iv. Yung Panyo ko?

20 1 0
                                    

A/n: Say goodbye to Angelo hahaha. Natagpuan ko na po ang tunay na birth certificate niya xD. Andrei na po siya from now on. Wag po magtaka ahahaha. ~ktn

*
Kanina pa iniikot ni Alexander ang kwarto niya at halos ihagis na niya lahat ng gamit na nasa aparador niya. Mukhang balisang-balisa siya at nagkakalampagan na ang mga gamit na tumatama sa sahig dahil sa paghagis niya.

Bumukas ang pintuan ng kwarto niya at biglang napasilip si Andrei, na may hawak-hawak na isang maliit na mangkok na naglalaman ng vanilla icecream.

"Uncle anong meron?" nagtatakang tanong niya pero di siya tiningnan ni Alexander dahil busy paden ito sa paghahanap.

Grabe mukhang nadaanan ng bagyo ang kwarto ni Alexander.

"Nakita mo ba yung panyo ko?" tanong ni Alexander habang patuloy paden sa paghahalungkat. Kinapa pa niyang muli ang coat, lahat ng bulsa na pwede niyang mapagsiksikan. Pero wala. Wala talaga.

"Anong panyo po ba ang tinutukoy niyo?" tanong ulit ni Andrei at humakbang na palapit kay Alexander, nag-iingat na walang maapakan na ikakagalit nito.

"Yung palagi kong dala," tarantang sambit ni Alexander kahit na mukhang seryoso paden ito. Ganun ba kaimportante yung panyo para magkalat si Uncle? "Yung may burdang Y. J. E."

Mukhang alam na ni Andrei ang tinutukoy ng uncle niya. Palagi niya kasing nakikita ang panyong iyon na dala ni Alexander. Kulay itim na may nakaburdang Y. J . E.

"Hindi po eh," sagot naman ni Andrei at nagpatuloy sa paghahanap si Alexander. Tiningnan na nga niya pati ilalim ng sumbrero niya, pero wala talaga.

"Baka naman po naiwan nyo po sa kung saan," pagsasuggest ni Andrei at sumubo ng kaunting ice cream. "O baka naman nalaglag?" Nilibot niyang muli ang mga mata niya sa kwarto ni Alexander. Hays panigurado na ang paglilinis niya.

Samantala, natigil si Alexander sa paghahalungkat ng marinig ang sinabi ni Angelo. Tama siya, maaaring nailaglag niya ito o naiwan. Ngunit saan naman?

Isang tao lang ang pumasok sa isipin niya.

Pero di talaga maaari.

*

Kanina pa hawak-hawak ni Keng ang panyo ng misteryosong lalakeng nakilala niya kanina. Tinititigan lang niya ang ganda ng pagkakaburda ng mga letra sa panyo at ang outline sa palibot nito.

Parang old-fashioned na may pagkamodern.

Gandang-ganda talaga siya sa panyo. Hinihimas-himas pa niya ang burda ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Karlos.

"Hey baby sis," bati nito ngunit di siya pinansin ng dalaga na busy padin sa pag-admire sa panyo. Di na napansin ni Keng ang pag-upo ni Karlos sa likod niya at tiningnan din ang panyo.

"Kanino yan?" nagtatakang tanong ni Karlos at bigla namang bumalik sa ulirat si Keng ng marinig ang boses nito kaya bigla itong napalingon at nagtama pa ang mga noo nila.

"Arayyy."

"What the hell?"

Sumimangot si Keng at umayos ng upo para nasa harap na niya ang kapatid. "Ba't ka ba kase nanggugulat?"

"Woah," gulat na sagot ni Karlos. "For all I know, kanina pa ako nandito. Sadyang di mo lang ako pinapansin." Bigla namang tinamaan ng hiya si Keng. Bat ba kasi pinagpapantasyahan ko pa 'tong panyo? iritang tanong niya sa sarili.

"Kanino ba yan?" usisang tanong ni Karlos.

Napangiti naman si Keng nang maalala kung sino ang nagmamay-ari ng panyo. Muling napabaling ang paningin niya sa panyo at di na pinansin pa si Karlos.

Grim Reaper's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon