4
A N A
Nasa club room ako at gumagawa ng assignments, mas madali kung dito ko ito magagawa para makatulog ako kaagad sa bahay.
"Your num. 5 is wrong." Sabi ng isang boses na katabi ko lang. Tinignan ko si Evans at tinaasan ng kilay. Wala pa si Ver at si Irish kaya kami lang dalawa ang nasa club room.
"And how is it wrong?" tanong ko sa kanya. Ilang papel na ba ang nasayang ko dito na problem? Nag-STEM pa ako, ang bobo ko pa naman sa Math. Shunga lang diba? Gusto ko talaga pahirapan ang sarili ko.
Kinuha niya ang yellow pad at sinolve ito na mag-isa. Agad ko ito tinignan at kinompare ang answers namin
"Tanga ko talaga." Bulong ko sa sarili ko. Nakalimutan ko na naman yung isang step kaya ayaw ko sa math eh kasi kapag may nakalimutan kang gawin o mali yung pagcalculate mo sa una ay mali na lahat pati answer mo mali na.
"I'm glad you know." Sabi naman ni Evans kaya sinamaan ko siya ng tingin. Okay fine, siya na ang matalino at ako na ang tanga. Sa kakaalam ko STEM student din ito si Evan pero hindi ko alam kung anong section.
"Anong section ka pala?" tanong ko sa kanya.
"A+" napataas ang kilay ako sa sinabi niya. Hindi na siya nagsalita at nag-solve din sa assignment ko.
Each strand ay may sections na hanggang J kaso iba ang Section A+ kasi kahit magkaiba kayo ng strands ng mga kaklase mo ay iisang section pa rin kayo at pumapasok lang sa ibang classroom kung nandun ang subject mo. Mas hassle pero mas madaming benefits.
"Genius ka ba?" tanong ko sa kanya. Kadalasan may pagka-above the normal ang mga section A+. May kanikaniyang special talents kumbaga.
Sinamaan niya ako ng tingin at ibinalik sa akin ang yellow pad. Tinignan ko ito and guess what? Sinolve niya na yung problem. What can you expect from Section A+? Nakakasunog siguro ng brain cells dun.
"Thanks." Ngiti ko sa kanya kaso dedma lang niya ang beauty ko. Hindi ko na din siya pinansin at inilagay ang mga gamit ko sa bag ko
"What are you going to do there?" tanong niya sa akin habang tinignan ako na aakmang papasok sa cabinet room.
"Matutulog. Tawagin mo nalang ako kung nandyan na sila o may nangyari. Sige, paalam and good night." Sabi ko sa kanya tas pumasok. Tinanggal ko ang aking sapatos at humiga sa higaan.
"Smells like him." Bulong ko sa sarili ko habang inaamoy ang unan niya. Malamang Ana, siya kaya natutulog dito.
"Malamang higaan niya ito." sagot ko din sa sarili ko. Medyo maginaw sa loob kasi may aircon. Sa club room, walang aircon pero itong cabinet room meron. Makatulog na nga.
"Tanya...Tanya...Tanya..." Agad kong binuksan ang aking mga mata nung narinig ko ang boses ng isang lalaki. Sinimaan ko siya ng tingin
"Ano yun, Evans?" Tinignan ko ang orasan na nasa ibabaw ng drawer at mukhang nakaidlip ako ng 20 minutes.
"Get out, I'm going to sleep." Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi at bumangon.
"Hindi ba dumating sila Irish?" tanong ko sa kanya sabay suot sa aking mga sapatos.
"Not yet." Mahina niyang sabi habang nakahiga sa higaan. Lumabas na ako sa cabinet room at nakitang wala pang tao. Kailan ba sila darating?
Linibot ko ang aking mga sa club room. Napansin ko na may pulang telepono na nasa pinakagilid kaya hindi masyado itong napapansin. Lumapit ako sa telepono at tinignan ito ng maiigi, wala namang kakaiba. Kukunin ko na sana yun pero nakarinig ako ng mga yapak.
"Nandito na kami." Malakas na bati ni Irish kasama si Ver.
"Sorry kung nalate kami." Hingal na sabi ni Ver.
"Anong nangyari?" Lumapit ako sa kanila at humikab.
"Yung usual, sinusugod siya ni Ruri." Tawa ni Irish tsaka umupo.
"Saan si Emperor?" tanong ni Ver.
"Nasa kabila."
"Bakit mo siyang tinatawag na Emperor?" tanong din ni Irish na inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Ver. Medyo naiilang si Ver sa ginawa ni Irish kaya inilayo ko ang mukha ni Irish sa mukha ng lalaki. Hindi kasi nag-iisip itong si Irish eh. Eh, klaro naman na medyo bading yan si Ver at mas type niya ang mga lalaki.
"Ang ibig sabihin kasi ng Kaiser ay emperor." Mahinang sabi ni Ver habang kumuha ng isang plastic sa loob ng bag niya, pagkain na naman siguro. Napataas ako ng kilay.
"Yun lang?" magsasalita pa sana siya kaso lumabas na si Evans sa lungga niya.
"Hi Evans!" masayang bati ni Irish.
"Hi Evans." Mahinang sabi ni Ver tas ipinatong sa itaas ng lamesa ang brownies. Binigyan lang niya ito ng isang nod tas uminom ng tubig. Walang nagsalita at parang bumababa yata ang temperatura ng kwarto dahil sa mga titig ni Evans sa amin.
"May problema ba?" sa tanong na yun, kinuha ko ang buong lakas ko para mabasag ang nakakabinging katahimikan.
"Wala naman, Tanya." Sagot niya at umupo sa tabi ko.
"Can you stop calling me Tanya?" naiinis kong sabi sa kanya kaso hindi niya ako pinansin at nakatingin lang sa pulang telepono?
"3"
"2" Ano ba ang binibilang ni Evans?
"1" At parang queue ay nag-ring ang pulang telepono.
"May ganyan pala sa room natin?" tanong ni Irish, hindi siya pinansin ni Evans at sinagot ang telepono. Puro ok lang ang naririnig namin mula sa kanya hanggang sa pagbaba niya nito.
"Sino yun?" tanong ni Ver.
"Ang principal." Sagot niya at kumuha ng isang pirasong brownies.
"We have our first order." Kumuha rin si Irish at nagsimulang kumain
"Ano yun?" Sabay kaming kumuha ni Ver ng brownies at kumain.
"Listing down the clubs who have fake members." Sabay naming 3 nahulog ang brownies na hawak.

BINABASA MO ANG
Damsel Don't Distress
Teen FictionIrish was never sure about him. He acts girly then the next thing, he is manly but he is what she isn't.