It been two days since the 'Wendigo incident' sa Hemmington Mansion. Bale magaling naman na ang mga sugat at ilang pasa ko maliban na lang sa sugat ko sa aking paa na nakatapak ng bubog. So I'm having a hard time walking dahil maliban sa masakit ang aking paa, may benda pa na nakatali dito.
Papunta na kami ni Jenny sa school para pumasok. As usual, naglalakad. Ugh. My feet. I'm wearing a dirty white shirt with a black 'Haters Gonna Hate' text on it. At saka maong pants at black flat shoes. At siyempre ang aking black backpack. Ayaw mo sa style ko? Ok lang. Libre lait. I don't care about it anyway.
8 am pa ang start ng klase namin, at dahil lagi kaming maaga magising, ang oras ngayon ay 7 am pa lamang.
Naglalakad kami ngayon sa kahabaan ng Wolman St. Tulad ng dati, mapuno at maraming tuyong dahon na nagsilaglagan sa lupa. Samahan mo pa ng luma at sirang street lamps at manipis na hamog ng umaga. Puro puno lang ang makikita mo at ang diretsong kalye. Minsan may madadaanang bahay pero abandonado naman. Very vintage and very stunning.
Pagkalampas sa Wolman St. ay ang pababa na kalsada papuntang town proper kasi nga nasa high place nakatayo ang Hemmington Mansion. Hindi ko naman kasi maiiconsider na burol yun kasi hindi naman talaga siya 'burol'. Parang patag na medyo elevated lang ba at mapuno. Mini hill version lang.
Pagkababa ay mas dumami na ang bahay at medyo umunti na ang mga puno. Parang subdivision ang style. As far as I know ang kalyeng tinatahak namin ngayon ay ang Houndell St. May mga tao na rin na naglalakad. Yung iba mukhang papasok sa school at yung iba naman ay kapwa ko estudyante.
Wow
Mahina kong sabi. Dahil sa nakikita ko ngayon, they live normally na para bang hindi sila nakatira sa isang nakakatakot at delikadong bayan. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang Salgado, parang munting community lang. At halos puro gubat at puno ang sumasakop sa ibang parte ng bayang ito.
"Jenny! Corrine! "
Napalingon kami ni Jenny sa tumawag. Si Lisa. Pero may biglang nahagip ang aking peripheral vision. Tiningnan ko ang nasa may bandang likod niya at may nakita akong babaeng naglalakad. Don't worry, hindi white lady ang nakita ko. Naka T-shirt siya ng black at fitted maong pants at brown backpack. Mukhang estudyante din tulad namin. Nakayuko lang siya at medyo natatabunan ng brownish at wavy niyang buhok ang kaniyang mukha. She looks so fair and definitely pale. Medyo nakikita ko pa naman ang features ng mukha niya. May matangos na ilong. Lips as red as blood and eyes as brown as almonds. She's pretty and very angelic. Umalis siya sa pagkakayuko at tumingin sakin. Biglang nagkasalubong ang aming mga tingin. Her stare intimidates me. Don't ask me why. She looks emotionless. Very plain expression.
"Huy Corrine! "
Biglang bumalik ang tingin ko kay Lisa na nasa tabi na pala namin.
"Uh, yes? "
At lumingon ulit ako sa kinaroroonan nung babae kanina pero wala na siya dun.
"Kanina ka pa kasi tulala diyan. Ano bang tinitingnan mo? "
Sabi ni Lisa at lumingon din kung saan ako nakatingin at ganoon din si Jenny.
"Ah, wala wala. May ano lang. . .namalikmata lang siguro ako. Tara na. "
At humarap na ulit ako sa aming dinadaanan at naglakad.
"Masanay ka na Corrine. Madalas talagang magpakita ang mga multo dito. "
Sabi ni Jenny na para bang alam na may nakita akong babae kanina. Pero ano daw? Multo? Hmm. Baka nga siguro multo lang yun. Sandali naman akong nakaramdam ng kilabot pero agad ding nawala.
BINABASA MO ANG
Salgado Monsters
FantasíaCorrine Baldoza is a girl with full of curiosity. She loves being close to nature and feel the calmness it gives. She wanted to escape from the crowded city just to feel that sensation everyday. Pero paano na lang kung bigla siyang mapadpad sa Baya...