Chapter 3 : Questions

45 1 0
                                    

Wendigo.  I still can't get that word out of my mind. I tried to ask Jenny kung ano yun, pero ang sagot niya lang sakin ay huwag ko na lang daw alamin. Lutang akong nakatulala sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko na rin namalayan na lumubog na pala ang araw. May namatay kanina lang na estudyante sa school. First day of school pa lang pero ganito agad ang sumalubong sakin. Can you imagine? Unang pasok mo sa bago mong school tapos may patayang nangyari?! Damn! I can't get over it. I just can't believe na may murderer sa paaralang pinapasukan ko. Alam kong mataas ang bilang ng krimen dito pero hindi ko yun pinaniwalaan dati kasi pagkadating ko dito napakapeaceful at tahimik even though at the back of my mind napakaweird ng lugar na ito. Pero buti na nga lang at nahuli agad yung pumatay kanina pero.  .  .

He's insisting that hindi daw siya ang gumawa. Nabiktima rin lang daw siya dahil nagamit lang daw siya

Nagamit? Ano yun nablackmail? Nagamit daw siya pero hindi naman daw siya ang gumawa? Is that even possible?  Ugh f*ck!  Napaparanoid na ako.

Could it be.  .  .the Wendigo?

Ugh!  Ano ba kasi iyang Wendigo na yan?!  Is it dangerous? Pumapatay ba yan?  Tao?  Pagkain? Hayop? Bagay? Lugar?

At yung oras na nasambit ng kaklase kong babae ang salitang iyan, mas lalong natakot ang mga tao sa room na iyon. Is it really that horrible and scary?

Tok tok tok

"Umm Corrine? "

Napalingon ako kay Jenny na nakatayo sa nakabukas kong pintuan.

"Yes?"

Sagot ko sabay bangon at umupo sa kama ko.

"Sumabay ka na sa amin ni Tatay kumain. "

"Sige mauna na kayo Jen, may cup noodles naman ako."

At tiningnan niya ang cup noodles kong hindi pa naluluto ng mainit na tubig na nakalagay sa lamesa.

"Mabubusog ka ba niyan? Naku halika na!  Sumabay ka na sa amin"

Lumapit siya sa akin sabay hila sa kamay ko na siyang nakapagpatayo sakin.

"No Jenny really! It's fine. I'm on a diet."

"Naku Corrine dito sa bahay namin walang diet-diet! Dali na. Ako nagluto"

Then binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti.

"Ok ok fine. Siguraduhin mong masarap yan ha! "

"Yeheyy!  Oo naman!  Masarap yun basta ako ang nagluto. Daig ko pa kaya ang mga culinary students! "

At tuluyan na niya akong hinila pababa sa dining room. Naabutan namin doon si Tito Jun na naghahanda ng pagkain. Naupo na ako at si Jenny naman ay lumapit sa kanyang ama at aabutin ang dala nito na bowl ng sinigang na isda.

"Ako na po jan tay"

"Salamat anak"

Pagkakuha ni Jenny ng bowl ay naupo naman na si tito sa kabisera at kami naman ni Jenny ay magkatabi sa kaliwang parte ng lamesa. Nagsimula na kaming kumain ng aming hapunan.

"Kamusta pala ang pasok niyong dalawa sa school kanina?  Mukhang maaga kayong umuwi ah. "

Bigla naman akong napatigil sa aking pagsubo. Muli ko nanamang naalala ang nangyari sa school.

"Umm, may masama pong nangyari tay. "

"Ha? Bakit? Anong nangyari kanina? "

Napatingin ako kay Jenny at ganoon din siya. Muli siyang humarap sa kanyang ama at huminga ng malalim.

Salgado MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon