Dedicated to MarizGabay6
Iniwan ko muna si Corrine sa mini-library ng bahay ni Axl. Kailangan kong makausap si Axl about the witches, and of course, about Corrine. I'm still not convinced that she's not Isabella. Nung una ko siyang makita akala ko magkamukha lang sila. Pero nung nakilala ko na siya, bigla akong naghinala na baka siya nga si Isabella.They are very much alike and really have so much in common and I'm sure that it's not just because of coincidence. Hindi ko rin mabasa ang isip niya, hindi rin gumagana ang ability namin sa kanya, and most of all, parehas sila ng ugali. Is she our Bella that we've been looking for 18 years?
Pero mas pinili ko munang wag iconsider na siya nga ang Isabella 'nofangs' Tyler na hinahanap namin. Hindi ko pa ito tuluyang nacoconfirm. At saka ayaw kong mabigla siya sa mga nangyayari. Ayaw kong maging mas magulo ang mga bagay sa kanya.
"Estella, who is that woman?"
Salubong na tanong ni Axl nang makarating ako sa may terrace ng bahay at naabutan siyang nakalean sa safety rails. I know it's hard for him, it's hard for him na makita ang katauhan ni Bella kay Corrine kahit na ang totoo ay hindi naman siya ito. I can see that he's hiding it. Hiding his anger, pain, sadness and sorrow. He misses her, and still loves her after all this years.
"Siya si Corrine. Kaklase ko. Noong una akala ko rin siya si Bella kasi talaga ngang magkahawig sila. And they are very much alike. "
Bigla siyang lumikha ng malalim na paghinga. I can see his clenched jaw from here.
"My Isabella's different"
"I know that."
Sandaling nagkaroon ng katahimikan pero agad ding naputol.
"Anong kailangan mo't napunta ka dito? "
"Well, ihahatid ko na sana siya pauwi pero may naramdaman akong intruders sa tinutuluyan niyang mansion, kaya naisip kong pumunta dito dahil masyadong delikado doon lalo na pag iiwan ko siya roon at alam ko ring ikaw ang dapat na kausapin ko tungkol dito. "
Lumingon ang ulo niya sa side niya.
"Intruders?"
Ika niya.
"The Witches"
Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang ekspresiyon. Humarap siya sa akin at halatang nagtataka.
"Witches? What are they doing here?"
"Hindi ko rin alam. Nasa loob sila ng Hemmington Mansion. And I think they're looking for something. "
Napatingin siya sa akin.
"Or maybe someone."
Natigilan kami ng may marinig kaming bagay na bumagsak sa loob. Agad akong tumungo kung saan nanggaling ang tunog at naabutan ko si Corrine sa may sala.
CORRINE
Nabitawan ko ang hawak kong cellphone at tumama ito sa sahig na siyang lumikha ng ingay.
I totally freaked out when I saw who is in the picture. Me. Nakangiti ito habang kumikinang ang kaniyang golden yellow eyes. Ako nga ba ito? O baka kamukha ko lang? No, it's impossible. Paano naman magiging ako ito?
A name suddenly came in my mind. Isabella Tyler. Maybe this is her. Ang babaeng akala nila ay ako. And they're right, talagang magkahawig na magkahawig nga kami. It's like we're twin sisters.
Naramdaman ko ang pagdating nina Estella at Axl. Napatingin si Estella sa picture frame sa harap ko at muling humarap sa akin. Lumapit siya at pinulot ang nalaglag kong cellphone.
BINABASA MO ANG
Salgado Monsters
FantasíaCorrine Baldoza is a girl with full of curiosity. She loves being close to nature and feel the calmness it gives. She wanted to escape from the crowded city just to feel that sensation everyday. Pero paano na lang kung bigla siyang mapadpad sa Baya...