Second Speech

298 6 0
                                    

Sa halos pitong taon nating pagkakaibigan, kilalang kilala na kita. Ikaw yung tipo ng taong magaling makisama. Close ka sa lahat. Mapababae man o lalaki. Kaya nga close ka sa mga kaibigan ko eh. Close ka sa Ate ko. Pati sa teachers, close ka.

Nadadamay tuloy ako.

Isa sa mga naging kaclose kong teachers noon dahil sa'yo ay si Sir Allen. Naalala mo siya?

He's one of the coolest teachers I've ever met. Pinupuntahan natin siya tuwing nagkakasabay ang free time natin. Marami siyang alam na nakakanganga talaga. I learned a lot from him. And then one day, when you're out somewhere playing chess with your guy bestfriend, he asked me, 'Neslie, may gusto ka ba kay Jared?'. I was stunned at first. Pero tinawanan ko lang si Sir at sinabing magkaibigan lang talaga tayo. But he refused to believe me. Sabi niya magbabanggit raw siya ng mga salita tapos sabihin ko ang unang papasok sa isip ko. I agreed.

Green.

"Puno?"

Blue.

"Dagat?"

Red.

"Puso."

Kaibigan.

"Jared."

Lalaki.

"Jared."

Kasama.

"Jared."

Puso.

"Ja.. red."

"May gusto ka ba kay Jared?"

Hindi ako sumagot. Ngumiti si Sir at nagpaalam na kasi may klase pa siya. Samantalang ako, naiwan sa faculty. Tahimik. Nagiisip.

Years passed. Nagresign si Sir sa school. We remained as friends. But I acknowledged my feelings after that incident. Ayoko nang i-deny. Nakakapagod na.

Dumalas ang pagbisita mo sa bahay nang magthird year highschool tayo. Syempre sobrang saya ko. Ang sweet mo din. Lagi kang nagdadala ng pagkain o kaya nagmomovie marathon tayo kasama si Ate.

Nang dumating ang JS prom, ako ang inaya mong kapartner. Sabi mo din may sasabihin ka sa gabing 'yon. Sobrang naexcite ako kasi alam ko, na aamin ka na. Ako din, aamin na ako. Sa wakas, magiging lagpas na sa pagkakaibigan ang relasyon natin.

Hindi ako mahilig sa make up pati sa pagaayos ng buhok. Ayoko din ng high heels at magarbong gown. Kung pwede lang na magjeans sa prom edi sana, ginawa ko. Pero dahil ikaw ang kapartner ko, nagpatulong akong magayos kay Ate. Nagmake up ako at siniguradong maganda ang gown na susuotin ko. Nagpractice pa ko sa pagsasayaw.

That night.. changed my life.

We swayed with the music. Nang saktong magalas dose, kumabog ng malakas ang puso ko. Nagbago ang kanta. Sinabayan mo si Ed Sheeran sa pagsabi ng lyrics ng She. Idinikit mo ang pisngi mo sa pisngi ko at binulong sa tenga ang bawat salita.

Hindi ko alam kung bakit ginawa mo lahat ng 'yon. Bakit, Jared? Bakit mo pa ginawa ang lahat ng 'yon kung sa huli, sasabihin mong may mahal kang iba, na mahal mo si Ate, na hinihingi mo ang permiso ko para ligawan siya? Bakit?!

Niyakap kita ng sobrang higpit kasabay ng pagsasayaw natin. Dahil ayaw kong makita mong punong puno na ng luha ang mukha ko.

Bakit ang sakit sakit?

Telling You A Story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon