Chapter 7 : Friend

41 0 3
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at sumalubong sa akin ang liwanag na nagmumula sa ilaw ng kwarto. Tiningnan ko ang aking sarili at nakita kong ako ay natatabunan ng puting kumot at nakahiga sa puting higaan. Meron ding mga puting kurtina sa paligid at may nakakabit na dextrose sa aking kamay. At doon ko narealize na ako ay nasa hospital.

What happened?

May nakita akong babaeng may kaputian ang buhok na nakasubsob ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Pinagmasdan ko ito sandali at agad ko ding nakilala. Si Nanay.

Sinubukan kong bumangon pero hindi ko kaya dahil sumasakit ang ulo ko at nanghihina pa ang katawan ko. Napansin kong may mga band-aids ang ilang parte ng katawan ko at may benda ang aking ulo. Ano nga bang nangyari sa akin?

Muling nagreplay sa isip ko ang alulong ng halimaw na aking nakaharap. The Wolfman's growl. I became frightened for a moment pero nawala din ito ng nakita ko ang paparating na si Jenny, kasama ang kapatid kong si Carl at si Tatay.

"Oh my God Corrine, you're awake! "

Bungad ni Jenny sa akin. Agad itong lumapit habang hawak-hawak ang aking kapatid. Si tatay naman ay sumunod din at lumapit naman kay Nanay.

"Emilia, Emilia, gumising ka na diyan"

Pagyugyog ni Tatay sa natutulog kong ina. Agad namang naalimpungatan si Nanay at nagising. Nang makita ako nito ay nagulat ito at may kasama ring pag-aalala.

"Corrine anak! Diyos ko, salamat at nagising ka na. Ano ba kaseng nangyari sayo?! May masakit ba sayo anak?"

Nag-aalalang tanong ni nanay.

"Naku Corrine, kung alam mo lang kung gaano kami nag-alala sayo. Halos isang araw ka ding walang malay. Sabi ng doktor tumama daw ang ulo mo sa bagay na matigas kaya ito ay nagkasugat at dumugo. Buti na lang daw at hindi nagcrack ang iyong buto sa ulo. "

Paliwanag ni tatay na halatang kulang pa yata sa tulog. Walang emosyon lang akong nakatingin sa kanila. Hindi ko na nagawang mag-salita. Hindi pa rin ako nakakaget-over sa nangyari. Pakiramdam ko ay nandoon pa rin ako sa oras kung saan ako'y hinahabol ng walang hiyang halimaw na yun. Ang pangil nito na naglakbay sa aking leeg, ang growl nito na nagpakilabot sa akin, at ang paghabol nito sa akin na siyang nagdulot upang ako'y makapasok sa kagubatan hanggang sa madapa at tumama ang aking ulo sa bato. Naaalala ko na, at ngayon ay sariwa pa rin ito sa aking isipan. Pero paano nila ako nakita at nadala dito sa Hospital?  Paano nila ako nahanap sa gitna ng kagubatan?

Biglang pumasok sa isip ko ang mukhang naaninagan ko bago ako mawalan ng malay. Ang taong narinig kong nagmura nung ako'y nadapa at inaamoy-amoy ng Wolfman. Who was that person? Siya ba ang nagdala sa akin dito?

"Ate ate, are you ok na? Yaya told me that you are hurt daw."

Biglang salita ni Carl at lumapit sa aking gilid habang hawak ang kanyang brown stuff toy na aso. Namiss ko din ang kapatid ko. Mukha man akong hindi maka family person, pero ang totoo ay mahal na mahal ko ang aking kapatid. Unlike any other kids, Carl is a very nice kid. You will not get annoyed because of him. He also cares for you like the way you care for him. And I think he also love his ate so much.

"I'm fine little prince, ate is strong di'ba? "

Sabi ko na may halo pa ring pagkahina dahil sa aking kondisyon.

"Are you sure ate? Wala na po bang masakit? "

Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang buhok at ginulo-gulo ito.

"Oo Carl, wala ng masakit kay ate. "

Ngumiti ito at bumalik kay Jenny. Parang close na ata ang dalawa ah?  Lumapit si Jenny sa akin at medyo nag-aalala pa rin.

Salgado MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon