Chapter 10

1.1K 20 0
                                    

"Is Dr. Hernandez in?" Ilang segundo ako tinignan ng babae bago sumagot.

"Yes, but he has an appointment right now. If you want,  you can wait for him, thirty minutes lang naman po," nakangiti niyang ani. Kinagat ko ang dila ko bago tumango.

"Thanks. We'll just wait for him." Nginitian ko ang babae bago lumapit kay Trace na nakaupo sa mga upuan sa gilid.

"We need to wait." He nodded. Halatang malalim ang iniisip ni Cage, mahahalata mo ito sa ekspresiyon na pinapakita niya.

Habang naghihintay kami ay napadako ang mata ko sa  isang lalaki na natayo, hindi kalayuan sa amin. Hindi ito napansin ni Cage dahil kasalukuyang nakatuon ang atensiyon niya sa cellphone niya, tila galit siya. 

Nakasuot ang lakaki ng cap kaya hindi ko makilala kung sino ito.

Tumayo ako at mabilis na lumapit sa kanya,  nang makita niya ako ay nag-panic siya at tumakbo. Patakbo ko siyang nilapitan. Nahawakan ko ang suot niyang damit kaya napahinto siya at hinarap ako. Tinanggal ko ang suot niyang cap at tumitig sa mga mata niya.

"Stop running away!" Sigaw ko. Nanlaki ang mata ni Trace, I know its
Trace. Alam ko ang mga mata niya.

"I need to! Hindi ko alam kung kailan siya babalik. Just let me go, Xienna! I'm doing this for you," pasigaw niyang sabi, binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa damit niya.

"Tutulungan ka ulit namin, you just need another therapy then you'll be okay," I assure him. Parang kinukubinsi ko na pati ang sarili ko, sinusubukan kong gumawa ng sarili kong pag-asa. Umiling siya.

"I already done that many times, can you see the difference? Huh?! We can't stop him," umiiling na sabi niya. I know that he's right pero wala na akong maisip na paraan.

"Xienna!" Sigaw ni Cage, nilingon ko siya at pinanuod ang pagtakbo niya papalapit sa akin.

"What are you doing?" Bungad sa akin ni Cage.

"Its Trace! He's here! "Binalik ko ang tingin ko sa kinatatayuan ni Trace kanina ngunit walang bakas na may taong nakatayo doon kanina.

"H-he's right here! I saw Trace!" I said. Trying to convince myself.

"You're hallucinating, Xienna. Lets go, pwede na natin siyang makausap," he said pertaining to Kallix. Hinawakan niya ang kamay ko at ginabayan sa paglakad patungo sa pintuan ng office ni Kallix. Muli kong nilingon ang pwesto ko kanina, I'm not hallucinating, I'm sure that its true. I talked to Trace, I'm sure of it.

"Xienna?" Nagsalubong ang kilay ni Kallix habang nakatingin sa akin.

"Hey, Long time no see." Tipid akong ngumiti. Nailipat ang tingin niya kay Cage na nakayayo sa likod ko.Sinenyasan niya kaming umupo.

Naupo kaming dalawa ni Cage sa upuan na nasa harap niya, tanging ang la meśa lang ang nagsisillbing pagitan sa amin.

"What brings you here? " He said in a business tone.

Tumikhim ako at tumingin kay Cage bago sumagot "It's about Trace..."

"What about Trace?" Tumingin siya sa aming likod na para bang hinihintay niyang pumasok si Trace.

"Hendrix is back." He didn't look surprise for a second. Nagtaka na ako dahil doon.

"What? A few days ago ay nagkakaroon na siya ng improvement." Hindi ko alam kung papaniwalaan ko siya. He's not a good liar and he's bad at acting.

Nawala lahat ng iniisip ko ng marinig ang sinabi niya. "A few days ago?" How? Sa pagkakaalam ko ay inaayos niya parin ang tungkol sa lupa.

"For the past few days he's willing to undergo the theraphy." Trace... he's here all the time?

Bound and Determined (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon