Ito yung totoo

86 1 0
                                    

Ako nga pala yung anak mo,
Na nagsasabing itigil mo na yang kabalbalan mo,
Ini-isip ko nga noon na ampon lang kaya ako, kasi ibang-iba yang pag mumukha mo sa etsura ko.

Ayaw ko mang sabihin to, pero ito yung totoo, ako nga pala yung anak mong barombado, basaguliro, sakit sa ulo at nag mana sayo.

Ha-ha! Nakaka tawa diba?
Wala akong ma-kapang sagot sayo o sa mga kapatid ko, dahil damay din sila sa kabalastugan mo!

Sinira mo lahat pati buhay ko.

Ayoko mang sabihin to, pero ito yung totoo, ako nga pala yung anak mong barombado, basaguliro, sakit sa ulo at nag mana sayo.

Ito! Yung totoo, ako to ang anak mo.

Mahirap bang tanggapin na ayoko nga sayo, bakit ba ang kulit mo! Ha!? Ayaw ko nga sayo, ang kulit mo naman! Ilang salita ba ang kailangan kong bitawan para ika'y matauhan!

Ayoko mang sabihin to, pero ito yung totoo, ako nga pala yung anak mong barombado, basaguliro, sakit sa ulo at manang mana sayo.

Sumasakit na ang ulo ko sa paulit-ulit ng paulit-ulit ng paulit-ulit na pagbigkas sa mga katagang AYOKO nga sayo bakit ba ang kulit mo.

Humihiling ka na patawarin kita? Ganon ba? Ha? Sagotin mo nga yung tanong ko? Humihiling ka na patawarin kita? Ganon ba? Sa tingin mo ba ganon lang kadali yun!? Ha!?

Pag ka tapos nang mga araw na na walan kami ng padre de pamilya, mga araw na sinisabi ko sayong pa umuwi kana, kailangan ka namin, kailangan namin ng ama na magsisilbing haligi, pero ang haliging yun ay hindi naging matatag, ang haliging yun ay napasukan na ng mga anay na unti-unting na sira, nagiba at tuloyang nawala kasabay ng pagsira.

Nawala, wala, wala ka nong mga panahong, ikaw ang kailangan namin, wala ka nong mga panahong kina-ilangan ni inay ang yung kamay, para umagapay sa mga masalimuot na buhay.

Ayoko mang sabihin to, pero ito yung totoo, ako nga pala yung anak mong barombado, basaguliro, sakit sa ulo at nag mana sayo.

Ito na ang totoo, kahit ano pa ang sabihin mo, kahit sabihin mo pa na ako ay nang galing sayo, hindi magbabago ang isip ko na

AYOKO SAYO!

T*NGINA MO!







__________________
Sorry po sa bad words

Thanks for reading!😊


PLAGIARISM IS A CRIME!

Xoxo

My ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon