Wala akong na gawa

110 5 0
                                    


Ako ay anak ng aking nanay at tatay. Meron akong kapatid at siya ang panganay.

Masaya ang aming pamilya buo na parang walang gulo. Para kaming bato na buong-buo.

Lumipas ang panahon, araw, buwan at taon. Ang mga damdamin ay unti-unting kumupas.

Nagsimula noong ako'y elementarya pa lamang at hindi ko alam kong ano ang kanilang pinag-aawayan, hanggang ako'y na sa secondarya ang pag-aaway nila ay lumala ng lumala.

Hindi ko na namalayan na unti-unti ng nawawala ang damdamin na nagmamahal.

Hindi ko rin namalayan na unti-unti na silang nawawala.

Wala akong nagawa sa tuwing sila'y nag-aaway. Para akong tanga na nagbibingi-bingihan kong ano ang kanilang pinag-aawayan.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanilang mga mata at sabihin ang mga katagang tama na, ayaw ko na, masakit na, itigil niyo na at hindi ko na kaya.

Wala akong nagawa kundi pumasok sa aking silid at doon ngumawa ng ngumawa.

Ang mga luha na unti-unting dumadaloy sa aking mukha, na patuloy na dumadaloy hanggang sa wala na akong mailuha at sa pagpikit ng aking mga mata inaalala ang kahapon na kahit na kailan man may hinding-hindi ko na muling maibabalik pa.

Ang pamilyang noo'y buong-buo na parang bato ngayon ay nalugmok, nawasak at nawala

At wala akong nagawa.

Parang salamin na nahulog, basag na basag, wasak na wasak at wala akong nagawa kun'di tumitig sa kanila at hinay-hinay na dumaloy, pumatak ang aking mga luha sa aking mukha.

Hinahaya'ang lumuha para kahit papaano ay mawala ang sakit na aking na darama na tumatagos sa aking kaluluwa.

Wala akong na gawa kun'di lumuha ng lumuha, kahit ang aking mga mata ay namamaga.

Wala akong nagawa kun'di tingnan nalang sila na unti-unting nawawala at naglahu na parang bula.

Wala akong nagawa kun'di haya'ang mawala ang pamilya na hinding-hindi ko na makikita.

Hindi ko lubos ma-isip na ganon ganon nalang kami magtatapos mahirap, masakit, masikip, madilim at mahapdi.

Parang wala na akong maramdaman at namamanhid na ang aking buong katawan.

Dahil wala akong nagawa, pilit kong inuunawa ang pangyayari na sana hindi nalang sila nawala.





_________________

Thanks for reading!😊

PLAGIARISM IS A CRIME!


Xoxo

My ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon