Nagising si Andrei sa tunog ng alarm clock niya. Kahit na tinatamad pa ay pinilit niyang bumangon dahil may pasok pa sya. Medyo nananakit pa ang mga mata niya dahil late na siyang natulog kagabi. Or shall I say, kaninang madaling araw.Lakas trip naman kasi ni Uncle na magpalate umuwi.
Dumiretso siya sa cr ng kwarto niya at naligo. Matapos nito ay nagbihis na siya sa usual na pananamit niya. Plain white shirt with leather jacket, fitted black jeans and converse shoes. Humarap pa ito sa salamin para ayusin ang buhok at saka kinindatan ang sarili.
Ang gwapo ko talaga, bulong pa niya sa sarili saka kinuha ang bag niya at susi ng motor bago bumaba.
Nadatnan niya si Alexander na umiinom ng yogury drink na paborito nito. Aba't ang aga pa yata ng gising. Napakamot nalang si Andrei sa ulo niya at dumiretso sa kitchen para magluto ng breakfast niya.
Umupo siya sa tapat ni Alexander at pinagmasdan siyang maigi nito habang kumakain saka tinaas pa siya ng kilay. Napansin ito ni Andrei na bigla namang nailang.
"May lakad ka ba?" nagtatakang tanong ni Alexander.
"Maliban po sa school?" sagot ni Andrei habang patuloy na kumakain. "Wala naman po. Diretso uwi po ako Uncle, wag ka pong mag-alala."
Muling pinagmasdan ni Alexander ang pamangkin, lalong lalo na ang pananamit nito.
"Pachicks ka yata sa suot mo," naiiritang sambit ni Alexander at muntik pang maibuga ni Andrei ang kinakain. Mabuti nalang nakapagpigil siya kung hindi, sakto sa mukha ni Uncle niya ang pagkain. Paniguradong gulo pag nagkataon.
"Uncle san mo naman nakuha yan?!" gulat na tanong ni Andrei at inayos ang suot na jacket. Di niya alam kung matatawa siya o maiinis na nagkakaroon na nang kaunting muwang sa mundo si Alexander. Panay kase ito trabaho at bahay lamang. Wala manlang itong panahon sa paggala.
"Di na mahalaga yun," nakangising sagot ni Alexander at tumayo na habang dala-dala padin ang yogurt drink. "Mas gwapo padin ako sayo."
Natulala si Andrei sa narinig. Jusme. Epekto siguro 'to ng pag-inom niya ng yogurt na yun. Napasapo nalang siya sa mukha at tinapos na din ang pagkain.
Pachicks? Sadyang pogi lang ako! sigaw ng isip niya.
"Layas na," dinig niyang sambit ni Alexander kasabay ng pagkalabog ng pinto ng silid niya kaya nagmadali siyang tumakbo palabas ng bahay dala-dala ang bag niya at mabilis na umalis sakay ng motor.
*
"Oy Andrei," rinig niyang sigaw ng isang lalake habang pinapark ang motor. Tinanggal na niya ang helmet na suot at bahagyang ginulo pa ang buhok.
Pachicks nga talaga.
Nginitian niya ang lalakeng naglalakd palapit sa kanya. Itim ang buhok nito at mapupungay ang mga mata. Matangos ang ilong at matangkad din ito tulad niya. In short, gwapo. Kaso talagang mas gwapo ako, pagbulong ni Andrei sa sarili.
"Angas naten ngayon ahh," bati sa kanya ng lalake at nakipag-apir.
"Kelan pa ba hindi?" bahagyang natawa si Andrei sa nasabi ng kaibigan and they ended up bro-hugging. "Ano balita Yves?"
Kumalas sa yakap si Yves. "Eto, mas pogi padin sayo!"
Natawa lalo si Andrei at ginulo pa ang buhok ni Yves at inaya na maglakad papunta sa University Building. "Ulol! Hanggang ngayon palabiro ka paden."
Nagtawanan ang dalawang magkaibigan at patuloy na naglakad papunta sa building ng course nila.
"Kelan ka pa dumating?" tanong ni Andrei.
BINABASA MO ANG
Grim Reaper's Bride
Любовные романыSuicide: one of the greatest sins existing in mankind. At dahil dito isinumpa si Wang Hyeon, now known as Alexander Castellan, na maging isang Grim Reaper; ang imortal na tagakolekta ng kaluluwa. Ngunit sa habang panahon ng kanyang pagtatrabaho, di...