HI/HELLO

20 2 0
                                    

Hi/Hello. Diyan kayo nagsimula. Well, siguro lahat ng love stories diyan nagsisimula. Hi/hello lang dapat yan eh, simpleng pagbati. Hanggang sa nadagdagan nang nadagdagan. Dumating na sa "Anong favorite song mo?" hanggang sa "Kailan nga pala birthday mo?". Hindi niyo namamalayan ang oras. Hindi niyo namamalayan na kanina, 8 a.m. pa pero nang napahinto kayo, 3 p.m. na pala. Ganyan nga siguro kapag interesado ka sa kausap mo o sadyang bored ka lang talaga.

Pagkalipas ng ilang minuto, syempre, balik na naman kayo sa pag-uusap kasi tapos niyo na yung mga utos ni Nanay. Hindi mo alam kung bakit ang saya-saya mo. Ngiting-ngiti ka pa nung ti-nap mo yung chat head niya.

Ayun, siguro nagpatuloy kayo sa pag-uusap sa mga sumunod na araw. Syempre, namamalayan mo nang may kakaiba. Sisimangot ka bigla kapag ibang tae, ay este, tao yung laman ng bibig niya. Alam mong hindi dapat pero bigla kang nagagalit. Bigla kang magsesend ng sad o galit na emoji. Damang-dama mo pa yung pag-tap sa screen. Kasi nga galit kang ibang babae/lalaki ang bida sa mga salita niya.

Bes, assuming ka rin ng konti no? Bakit ka nagagalit? Kayo na ba? Nag-confess na ba kayo sa isa't-isa? Boyfriend/Girlfriend mo ba siya? Asawa mo ba yung taong kausap mo?

Hindi di ba?

Oo, magkachat kayo. Ay, hindi pala. Chat lang, wala palang kayo, bes. Chat nang chat nga pero kaibigan lang pala ang tingin niya sayo (Pero sa tuwing nagcha-chat siya, kilig na kilig ka naman). Nako, nagcha-chat lang siya sayo kasi BORED siya. Ginawa ka lang niyang libangan, okay?

So wag ka nang umasa. Ay, no. Never ka nalang palang umasa sa mga ganyang bagay lalo na at bata ka pa. Minsan, heartbreak ang labas ng mga 'yan. Atupagin mo ang pag-aaral, bes.

And don't forget, hindi lahat ng nagsisimula sa hi/hello ay nauuwi sa altar at nagsasabihan ng 'I do'.

SULAT PARA SA'YOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon