Nagsisimula palang ang pahina ng ating libro. Di ko makita kung sa'ang anggulo, ako nagkagusto sayo. Kasi biruin mo, isa ka lang namang estranghero.
Sa lahat siguro ng aking na gustohan, ikaw yung tipong di' ko ina-asahang magustohan.
Alam kung nagsisimula palang ako, pero bakit yung nararamdaman ko ang gulo. Bumibilis bigla ang pitik ng puso ko.
Oo, gusto na ata kita.
Kasi sa tuwing lalapit ka, yung mga mata ko di' makatingen sayo ng direkta. Nililihis sa kabilang banda, para di' mo mahalatang nagkagusto sayo si gaga.Kasi noong una di naman talaga kita kilala, dahil madaming nagpapakilala. "Hi! Ako si Jerico", "Jay", "John" odiba haba nang hair ng Lola niyo.
Sabi nga nila ba't di na raw ako mag-jowa, para naman daw ako ay matuwa. Tuwa, diba para lang yan sa mga bata? Bata na naglalaro sa kalsada bitbit ang kanilang saranggula habang makikita mo ang guhit sa ka nilang mukha animoy tuwang-tuwa.
Balik tayo sa kung bakit ako nagkagusto.... Sayo. Sa libo-libo ng tao sa mundo. Natagpuan ko ang estrangherong tulad mo, na magpapaligaya sa'kin ng husto. Ina-amin ko natatakot ako, baka may iba ka na palang gusto, na may nagmamahal na sayo.
Pero bago yan hihiling muna ako ng isang hiling bago sya dumating. Halika aking ginoo kahit hindi ikaw yung tipong Juanito na isang sikat na fictional character sa libro. Bigyan mo'ko ng isang minuto para ipadama sayo kung gaano ako ka totoo.
Ipikit mo Ang iyong mga mata sundan isa-isa ang aking mga hakbang, patungo sa karagatan langhapin ang simoy ng gabi, damahin ang ako sa tabi, ramdamin ang aking mga dampi.
Alam kung di' gaano kalalim ngunit pwede bang samahan mo akong sisirin? Lunurin ang bawat isa ng halakhak at galak ng masasayang alala. Nariring ko na ang sirena ng dambana, hudyat na ikaw ay lilisan na.
Nagsisimula palang ang pahina ng ating libro. Kahit kapalit ng Oo ay ang pagbitaw mo. Oo, bibitaw na ako.
Nagsisimula palang ang pahina ng ating libro. Pero bakit magtatapos na ito.
Nagsisimula palang ang pahina ng ating libro. Hindi ko man maipapangako ngunit ginoo ang nag-iisa kung Juanito minsan kanang naging tahanan ko.
Nagsisimula palang ang pahina ng ating libro. Simula, una, pero alam kung hindi ako ang nauna.
Nagsisimula palang ang pahina ng ating libro. Alam kung kahit gaano ako ka totoo, hindi magiging totoo yung salitang ikaw at ako. Simula, pa lamang ng pahinang ito alam ko ng di magiging atin ang mundo, dahil isa ka lamang estranghero.
______________________
Thanks for reading!😊
PLAGIARISM IS A CRIME!Xoxo