I R I S H
Sabay-sabay naming naihulog ang kinakain namin na brownies.
"Teka, kasali tayo dyan diba?" nagtatakang tanong ni Ana sa kanya
"I told you we are under the direct orders of the principal. He already know that I listed fake names, just for the sake of formality." Ano ba ang ginagawa ng club na to ha?
"So kailan, natin sisimulan?" tanong ni Ver sa kanya, tinitigan siya ni Evans bago sumagot.
"Now." tumayo si Evans at lumapit sa pinto.
"What are you waiting for? Spring?" Nagsitayuan kami at sumunod sa kanya maliban kay Ver at Ana na liniligpit ang kinain namin na brownies.
"Ano ang unang gagawin natin?" tanong ko sa kanya, tinignan niya ako na para bang nagtanong ako ng sobrang bobo na tanong.
"Kunin ang lista ng mga clubs."
"Then the student council?" ngiti ni Ver sa amin. Huminto si Evans sa paglalakad
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"You handle that, just ask for the list of clubs and the members. Make some excuses and also if you find something interesting, find a way to get that one too."
"Interesting?"
"at Tanya..." hindi niya ako pinansin at nagpatuloy
"Ano?" simangot ni Ana
"Come with me, we have other things to do." May sinabi si Ana sa kanyang sarili bago nagpaalam sa amin ni Ver at sumama kay Evans na naglalakad na sa kabilang direksyon.
"May kilala ka bang officer?" tanong ni Ver sa akin.
"May kaklase akong officer pero try kong magtanong sa kanya." Nasa Academic Building ang office ng student council, medyo malayo dito sa Old Building.
"Saan sila pupunta?" tanong ko sa aking sarili.
"May pinaplano siguro yun. Tara" Pinuntahan na namin ang student council office na nasa 2nd floor malapit sa Girl's CR. Kakatok na sana ako kaso bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
Damsel Don't Distress
Teen FictionIrish was never sure about him. He acts girly then the next thing, he is manly but he is what she isn't.