Chapter 4

1.2K 30 2
                                    

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon, sinubukan kong ipikit ang mata ko ngunit paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nga binitiwang salita ni Cage, hindi ko na alam ang gagawin ko. I really like him but he's confusing me, ang sabi niya nung una ay hinding hindi niya ako magugustuhan but tonight, he told me that he likes me. He even kissed me!

Ramdam ko parin ang mainit niyang labi sa akin, inisip ko ng mabuti ang sinabi niya. Girls like me only like the chase? Aaminin ko ay ganoon nga ako sa mga lalaking nakilala ko. Once na nakuha ko na sila ay agad na akong nagsasawa pero iba ang nararamdaman ko kay Cage. I won't get tired of him, never.

Nakatulala lang ako ng ilang minuto habang nakaupo at hawak ang kutsara sa aking kamay, kasalukuyan akong kumakain ng almusal at hindi ko mahanap ang katinuan ko. Bumalik ako sa reyalidad ng tumunog ang telepono ng condo ko.

Tumayo ako patungo sa sala kung saan nakalagay ang telepono.

"Hel-" Hindi ko po natatapos ang sinasabi ko ay agad na akong pinutol ng nasa kabilang linya.

"Xienna! What did you do last night?!" Shit! Halatang galit si Angie base sa tonong ginamit niya ngunit halatang sinusubukan niyang kumalma.

"What do you mean?" Napahilamos ako ng mukha gamit ang isa kong kamay. Shit! Anong ginawa ko kagabi?

"Xienna... I don't know what to do to you," I can imagine Angie closing her eyes while pinching the bridge of her nose while talking to me. "Check out your article"

"I'm so sorry Angie," I murmured. Napahawak sa aking noo at napakagat labi. Kahit hindi ko pa alam kung ano iyon ay alam kong makakaepekto iyon sa akin.

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Angie. I really feel guilty.

"Alright. I'll try to do something para mawala yung article mo pero hindi ko masisiguradong kaya ko." Nawala ang kaba ko sa dibdib.

"Thank you!"

"Don't thank me Xienna, wala pa akong nagagawa." Binaba niya na ang tawag.

Agad kong kinuha ang laptop ko at hinanap ang article na tinutukoy ni Angie. Nanlaki ang mata ko ng makita ito.

FAMOUS ACTRESS, XIENNA IGNACIO MADE A HUGE MESS LAST NIGHT AND WAS PICKED UP BY HER BOYFRIEND?

By: Henry Pierre

After breaking up with Derick Torres, it seems like Xienna Ignacio has found a new replacement.

Xienna Ignacio, was caught drunk last night in a famous bar for celebrities. Rumors say that she had a fight with an another celebrity and was stopped by her "New Boyfriend?"

Her rumored Boyfriend is still not confirmed but there are...

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa dahil sa inis! Pabagsak kong sinara ang laptop ko.

Pierre! Hindi ako tinatantanan ng taong yan! He even have a partner in crime na isang paparazzi. I had a fight? Huh! That's pure bullshit!

Oh god! What if nabasa ito ni Cage?

Mabuti na lang at hindi siya nakilala kagabi. Should I call him? I don't even have his number.

Bumalik ako sa kusina at inisip ang nangyari. Napabalikwas ako ng upo dahil sa biglang pagtunog ng doorbell ng condo ko.

Tumayo ako at sumilip sa maliit na monitor. Cage?!

He's standing right infront of my door while holding a paper bag. He's wearing a black hoodie.

Mabilis akong gumalaw at binuksan ang pintuan at pinapasok siya. Pagkasara ko ng pintuan ay saka lang siya umimik.

"Did you already ate breakfast?" He stood infront of me as he examine my current state. Mabuti na lang at naka-pyjama ako, I look decent enough, right?

Bound and Determined (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon