03

9 1 0
                                    

I R I S H

Tinignan ko ang taong nagbukas ng pinto at nakita ang isang lalaki na di ko pa nakita noon.

"May bago na namang member?" tanong niya kay Ana sabay simangot sa pagmumukha ko. Problema ba nito?

"Bakit may problema ka ba? 4 lang ang naman talaga ang member ng club eh." Napatingin ako kay Ana sa sinabi niya.

"Diba 15?" Ano ba ang sinasabi ng babaeng ito?

"Fake names." Lumaki ang mga mata ko, bawal yun!

"Labag yun sa school rule—"

"We did it with their consent." Sabi ng lalaki. Binuksan niya ang ref at kumuha ng iced tea. Tinignan ko si Ana, pero mukhang wala naman siyang pakialam at patuloy nalang sa pagbabasa.

Report ko kaya siya sa principal?

"We're under the direct orders of the principal." Sabi ng lalaki sa amin. Di rin yata alam ni Ana yung sinasabi ng lalaki eh.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ana sa kanya.

"Basta." Inilagay niya sa lababo ang bote ng iced tea tsaka pumasok sa cabinet na kwarto.

"Sino ba yun? Sarap niyang suntokin infairness." Tingin ko sa nakasiradong cabinet habang iniimagine kung paano ko siya iwrewrestling.

"Club President natin yun." Walang ganang sagot ni Ana sa tanong ko

"Mukhang hindi disenteng tao." Magulo at mahaba pa yung buhok niya, naka-tsinelas habang nasa paaralan, bawal naman yun, tas yung uniform niya ang gulo!

"Yaan mo na, bahay naman niya 'to." Mahinang tawa ni Ana na nakatingin din sa cabinet. Siya pala ang nakatira dito, bakit ayaw niyang umuwi sa kanila? Wala ba siyang bahay?

"Ilan lang ba ang totoo?" tanong ko sa kanya

"Actually 4 lang kung kasali ikaw at ako." Natameme ako sa sinabi niya, tas nangloko pa sila sa administration ng 15 members? Napahawak nalang ako sa ulo.

"Ritual na daw yun sabi niya." Nguso ni Ana sa cabinet ulit

"Ano ba pangalan niya ha?" para alam ko kung sino ang mumurahin ko.

"Evan." Sagot ni Ana

"Sino pa yung isa?" tanong ko pa sa kanya

"Si Rivera, ewan ko ba kung nasaan na yun. Ang tagal naman dumating." Reklamo ni Ana habang inaabangan si Rivera. Rume-rivera din ako kahit di ko naman kilala.

Tinignan ko ang wallclock na nasa likod ko.

"Uwi na tayo pag-6 na ha?" sabi ko kay Ana na ngumiti lang din sa sinabi ko. Maaga kami dinedismiss ngayon na week dahil puro club activities ang pinagbibigyan ng pansin ng paaralan.

Isa sa mga magandang bagay dito sa paaralan namin ay madami kaming clubs, hindi ko alam yung exact kung ilang clubs ang meron pero kapag may 10 na members ay maari ka nang gumawa ng club. Yun sana ang gagawin ko kaso kailangan mo pa ng mga pirma ng iba't-ibang feeling importanteng tao at iinterview ka pa tungkol sa club mo. More hassle.

"Ba't ba ang tagal ni Rivera?" Ipinatong ni Ana ang kanyang ulo sa lamesa

"Anong meron kay Rivera, pogi ba?" tanong ko sa kanya

"Oo AHHAHA" tawa niya. Gwapo naman eh, bakit ba siya natatawa?

"Basta may dalang pagkain yun palagi. Maghintay ka lang." Ilang araw pa nga sila sa club, mukhang close na sila eh.

May isang lalaki ang bumukas sa pintuan at agad naman niya itong sinira at nilock.

"Sorry late ako." Hinihingal na paumanhin ng lalaki. Saan ko ba siya nakita?

Damsel Don't DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon