Aléxián's POV
Math ang klase mga sis, nakakawala ng ugat sa utak! Di naman kasi ako na-inform na math na ang next subject, kala ko petiks petiks lang ang Business Management pero di naman pala, medyo na-dissapoint ako kasi akala ko talaga yung mga math lang dito we're like, tagalog na nga lang di bagay eh. Yun nga akala ko yung mga math lang dito ay (-2) + 36 yung mga ganyan lang tsaka π ayan yung mga πr² ganun. Pero wrong iz me mga math pala dito iz x84-23 + y mga ganun tsaka square root ek ek letse! Kadugo ng utak huhuhu...
“Understand Class?” the most sinungaling na sagot diyan, opo o di kaya yes, sir!
“Yes” kung tatansyahin mo ako lang nag sabi ng NO, di naman nila narinig eh, tsaka honesttt ako noh!
“So, we will have a quiz” agad ko naman narinig ang mga mahadera/mahadero kong kaklase. Aba'y kung sinabi niyo kasi na di natin na-gets edi sana walang quiz na magaganap.
“Pengeng papel” rinig kong sabi ng nasa row 4. T*ng. Ina. College ka na sis, wala pa ring papel?!
“Get one and pass” sabi ni Mr. Gomez, kaiyak 1-30 huhuhu…
“Passing score is 20” nanlumo ako lalo doon sa sinabi ni Mr. Gomez, naiiyak ako dapat kahit 15 na lang kase passing score huehehehe…
“You don't understand the lesson noh?!” nasa mapang-asar na tono ni Alexus. De wow! Siya na matalino!
“Pake mo kung di ko naintindihan” tsaka na ako nag-simulang mag numbering. Kaya ko to, tiwala lang! Favorite line pag nahihirapan, char!
“So, di mo talaga naintindihan?” pang-aasar ni Alexus uli. Eto ginigigil ako eh, masasapak ko rin to
“Ako, hindi makakaintindi?! Patawa ka, baka nga kumopya ka pa sa akin eh” tsk... Matalino to mga sis, di niyo lang alam huahaha!
“Oh, so naintindihan mo pala. Can we have a game?” t*ngna niya, numbering palang nagagawa ko. Pag ako di naka-sagot ipapalamon ko talaga kay Alexus ang test paper.
“Oo naman. Kung sino ang mas mataas sa ating points na makukuha ay uutusan ang naka-kuha ng mababa, okay?!” tumango naman si Alexus at napa-smirk. Mukhang may binabalak na masama tong Lexus na to ah.
Syempre pinalabas ko ang matalinong side ko muna, para manalo ako sa laro namin ni Alexus. Marami akong side eh, side view de joke! Serious na, ang iba't-iba kong side ay matalino, mabait, maawain, shunga-shungabels at ang may sa demonyo. Kaya naman ngayon easy easy ko lang nasasgutan tong quiz huehehe!
“Pass the Questioners!” pinasa ko na nga yung test paper sa harap at si Alexus ayun kung maka-tingin talaga eh parang may binabalak. Pag may alak, may balak heyy! Charut, napapakanta tuloy ako.
“Exchange papers with your seatmates!” bago ako makipag-palit kay Alexus ay tinignan niya muna ako ng 'know our game, my dear' at tinignan ko naman siya ng 'Ulolzzang, mananalo ako! Wag ka na umasa!'
Check here, check there, check everywhere. Mukhang makaka-perfect pa to si Alexus ah.
“Who got a perfect score, 30?!” tss, perfect talaga inuna eh!
“Mr. Gomez!”
“Sir Gomez!” napatingin ako kay Alexus na tumayo rin, edi ibig sabihin perfect din ako?! Ahhhhh! Wag ka munang umasa! Oo nga, mamaya may correction lang pala tong si Alexus.
“Yes, Ms. WYN and Mr. Dela Viara?”
“She got a perfect score”
“He got a perfect score” sabay na naman kami ni Alexus. Pero ano daw?! Whuttt?! Perfect iz me?! Omaygat, papa-cheese burger ako!!!
BINABASA MO ANG
What's your name?
ЮморSikat, gwapo, matalino pero tahimik. Every girl's dream na nga ika nila. Paano na lang kung magka-gusto siya sa babaeng di niya alam ang pangalan? Sa babaeng walang pakielam kung sikat ka o hindi? Sa babaeng kahit kailan di sinabi ang pangalan? Sa...