02

14 1 0
                                    


I R I S H


"O tapos?" tanong ko kay Jose habang nangugulangot. Tumigil siya sa pagsasalita tas umiling


"May problema ba?" konting-konti nalang, makukuha ko na yun.


"Ba't ba ang daming nagkakacrush sa iyo, eh kadiri ka naman." Iling niya ito, tumigil ako at tumingin ako sa kanya.


"Ano? Tsaka close naman tayo. Nasa tyan pa tayo, close na tayo." ngumisi ako sa kanya at pinunasan ang kamay na ginamit sa uniform niya.


"KADIRI KA TALAGA!" parang baklang sigaw ni Jose habang tinitignan yung pinunasan ko sa kanya


"Joke lang yun, yung index ko kaya ang ginamit ko." Ang pinunas ko sa kanya kasi yung pinky finger ko.


"Kadiri ka parin. Hindi ka talaga magkakaboyfriend dyan." Sabi ni Jose sa akin.


"Wala naman akong paki dyan." Sabi ko sa kanya.


"Sus walang paki pero hindi natin alam, may umaaligid na pala sa kanya." Sabi ni Ana sa amin


"Gising ka na?" tanong ni Jose sa kanya


"Hindi ba obvious?" pangbara ko sa kanya tas binelatan ko siya


"Simula nung sumigaw ka, ba't ba ang tinis ng boses mo ha?" reklamo ni Ana tas umupo ng maayos. Nakahiga kasi ito sa pinagdugtong na upuan. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero palagi nalang pagod at puyat.


"Saan ka ba nanggaling ka gabi ha?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang eyebags niya.


"Nasa bahay lang natutulog." Tingnan mo natutulog naman, kahit matulog pa yata ito ng 3 araw hindi yata siya iiwan ng eyebags niya.


"Back to the topic, meron ba?" tanong ni Ana sa akin


"Na ano?"


"Umaaligid sa iyo."


"Wala naman. Yung mga gusto lang ipasali ako sa mga clubs nila."


"Pssh, boring." Higa ulit ni Ana.


"Bumangon ka nga dyan." Tapik ni Jose kay Ana, kaya bumangon ulit si Ana.


"Sumali ka lang kaya sa isang club para iwanan ka nila." Sabi ni Jose sa akin.


"Wala naman akong gusto eh."


"Meron kaya." Seryosong sabi ni Ana


"Ano?"


"Ako." Ngiti nito. Hindi na kami kumibo at bumalik sa usapan namin

Damsel Don't DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon