Chapter 4 : Meet the Wendigo

45 2 0
                                    

Second day na ng pasukan. Maaga akong nagising at naisip kong uminom na lamang ng coffee. It's still 5 and a half in the morning and I can feel the cold morning breeze ruling over the atmosphere of dawn. Habang humihikab ako pababa papuntang kusina ay sandali akong napatigil sa harap ng kwarto ni Jenny.

You miss your mom? Do you?

Pabulong kong sabi habang nakaharap sa pintuan niya. Kahit papaano ay naaawa ako kay Jenny. Hindi ko pa naranasan na mawalan ng ina, pero alam ko kung gaano iyon kasakit.

Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad pababa at inaantok pa akong nakarating ng kusina.

----

Nakaupo ako ngayon sa maliit na kahoy na upuan dito sa terrace habang umiinom ng aking kape. Unti-unti nang sumisikat ang araw. Binabalutan ng hamog ang paligid. Makikita mo rin ang mga butil ng tubig sa mga dahon ng puno at damo. Ramdam na ramdam ko ang lamig na dala ng umaga. Tinatamaan na ng sinag ng araw ang aking mukha na nagbigay ng munting init sa aking balat. Humigop ako ng kape at muling pinagmasdan ang paligid. Naririnig ko ang mga awit ng mga ibon. Tumingala ako ng bahagya sa langit at nakikita ko ang unti-unting paglitaw ng mga makakapal na ulap na nangingibabaw sa mala-kahel at dilaw na kulay ng langit.

Ting

Ting

Ting

Parang awitin sa aking pandinig ang tunog ng kampana sa simbahan sa town proper. Ganap na umaga na. Nangangalahati na ang laman ng aking tasa at kasabay nito ang pagliwanag ng paligid. Tumingin ako sa bayan. Hanggang ngayon ay di ko pa rin lubos maisip na tirahan ito ng mga masasamang nilalang. Because for me, it's a paradise. Gumagaan lagi ang aking loob sa tuwing pinagmamasdan ko ito di tulad nung nasa lungsod pa lamang ako na puro ingay at usok ng kotse lagi ang aking nakakasalamuha.

Iinumin ko na sana ang natitirang laman ng aking tasa nang may biglang pumukaw sa aking atensiyon. I can see a silhouette of a person under a tree across the street. Hindi ko ito lubos makita dahil medyo madilim sa parteng iyon dahil sa dami ng puno. Hanggang sa unti-unti na itong nasisinagan ng araw.

.

.

.

What the fvck?!

It's not a human. It's definitely not! Nakikita ko ngayon ang isang halos kalansay na katawan ng tao at may bungo ng hayop (siguro parang usa). Napakatangkad nito at mayroong mga sungay ng usa. Medyo mabalahibo ang ilang parte ng katawan nito.

My heart started beating so fast that I can't even move a foot and run inside the house. Napako ako sa aking kinatatayuan. Nag-umpisang manginig ang aking katawan at nabitawan ko ang hawak kong tasa. Bumagsak ito sa sahig ng terrace at nagkalat ang mga bubog at mga natirang kape. I wanted to scream but I can't.

Nakita ko ito na naglalakad palapit. Tumatawid na siya ngayon sa kalye patungo rito sa bahay. Dahan-dahan siyang humahakbang habang ang tibok ng puso ko'y napakabilis. It was looking at me. Fvck. I can see it's red glowing eyes from here.

Tok tok tok

Napalingon ako sa loob ng kwarto.

"Corrine? Gising ka na ba? "

It's Jenny. I wanted to scream her name because of fear. But still, my mouth stays shut.

*breathing heavily*

I can feel heat from my neck. It's like someone's breathing closely behind me. Shit. Muli akong lumingon pabalik at. . .

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!! "

Salgado MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon