahuli, nakakatakot mag mahal dahil pwede mong ibigay lahat hanggang wala nang matira sayo.

Kaya ako ayoko nang mag mahal pa ulit nakakapagod na kasing masaktan at umasa sa wala, nag papakatanga sa wala ako lang yong masasaktan at maiiwang luhaan, kaya pinangako ko sa sarili ko na ayoko na munang umibig iiwas muna ako sa mga pag-ibig pag-ibig nayan.

Sarili ko muna ang iisipin ko sabi nga sa kanta ni Justin Bieber love yourself, mahalin mo muna ang sarili mo bago ka mag mahal nang ibang tao maipost nga yan sa facebook ko charot lang.

Buy the way ako nga pala si Kianna Suarez 23 years old nakatira sa bahay namin malamang charot lang, may apat akong mga kaibigan ay tatlo nalang pala ahas yong isa e, mamaya ipapakilala ko silang tatlo sa inyo hmmf ano paba ah isa pala akong singer sa sarili naming bar

Opo tama kayo sa narinig ninyo may bar kami, pag mamay ari namin ang bar na Sunnie Bar ewan ko ba kong bakit Sunnie ang pangalan nang bar namin sabi nang parents ko sakin gusto lang nila na maiba naman para madaling tandahan

Ang Sunnie kasi ay kinuha sa araw sun diba ewan ko kong bakit nanging sunnie para daw kasing araw ang bar namin tapos yong mga customer daw kasi yong flower may pinag halong sun at sun flower ay basta ewan ipapaliwanag ko nalang sainyo next time pag nasa bar na tayo.

"Anna!"napatigil ako sa pag takbo dahil may narinig akong tumatawag sakin

Anna short for Kianna yan tawag sakin nang mga kaibigan ko para maiba daw naman gusto nila yan e di go walang basagan nang trip, trip nilang tawagin akong Anna e tss.

"Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala"hinihingal na sabi ni Lilly

Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko tyaka binuksan ang mineral water para inumin, by the way siya si Lilly Suazon isa sa mga matalik kong kaibigan isa siyang drummer kasamahan ko siya sa Sunnie.

"Oh bakit mo ko hinahanap pwede mo naman akong hintayin sa bahay e nag effort kapang tumakbo"taas kilay kong sabi

"Oo nga eh nag effort pa talaga ako para hanapin ka"sabi niya

"Importante yan noh ano bayan at nag effort ka pang hanapin ako good news bayan?"tanong ko

"Ewan ko kong good new o bad new ito sayo ah"napa taas ako ng kilay dahil sa sinabi niya

Save Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon