First Speech

513 6 0
                                    

First Speech

Alam mong ako yung taong hindi palasalita. Kaya tuwing hinihingan tayo ng birthday greetings para sa classmates natin noong highschool, 'pibertdey' lang ang sinasabi ko. Mas okay sa akin na magsabi nalang through letters kaysa magsalita.

Pinaka-ayaw ko din ang recitation, speech, at sabayang pagbasa.

Pero ngayon, hindi ko na kaya. Gusto ko nang sabihin. Ayoko nang magkimkim. . . kasi nasasaktan na ko.

Nasasaktan na 'ko.

Naalala mo noon? Palagi tayong magkasama. Parang pinagbuhol ang mga bituka natin. Kapag absent ka, ako lagi ang tinatanong ni Sir. Kapag absent ako, ikaw naman ang tinatanong. Alam kasi nilang alam natin ang lahat tungkol sa isa't isa.

Kasi dati, alam natin ang lahat tungkol sa isa't isa.

Madalas din tayong tanungin noon kung tayo ba. Ngingitian mo sila tapos aakbayan mo ko sabay sabing, 'babalitaan ko kayo pag kami na'. Tatawa sila. Tatawa ka. Kakantyawan nila tayo. Pero ako, titignan lang kita nang nagtataka.

Bakit hindi mo nalang sila diniretsa na hindi?

Bakit hindi mo nalang sinabing hindi at kahit kailan ay hindi?

Kasi umasa ako. Na balang araw, may ibabalita ka sa kanila. Na balang araw, imbis na ganun ang sagot mo, diretsong 'oo' nalang kaagad.

Hindi ko na matandaan kung ilang ulit kitang tinanong kung bakit ganun ang sagot mo. Sasabihin mo minsan kasi nagsasawa ka na sa tanong nila at naiinis ka sa lagi nilang pangingialam kaya mas mabuti ang ganung sagot. Malabo. Miski ako nalabuan. Pero nung nilinaw ko.. nagbago ang lahat.

Telling You A Story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon