Bayan ng Salgado
May 27, 2017
Saturday, 5:37 pmNasa kotse ako ngayon at nakaupo sa backseat mag-isa. Kasama ko si mama at si papa. Sinabi ko na kaya ko naman mag-commute pero pilit pa rin silang nag-insist na ihatid ako dahil gusto nilang makita ang bago kong titirahan at nabalitaan nila na marami daw krimeng nangyayari dito sa bagong bayang lilipatan ko, ang bayan ng Salgado. Well sabagay hindi ko din naman alam kung saan ang bahay na uupahan ko. Baka maligaw lang ako. Dito kasi ako mag-aaral ng kolehiyo. Naisip ko kasing humiwalay muna at mangupahan na lang dito sa bayang ito. Actually kaya ko napili at nalaman ang lugar na ito ay dahil sa kaibigan kong si Zandrew na may pinsan daw dito. Meron daw bakanteng kwarto doon sa bahay ng pinsan nya at pinapaupahan din ito kaya naisip namin na doon na lang ako mangupahan. At nabanggit nya din na dito rin siya mag-aaral ng kolehiyo.
Nakaharap ako ngayon sa may bintana at tinatanaw ang kagubatang dinadaanan namin. Medyo palubog na rin pati ang araw. Nalaman ko na bago pala makapasok sa mismong bayan ay madadaanan mo ang madilim na kagubatang ito. For normal people, it's creepy, but for me, it's just a forest, plain dark forest.
"Nakakatakot nga pala dito nuh?"
Sabi ni nanay. Tumingin ako sa kanila mula dito sa backseat. I rolled my eyes na parang automatic lang na nangyari.
"Paano mo naman nasabi Emilia? "
Sabi naman ni tatay.
"Siyempre magubat pala dito, tingnan mo oh."
Sabay point ng kanyang hintuturo sa may bintana sa tabi nya na nasa may gilid ng kotse. Sinundan naman ito ng tingin ni tatay.
"Pero pagdating naman siguro sa mismong bayan eh baka hindi na magubat tulad nito. Baka sadyang magubat lang siguro ang daan papasok. "
Sabi ni tatay. Muli kong ibinalik ang tingin sa labas. Unti-unti nang dumidilim.
After ilang minutes ay bigla na lang may bumukas na ilaw ng mga streetlights dahil sumapit na ang dilim. Kung sa karaniwang kalye ay hindi halos magkakalayo ang poste, dito naman ay halos kalahating kilometro bago marating ang sunod na poste ng streetlight. Tss. Ang kuripot ah.
Maya-maya ay narating na namin ang mismong bayan. Magaganda naman ang mga bahay dito at medyo magkakahiwalay at meron nang pagkaluma. Although yung iba ay parang bagong pintura, hindi pa rin maipagkakaila na luma na ang style nito. Parang vintage ba. Kunti lang ang taong naglalakad sa daan. At infairness, mas maliwanag na dito kesa dun sa magubat na kalye kanina. Hinanap na namin ang Hemmington Mansion, ang bahay na tutuluyan ko. Nasa Wolman Street daw ito. Sabi ni Zandrew yun lang naman daw ang mansion na malaki sa kalye na iyon kaya makikita rin naman daw namin iyon agad once na makarating na kami sa nasabing kalye.
Naisipan na lang namin nina Nanay at Tatay na magtanong-tanong. May nakita kaming grupo ng mga kabataang lalaki na naglalakad sa may tabing daan at nagtatawanan. Mukhang gumagala ata. Agad naman silang nilapitan ni Tatay. Itinapat niya ang dark gray naming kotse sa grupo at ibinaba niya ang bintana. Napansin naman kami agad ng mga ito.
"Mga iho pwede bang magtanong? "
Humarap sila sa amin at medyo nagulat.
"Sige po, ano po iyon? "
Sabi nung isang naka T-shirt ng gray at medyo may pagkamestizo.
"Alam nyo ba kung saan ang Wolman Street? "
Pagkatanong nun ni tatay ay nagkatinginan silang magkakasama. This time, bakas na talaga sa kanilang mukha ang pagkagulat. Muling humarap yung mestizo kay tatay.
BINABASA MO ANG
Salgado Monsters
FantasiaCorrine Baldoza is a girl with full of curiosity. She loves being close to nature and feel the calmness it gives. She wanted to escape from the crowded city just to feel that sensation everyday. Pero paano na lang kung bigla siyang mapadpad sa Baya...