Tumunog ang alarm clock na nakapatong sa bedside table ni Keng kung kaya't naalimupungatan nalang siya bigla.She turned it off, obviously irritated, and stood up. Naiinis siya dahil nagising na naman siya ng napakaaga. Or should she say, ginising?
Alam na alam niyang pakana na naman ng magaling niyang kapatid ang paglalagay ng alarm clock sa bedside table niya.
Narinig niya ang pagclick ng doorknob at pinagmasdan niya ang marahan na pagbukas ng pinto. Pinulot niya ang isa sa mga fluffy slippers niya at naghintay.
Ilang sandali pa, iniluwa na ng pintuan ang isang lalake. Tulad ni Keng, itim ang buhok at mga mata nito at makinis din ang balat. Di niyo maipagkakaila ang pagiging magkapatid ng dalawa.
Sinalubong naman ang gwapong nilalang ng lumilipad na tsinelas na nanggaling kay Keng. Mabuti nalang at nakailag agad ito.
Napangiti naman ang nilalang na halatang inaasar ang naiinis na kapatid. "Whoa.. whoa. Easy there, Tiger! Good morning?"
Tinapunan siya ni Keng ng matatalim na tingin na mas lalo namang nagpalapad ng mga ngiti nito. "Walang good sa morning pag ikaw ang unang nakikita!," nangangalit na sigaw nito. "Curse you and your f*cking face, Karlos!"
"Kalma lang Keng," natatawang sambit ni Karlos at naglakad papalapit sa kapatid na naiinis padin sa kanya hanggang ngayon. Malaya naman itong humilata sa higaan ni Keng at pinagmasdan ang kisame. "It's your first day in the office. You don't want to be ugly, right?"
Tinamaan naman si Keng sa narinig. Oo nga pala. Ngayon ang unang araw na papasok siya sa opisina. Sa wakas nga at pinayagan na siyang magtrabaho ng kapatid niya. She's already 24 years old pero nakadepende padin siya kay Karlos kahit na apat na taon lang ang tanda nito sa kanya.
Pero not today. Certainly not today.
She will be independent from now on.
"You're right," napabuntong-hininga si Keng at umupo sa tabi ng kapatid. "Thanks for giving me a chance though, Karlos."
Napangiti si Karlos. "You're most welcome," sagot nito. "But you're still staying in my house. Kailangan padin kitang bantayan."
Nagpout si Keng. "Karlos, I'm already 24!" pagrarason nito at muling tinapunan ng masasamang tingin si Karlos na ngayo'y nanlapad na naman ang ngiti. "I'm way past the legal age. Can I atleast get a unit? Where I can live by myself?" Kung san di mo ako bubulabugin araw-araw.
"No," mariing sabi ni Karlos. "And please, I'm still four years older than you. You're not missing out the word 'kuya'."
Napairap si Keng. Di niya alam pero gustong-gusto ni Karlos na tinatawag na kuya samantalang ang iba naman ay ayaw na tinatawag silang kuya kasi masyadong nakakatanda daw ito. Abnormal talaga itong kapatid niya kahit kelan.
And calling his brother 'kuya' makes her feel controlled and things like that. Parang pinapamukha sa kanya ng salitang iyon na kailangang kailangan niya talaga si Karlos.
"Karlos," pag-eemphasize niya sa pangalan ng kapatid na para bang inaasar niya talaga ito. "Please?" Ginamit niya ang napakagandang mata niya. Sigurado kasi siyang di siya kayang tanggihan ng magaling niyang kapatid.
At tama naman talaga ang hinala niya.
"Sige fine," pagsuko ni Karlos sa karisma ng kapatid. "Pag-iisipan ko. But you're still my baby sister." Ginulo ni Karlos ang buhok ni Keng at pinisil ang ilong nito saka napatawa ng kaunti.
"Whatever," irap ulit ni Keng pero nakisabay naman din ito sa tawa ni Karlos. Ilang sandali pa ay tumayo na siya mula sa kama niya. "No get out! I'm gonna fix myself."
BINABASA MO ANG
Grim Reaper's Bride
RomanceSuicide: one of the greatest sins existing in mankind. At dahil dito isinumpa si Wang Hyeon, now known as Alexander Castellan, na maging isang Grim Reaper; ang imortal na tagakolekta ng kaluluwa. Ngunit sa habang panahon ng kanyang pagtatrabaho, di...