Napairap si Keng. Mukhang nasira na naman ang araw niya ngayon palang. Nakasalubong niya kase yung baliw na lalakeng muntik ng makabangga sa kanya. At talagang nabangga na siya nito ngayon.Si Alexander naman ay walang imik na nakatingin sa babae hanggang sa maramdaman niya ang pagbabadya na naman ng mga luha niya pero buti nalang nakapagpigil siya.
"Ano," iritang sambit ni Keng sa nakatulalang lalake. "..di ka manlang magsosorry?"
"Sorry?" kunwari tangang sagot naman ni Alexander na lalong kinainis ni Keng. Buti nga at di sa tshirt niya natapon ang mayo dip niya at sa sapatos lang ng walang modong lalakeng ito.
Bahagyang napangisi si Alexander pero bigla nalang itong nawala ng tiningnan ulit siya ni Keng ng mata sa mata. "Pasensya na, Miss," seryosong sambit niya.
Tinaas naman ni Keng ang kanang kilay at pinagmasdan ang lalaki mula ulo hanggang paa. Pansin na pansin niyang puro itim ang suot nito maski ang dala-dala nitong sombrero. Grabe di ba siya naiinitan?
"Hays," mahinang sambit ni Keng at napahimas nalang ng kanyang sintido. Nakatayo padin si Alexander sa harapan pero di niya ito pinapansin. Out of the blue, isang ideya naman ang pumasok sa utak ng dalaga.
Agad niyang binaling ang tingin sa lalake na bigla namang nagulat sa binigay na tingin niya. Para bang tinatanong si Alexander ng mga mata ng babae sa harap niya.
"May pera ka ba?"
Nanlawak naman ang mga mata ni Alexander. Matapos tapunan ng babaeng ito ng mayonnaise ang leather shoes niya? Ngayon naman ay hoholdapin siya nito? Grabe talaga.
Napahawak si Alexander sa bulsa ng pantalon niya at nakapa ang wallet niya. Nang masagot naman ni Keng ang sariling tanong nagsalita itong muli.
"Ganito nalang," paninimula nito at tinitigan muli ang mistisong estranghero sa harapan niya. "Ililibre moko ng pagkain ngayon, dahil ikaw naman ang may kasalanan kung bakit natapon pagkain ko."
Mas lalo namang namilog ang mga mata ni Alexander. Aba't mapapagastos pa yata siya. Ngumisi naman ang babae at lumingon na ulit sa counter para umorder ng panibago.
Walang ano-anong hinatak ni Keng si Alexander papunta sa isang bakanteng upuan at wala nading nagawa ito. Umupo ito sa tapat ng babae at muling pinagmasdan ito habang kinakalikot ang cellphone nito.
Napansin ito ni Keng kaya ibinaba niya ang phone at tiningnan din ang lalake. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na titigan ang estrahero. Sabagay, dalawang beses palang naman silang nagkikita. Itim na itim ang mga mata nito. Maputi. At mapula ang mga labi nito. Maganda ang pangangatawan at bagay din dito ang ayos ng buhok niya.
In short, gwapo.
Naweirduhan naman si Alexander sa mga tingin na binibigay sa kanya ng babae pero nawala din naman ito ng dumating na ang pagkain na inorder nito, na siya mismo ang magbabayad.
Agad namang nilantakan ni Keng ang pagkain at di pinansin ang lalake na nanonood lang sa kanya.
Medyo nailang na din si Keng sa mga titig ni Alexander kung kaya't hinarap niya ulit ito.
"Stalker ba kita?" nagtatakang tanong ni Keng. Bigla nalang kasi itong susulpot kung san-san at naisip niyang baka sinusundan siya nito.
Gulat na napatikhim si Alexander sa narinig pero wala padin siyang imik. Tinaasan siya ng kilay ni Keng sabay subo ng isang pirasong lettuce leaf.
"Siguro may balak kang kidnapin ako ano?"
Mas lalo namang nagulat si Alexander.
"Wala akong balak na masama sayo," mahinahong sagot ni Alexander sa pambibitang ng dalaga. Medyo naiinis siya sa mga kumento ni Keng pero nanaig pa din ang pagkawili nito sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Grim Reaper's Bride
RomanceSuicide: one of the greatest sins existing in mankind. At dahil dito isinumpa si Wang Hyeon, now known as Alexander Castellan, na maging isang Grim Reaper; ang imortal na tagakolekta ng kaluluwa. Ngunit sa habang panahon ng kanyang pagtatrabaho, di...