Chapter 5

1.2K 25 1
                                    

Dedicated to
Jimesenpai

Kasalukuyan kong kausap sa telepono si Trace na baka sa susunod na linggo pa makakauwi.

"Bakit ka natatagalan diyan? Hindi ba't kailangan mo lang ipapirma ang papeles sa may ari?" Tanong ko. Ang pakakaalam ko kasi ay nagkasundo na ang tatay ni Trace at ang seller tungkol sa lupa na ibebenta.

Napatingin ako sa wrist watch ko, Alas-siete na ng umaga at hindi na bumalik si Cage kahapon. I was a little bit of disappointed pero sa tingin ko ay wala ako sa pwesto para magreklamo.

'Ni hindi ko nga alam kung anong meron kami. I like him and he said he likes me too pero naguguluhan ako sa nangyayari at sa kinikilos niya.

"There's a problem, the seller just died at naiwan ang anak niya pero ayaw ng anak niya na ibenta ang lupa." Halata sa boses ni Trace ang pagod, narinig ko pa ang paghikab niya. Nakatingin ako sa first aid kit na nakalagay sa side table malapit lang sa aking higaan,akala ko kasi ay babalik pa si Cage kaya naghintay ako.

"Oh, that's a problem. Sinubukan mo na bang kausapin ang abogado ng pamilya niya?"

"No, I'll try tommorow." Muli kong narinig ang paghikab ni Trace kaya napailing na lang ako. Sigurado akong inaantok na siya at pagod ngunit ayaw niya paring ibaba ang tawag.

"I'm sure you're tired, I'll just talk to you tommorow." He agreed at binaba ang tawag.

Naupo ako sa higaan ko at napatingin sa labas ng veranda. Is he okay? Would he visit me today? God! I'm going crazy!

Pabagsak akong nahiga sa aking kama at pumikit, napaigtad ako ng biglang tumunog ang doorbell ko. Mabilis akong tumayo at halos tumakbo na ako para lang mabuksan ang pintuan. Is it him?

Nawala ang saya na nadarama ko ng makitang nakatayo si Angie sa harap ko, nakita niya siguro ang pagkadismaya ko.

"You look disappointed, are you expecting someone?" Tanong niya Binuksan ko ang pintuan ng mas maluwag para makapasok siya, nilapag niya ang hawak niyang bag sa glass table ko bago ako hinarap.

"Not really. Ba't ka napabisita? May problema ba?" Hindi kasi madalas na pumupunta si Angie dito, pumupunta lang siya dito kung importante ang pag-uusapan.

"Is there a problem?" Nagtataka kong tanong.

"Nothing's wrong. Ibibigay ko lang ang script mo para sa up-coming movie mo." Inabot niya sa akin ang brown envelope na naglalaman ng script ko. Tinanggap ko ito at binasa sandali bago nilapag sa glass table.

"Nag-almusal ka na ba? I'm about to have my breakfast, come join me." Nagsimula na akong maglakad sa kusina.

"I have to decline, may pupuntahan pa ako. Thanks anyway." Napatigil ako nilingon siya. She straightened her shirt.

"Okay. Take care." She just nodded as an answer, hinatid ko siya palabas ng condo ko. Sinabihan niya akong mag-ingat na ngayon dahil naapektuhan ng article ang career ko, mabuti na lang daw at naagapan ang pagkalat ng article.

Why don't I have his number?! I badly need it.

Nagpagpasiyahan ko na sa labas na lang ako magaalmusal, ayoko kasi ng nakukulong sa condo ko. Inayos ko ang suot kong cap bago lumabas sa condo ko.

Napatigil ako ng makita si Cage na nasa harap ng pintuan,napaawang ang bibig ko, ilang segundo ay napalitan ito ng ngiti.

"You came back," Nakangiti kong sabi, he just shrugged.

"Where are you going?" Nagtataka niyang tanong.

"Nowhere. Do you want to go inside? Kumain ka na ba ng almusal?" Umayos siya ng tindig at nilagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa niya.

Bound and Determined (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon