"Don't look for Death. Death, himself, will find you." -Lee Dong Wook [Goblin]*
[Carcrash]
Nagkumpulan ang mga usisero't usisera upang makita ang nangyaring aksidente. Isang kotse ang matinding nawasak dahil sa pagkakabangga nito sa isang delivery truck.
"Grabe naman."
"Kawawa naman yung babae."
"Tumawag kayo ng tulong!"
Kanya-kanyang komento ang mga tao habang pinagmamasdan ang nangyari. Ang iba nama'y tumawag na ng tulong.
Isang babae ang naglakad papalapit sa tila nababahalang kumpol ng tao. Nang makalapit na siya upang makita ng klarado ang nangyari, biglang namilog ang mga mata niya sa sobrang gulat.
"Bakit ako nan..nandoon?" di makapaniwalang tanong nito sa sarili habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ng babaeng nadamay sa aksidente.
"Delilah Ortiz," boses ng isang lalake ang nanggaling sa likod niya. "Born: October 21, 1992. Died: 6:30 pm, August 23, 2016. Cause of death: Extensive head injury and loss of blood caused by a car accident."
Dahan-dahan napalingon ang babae sa nagsalita at nakita niya ang isang lalakeng nakasuot ng puro itim at nakasombrero na nakatayo ngayon sa harapan niya. Malalamig na mga titig ang binibigay ng lalake sa kanya kung kaya't kinilabutan siya.
"Ikaw ito, hindi ba?"
*
Napabuntong-hininga si Alexander pagkaupo niya sa kanyang swivel chair at minasahe ang sintido niya.
Another job done.
Inayos niya ang mga kagamitan sa kanyang pribadong opisina at iniligpit lahat ng kailangan iligpit. Muli siyang napabuntong-hininga.
He was weird kahit saang anggulo mo siya tingnan. Kilos, pananamit, at lalo na ang kanyang trabaho. He admits his life sucks a lot more than usual.
Grim Reaper: Tagakolekta ng kaluluwa
That is what people usually call his kind. Ang cool siguro. Pero para sa kanya hindi. Kung iniisip niyong nasa mga alamat lang ang mga ganyan, nagkakamali kayo. Dahil isa na siya dito.
Alexander Castellan: Grim Reaper
Biglang tumunog ang beeper nya at nabasa niya ang mensahe na galing sa pamangkin niya.
Angelo: Uncle? Asan ka? Pede po ba tayong mag-usap?
Napabuntong-hininga ulit si Alexander. 'Sigurado akong problema na naman ang dala ng batang ito,' bulong niya sa sarili habang umiiling. Inayos niya ang coat niya at ang muling sinuot ang kanyang sombrero.
*
"Uncle salamat naman at pumayag kayong mag-usap tayo," masiglang sabi ni Angelo habang isinusubo ang tatlong piraso ng fries ng sabay.
Walang imik lang na nakatitig si Alexander sa pamangkin at nakaramdam naman si Angelo ng pagkailang. Para sa kanya, si Alexander na ata ang pinakanakakatakot tumingin sa lahat.
"Uncle, may problema po ba?" nag-aalangang tanong niya. "Ba't ansama niyo po kung makatingin?" Kada tititigan siya ni Alexander ng ganito, naninidig ang balahibo niya. Pakiramdam niya kaharap na niya si Kamatayan.
At totoo yun.
"Kilala kita, Angelo," malamig na salita ni Alexander dahilan upang matigil ang binata sa pagkain at sinalubong ang mga titig ni Alexander. "Ano na naman meron?"
BINABASA MO ANG
Grim Reaper's Bride
RomanceSuicide: one of the greatest sins existing in mankind. At dahil dito isinumpa si Wang Hyeon, now known as Alexander Castellan, na maging isang Grim Reaper; ang imortal na tagakolekta ng kaluluwa. Ngunit sa habang panahon ng kanyang pagtatrabaho, di...