Fourth Speech

122 6 0
                                    

You know me. Pitong taon tayong magkaibigan. Alam na alam mong hindi ko kayang magsinungaling. Kaya kong magsikreto kagaya ng paglihim ko ng feelings ko sa'yo. But lying is a different thing. I can't lie. Never.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ko pinaniwalaan. Sobrang sama ng loob ko sa'yo. I shut the world out. Especially, my sister. Akala ko aaluin mo ako kasi ikaw yung may kasalanan! Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo lang akong lumayo. Like everything meant nothing.

I confronted Ate. I was so fuming mad. I told her to stay away from you.

'Bakit, Neslie? Kasi gusto mo siya? Kaya pinapalayo mo ako?!'

I nearly slapped her. Pero nagpigil ako. Hindi ako yung tipo ng taong pipiliing makatapak ng iba para lang sumaya. Instead of hurting her, I told her that I know everything. Hindi para mamblackmail kundi para malaman niya ang dahilan ko kung bakit ko siya pinapalayo sa'yo. She was shocked. Akala niya siguro hindi ako nagigising tuwing bumabangon siya ng madaling araw para lang makipagkita sa ex niya. We didn't talked for long. Napapansin na din nila Mama pero I kept my mouth shut.

A few months after, saktong kakatapos ng first quarter, you approached me. Nagulat pa nga ako. Sa tagal tagal ba naman nating di nagusap. Nagrecognition na at fourth year na tayo. Nangamusta ka. Sabi ko, okay lang ako. Sinabi ko din na malelate na ko sa klase ko pero nagpumilit ka. Gusto mo kasi akong makausap.

Ano pa ba'ng dapat nating pagusapan? Hindi pa ba sapat yung sakit na dinulot mo? Kulang pa?

I walked out on you. Akala ko makakatakas na ko. Pero nang maguwian na, nakita kitang naghihintay sa gate ng school. Lumihis ako ng daan pero nakita mo na ko. You asked a bit of my time. Kahit sandali lang. I was hesitant pero pumayag na din ako.

Baka kasi matapos na lahat. Baka kasi kailangan lang talaga ng paguusap para makamove on na din ako. But what you told me..

Made my moving on process a lot harder.

Telling You A Story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon