01

18 1 0
                                        



I R I S H

I R I S H

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Irish, yung captain ng Karate Club nasa labas." sabi ni Jose, katabi ko sa kinauupuan ko. Napabangon ako dahil kunwari natutulog pero nagcecellphone talaga ako. Tinignan ko sa tapat ng pinto at nakita yung captain ng Karate Club na nakatingin sa akin.


Agad ko siyang linapitan, medyo nakakaintimidate dahil sa tangkad niya. Ano kaya gusto nito sa akin?


"Meet me at the back of the gym after school." agad siyang umalis kaya bumalik ako sa kinauupuan ko.


"Anong gusto nun sa iyo?" tanong ni Jose sa akin, alam niya kasi na bully yung kaptain ng Karate Club.


"Ewan ko. Jose, may galit ba sa akin yun?" Sa pagkakaalala ko, wala naman akong ginawang masama sa kanya tas di ko naman yun kilala. Nakikita ko lang siya tuwing awarding kapag nananalo ang Karate Club.


"Aba ewan ko pero paminsan-minsan tuwing kasama kita, ang sama ng tingin." Hmm, ano kaya problema yun sa akin? Nagring na ang bell na nagsasabing magsisimula na ulit ang klase.


Kahit di ko gusto, dismissal time na. Agad bumilis ang tibok ng puso ko.


"Gusto mo bang samahan kita?" tanong sa akin ni Jose sa akin habang inaayos ang kanyang mga gamit.


"Wag na kaya ko ang sarili ko." ngiti ko sa kanya, pinaalala ko ang sarili ko na dumaan muna sa locker ko para mas tumagal ako sa pagdating sa likos gym, binagal ko rin ang lakad ko pero dumating parin ako sa likod ng gym.


Nakita ko yung karate captain na nakaupo sa ilalim ng puno. Sa pagkaalala ko ang likod ng gym ay medyo sikat ito para sa mga confession. Hindi kaya magcoconfess si Karate Club Captain sa akin?


Nakita ko sa gilid ng aking mga mata yung mga Gr. 8 na Karate Club members pero agad silang nawala nung napansin nila na nakatingin ako sa kanila agad silang nawala.


"Irish, ang gusto kong sabihin sa iyo---" Alam ko na 'to


"Na hinahamon mo ako sa isang labanan?" inunahan ko na siya sa sasabihin niya dahil yun kasi ang kadalasang sinasabi ng ibang club captain sa akin.


"Ah! Hindi yun ang gusto kong sabihin. Gusto ko sana na--"


Damsel Don't DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon